NAKANGIWING nakatingin sila Keen sa nakahaing ulam sa hapagkainan. Halos hindi maipinta ang kanilang mga mukha maliban kay Darshan na natatakam na makakain ng palaka. Yes. Naroon pa rin ang kaniyang mga kaibigan, maliban kay Zach na busy na sa asawa nitong si Gayle. Si Eldian na hanggang ngayon ay namroblema kung saan hanapin si Nisha nang bigla na lang itong nawala na parang bula magmula no'ng kasal ni Zach at Gayle.
Sinamahan siya ng mga kaibigan doon, ayaw kasing umuwi ng mga ito kagabi nang malaman nila ang kondisyon ng ama ni Tryna upang mapatawad siya nito. Inutusan kasi siyang magtanim at maglinis sa tanaman ng magulang ni Tryna. Titingnan daw ng ama nito kung hanggang saan ang kaya niyang tiisin para makuha niya ang basbas mula sa ama ng dalaga.
Nagpresenta ang mga kaibigan niyang tulungan siyang magtanim at maglinis ng tanaman para madaling matapos. He's very thankful to have such a friends like them. They're willing to help him even if they don't know how to.
Natawa pa siya kagabi dahil nagsiksikan silang natulog sa kamalig na pinaglalagyan ng mga inaning mais at palay. Mas pinagtatawanan nila kagabi si Darshan, hindi kasi sanay ang kaibigan dahil pinalaki iyon ng mga magulang na ginto ang kutsara. Idagdag mo pang hindi sila nakatulog ng maayos sa kakatawa sa rito. Naalala pa niya ang nangyari kagabi sa ilog.
Flashback
Nasa loob silang lahat ng kamalig na pinaglagyan ng palay at mainis. Medyo malaki rin naman iyon kaya magkakasya silang lahat na matulog sa sahig na gawa sa kawayan.
Nakasandal lang siya sa lantay habang nakahiga sa sahig ang mga kaibigan niya."Are we really going to sleep here?" tanong ni Charm.
"It's a messy here." Sabat ni Kimwell.
"Linisin mo, tanga." Wika naman ni Zurich.
"Fvck you!" mura ni Kimwell sa kaibigan.
"Ang ginaw rito, bud." Nakangiwi namang anas ni Arbby.
"Wala bang kumot?" tanong naman ni Zyken.
"Bumalik ka sa Maynila para kumuha ng kumot. Dalhan mo na rin kami," nakangiwing bara ni Tatum.
"Magpatulog kayo kung ayaw niyong matulog." Nakapikit na sita ni Luhen sa kanila.
"Yeah. Ang ingay niyo," gatong ni Dwight.
Komportableng nakahiga ang dalawa patihaya habang nakapatong ang kanang mga braso sa noo at tiyan naman ang kaliwa. Halatang sanay na sanay ang dalawa sa ganoong sitwasyon.
"Tsk! Palibhasa mga sundalo kayo kaya't sanay kayong matulog sa ganito." Hindi maipinta ang mukhang wika ni Charm.
"Tsk! Nakikipagtalik ka ngang hubo't-hubad tapos naka-aircon pa, hindi ka nga nagreklamong hinayupak ka!" asik naman ni Zurich.
"Tanginamo, Vandross! Walang personalan," malutong na mura ni Charm.
Tinaasan lang ng gutnang daliri ni Zurich ang kaibigan at hindi na ito pinansin pa.
Si Roshan na nakasandal sa isang sako ng mais at busy na naman sa cellphone nito. Alam niyang si Dra. Montelo na naman ang laman ng isip nito kahit hindi iyon aminin ng kaibigan.
"Did you guys know where is Kamzatti?" biglang tanong ni Arbby.
Napatingin siya sa buong kamalig pero wala nga si Darshan. "Kasama natin yun kanina papunta rito, ah." Saad naman ni Zyken.
"Shit! Saan na naman kaya nagpunta ang isang yun?" bulalas ni Tatum.
Lahat sila napatingin sa pinto nang makarinig ng sigaw sa labas. Nang bumukas ang pinto ay pumasok si Darshan na hinihingal. Pati sila Luhen at Dwight ay napabangon na rin.

BINABASA MO ANG
ILS#3: His Possession With A Maid (Complete)
RomanceWARNING ⚠️: Rated SPG(R18+) Keen Mark Azzarry, was a scheming playboy who loves playing dirty flame with girls. He's a seaman and a cunning man when it comes to business. No one dared to trick him except his set of friends who always their when in n...