Chapter 28

7 0 0
                                    

Nonsense

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nonsense

Parang namiss ko ang pagyakap ng kama ko sa akin tuwing hihiga ako dahil ilang araw rin akong wala sa bahay. Hinayaan kong kainin ako ng comforter matapos nang mahaba naming byahe.

Kauuwi lang namin at matapos kong makipag-usap kila Mama ay dito na kaagad ako nagdiretso.

Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong tinatangay ng antok kaya mabilis din akong nakatulog. Nagising na lang ako sa tunog ng cellphone ko kinabukasan.

Pinulot ko ang cellphone at sinagot ang tawag kahit na hindi pa nakikita ang caller. I was still in my bed, eyes are still closed, and my brain isn’t functioning well.

“Oh?” ang tanging nasabi ko, halos ungot na nga lang dahil hindi makapagsalita nang maayos sa kadahilanang kagigising lang.

“Did I wake you up?”

Kahit na nakapikit ang mata ay kumunot ang noo ko dahil sa boses na nakilala sa kabilang linya. Bakit ang aga yata?

“Bakit?” malat kong tanong dito at pinilit ang sarili na bumiling para makita ng maayos ang phone. Mag-aalas onse na pala?

“Can I go there?”

“Ha?! Bakit?” medyo natatarantang muli kong tanong. Napabangon ako sa aking pagkakahiga at automatic na yatang gumalaw ang kamay ko para ayusin ang buhok ko.

“Lunch tayo?” patanong niyang saad pabalik.

“Teka.” Mas nataranta ako kaya napatay ko agad ang tawag. Agad ko rin naman iyong pinagsisihan dahil hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos. Gusto ko pa sanang pindutin ang call button pero mas pinili ko na lang na magtipa ng sasabihin para hindi ito magtaka kung bakit ko pinatay kaagad ang tawag.

After that, I went inside the bathroom and took a bath. Simpleng damit lang ang isinuot ko para komportable ako. Hindi ko pa alam kung saan kami pupunta, kung hindi aayon ang suot ko ay pwede namang magpalit.

“Lalabas ba tayo?” tanong ko rito nang sinundo ko siya sa gate. Basa pa ang buhok ko kaya nagpupunas ako sa harap niya. Sinunsundan ng kaniyang tingin ang bawat paghagod na ginagawa ko sa buhok.

Shone was only wearing a white printed shirt and a denim pants. Ayos lang din naman siguro ang suot kong t-shirt at jorts.

“I’ll take you out for lunch. Don’t worry if you are not done yet, I will wait for you.”

Pinaupo ko muna siya sa sofa dahil inaayos ko pa ang buhok ko. Aayusin ko pa ang gamit na dadalhin ko kaya medyo matatagalan talaga kami.

“Bakit?” tanong kong muli. Kanina pa ako bakit nang bakit. Maybe I was looking for something in his answers. Something that would satisfy my heart.

“Because I want to hang out with you. Okay lang ba?” parang nahihiya pa niyang tanong. Nakahawak siya sa kaniyang batok at hindi makatingin sa akin.

Entangled Series: PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon