Panimula

18 1 0
                                    

Pag-ibig.
Hindi mo alam kung bakit pag-ibig ang pinakatanyag at pinakapinagkakaguluhang alak ng lahat. Kakaiba ang sensasyong binibigay nito base na rin sa mga taong nakikita ng mga mata mo, mga mata mong musmos pa lamang sa konsepto ng naturang alak. Hindi mo alam kung bakit eto ang kinikilalang pinakamakapangyarihang alak sa kalawakan gayong ni ikaw nga ay hindi pa nasasakop nito. Sapat na. Palagay mo'y sapat na ang natutunghayan ngayon ng hubad mong mga mata upang maliwanagan sa misteryong bumabalot sa alak na kinababaliwan ng mga lasenggo't lasenggera sa paligid.

Dahil sa alak na'to, may nabubuo. Nagkakaron ng pamilya. Tatay, nanay, ate, kuya, bunso. May kakaibang kislap kang nakikita sa mga mata nila. Siguro, napaparami na ang naiinom nilang alak. Lasing na siguro sila kaya naman iisang paligid na lang ang iniikutan nila.
Dahil sa alak na'to, may nasisira. Nagkakaroon ng pagkakawatak watak. Mga taong piniling sundin ang pagkalunod sa sensasyon kapalit ng sarili nilang mundo. Siguro sa sobrang pagkauhaw nila, kahit na mali, kahit na makasakit, kahit na mawala ang lahat, hahayaan nila makamit lang nang buo ang ligayang inaasam nila. Ligayang pinangako ng alak bago nila mapagdesisyunang magpakalunod.
Dahil sa alak na'to, nagiging isang pinilakang tabing ang mundo. Nagiging isang instant bida slash kontrabida slash dakilang alalay slash manonood ang isang tao. Paano ba naman eh base sa nakikita mo, umiikot ang mundo ng lahat ng tao sa pagiging bida to the point na kahit kwento at teleserye ng iba, ipagtutulakan nila ang sarili nila mapunta lang sa kanila ang spotlight kahit na ang totoo'y maling istasyon ang kinaroroonan nila.
Dahil sa alak na'to, dumadami ang pasyente sa mental hospital. Natawa ka sa naisip mong yon. Sabagay, baliw kasi ang tingin mo sa mga nahuhumaling sa alak.
Dahil sa alak na'to, nagiging bilog ang mundo. Lahat kase ng nakikita mo ay tumataas at bumababa. Lahat ay sasaya at iiyak. Lahat ay aasa at magpapaasa. Lahat ay manlalamang at malalamangan.

Napapatawa ka na lang sa mga tao sa paligid mo. Nagiging isang malupit na transpormasyon kasi ang natutunghayan mo sa kada laklak ng mga ito sa alak na yon. Ano bang meron ron? Eh kung tutuusin nga eh matapos nilang magpakasaya kasalo nito ay iiwan lang sila ng ligaya kinaumagahan? na oo, nakikita mo ang kakaibang ligayang nakapinta sa mukha ng mga lasenggo't lasengga pero ang hindi mo maintindihan, bakit iba iba ang lasa ng alak? Bakit ang unang matamis ay napapalitan ng pait? Bakit ang unang ngiti ay napapalitan ng hinagpis? Bakit kahit na may pait man ito, patuloy pa din sa paglagok ang mga tao sa paligid mo? Bakit kahit pagod na sila ay hindi nila magawang itapon ang baso at bote sa harapan nila? Bakit masaya? Bakit malungkot? At bakit ka nga ba biglang nahihiwagan sa alak na yon?

Tinitigan mo ang alak sa harap mo. Ang totoo nyan, ilang oras na mula ng may magbigay sayo nito ngunit ni hawakan man ito ay hindi mo ginawa. Pakiramdam mo kase, mapapaso ka pag hinawakan mo to. Handa ka na ba? Handa ka na bang mabuo at gumuho ang mundo matapos inumin ito? Handa ka na bang malunod sa mahikang bumabalot sa alak na yan?

Ang totoo nyan ay wala kang makuhang sagot. Dahil pakiramdam mo ay sa simpleng pagtitig lang rito ay nalalasing ka na. Sa simpleng pagtitig lang rito ay pinapasok ka na nito sa portal ng kawalan at hiwaga. Sa simpleng pagtitig lang rito ay nagrarambulan na ang sistema mo. Sa simpleng pagtitig lang rito ay para bang hindi mo na kilala ang sarili mo. Sa simpleng pagtitig lang rito ay inaakit ka na nito, na para bang ito ang pinakaperpektong bagay sayo ngayon.

Ewan mo ba. Di mo alam kung bakit lahat ng inumin ay konektado sa alak na yan! Uhaw na uhaw ka na tuloy. Naaalala mo bigla ang sinaba sayo ng doktor mo. Bilang na lang ang oras mo. Tatlumpu't tatlong araw na lang mula ngayon ang kayang itagal ng kemikal na tinurok sayo bilang altetnatibo sa alak. Oo. Kailangan mong inumin ang alak na nasa harapan mo para mabuhay pa. Naaasar ka sa ideyang yon. Ayaw mo kasing ibase ang buhay mo sa walang kwentang inumin lang. Kung mamamatay, edi mamamatay.

Desidido ka na. Hinding hindi mo to iinumin.

Hinawakan mo ang alak. Nilagay sa bag mo. Humiga ka na lang ulit sa damuhan. Mas trip mo pa kasing pagmasdan ang bituin sa langit kesa panoorin kung 'pano malasing ang mga tao sa alak na syang sasalba sa buhay mo, na syang magpapahaba sa tatlumput tatlong huling araw mo.

Kaya naman ipinikit mo na lang ang mga mata mo. At hayaang lipasin ka ng kamay ng orasan at dalhin sa huling hininga mo.
Thirty three days...

Sa sobrang himbing ng tulog mo, hindi mo napansing nginitian ka ng kalawakan. Hindi mo namalayan na ang pagtitig sayo ng mga bituin ay ang paghuhudyat ng paglalakbay mo. Paglalakbay na hindi mo gugustuhin. Paglalakbay na gugulantang sa natutulog mong diwa. Ang tatlumpot tatlong araw ng paglalakbay, ng transisyon...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tamis at Pait ng AlakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon