Hue #4

4.4K 95 18
                                    

Hue #4

Naia's POV

Kumurap ako. Ilang beses. Pretty eyes, pouty lips. Shit. Mukha na akong tanga. Nakakainis pero okay lang—ang gwapo kasi talaga. Crush na crush ko. Magpapakabait na ako basta maging boyfriend ko lang siya.

Ilang minuto rin na hindi niya inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya na nasa dibdib ko. Normal lang ang mukha niya habang ako ay hindi ko alam kung natatae ba ako o ano.

Ang lamig na rin ng kamay ko. Magsasalita na sana ulit ako nang higitin niya ang kamay niya mula sa akin tapos ang ulo lang niya ang ginalaw niya para tingnan si Nurse Ceej.

"Ceej, mukha ba akong psychiatrist?" tanong niya rito.

Sumingit ako. "No! You look like a surgeon. Ayon ba gusto mo na specialization?"

Hindi niya ako pinansin tapos nagsalita itong si Ceej. Teka, may relasyon ba sila? Jowa niya ba 'to? Broken-hearted na ba ako agad?

No! Wala pa akong nagagawa!

"Hindi naman," sabi nito saka tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Good. Kaya tumawag ka na ng psychiatrist kasi mukhang may nababaliw na rito." Lumingon siya sa akin. "Miss, baka hindi ako kailangan mo. Gusto mo ba—"

"What, no! Do you think I'm crazy?" Lumukot ang ilong ko at masama siyang tiningnan pero agad din akong ngumiti tapos tumawa. "Baka nga...baliw na baliw sayo."

Umawang ang labi niya, para bang hindi niya alam ang gagawin sa akin. Oh, cute! Ang sarap pisilin ng pisngi niya.

Nabawi na rin naman niya ito. Syempre, hindi pa ako tapos magsalita—crap!

Napakislot ako nang idampi niya ang likod ng palad niya sa noo ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at alam ko na halata na ang pamumula ng pisngi ko.

Nakatayo lang ako roon tapos kinuha niya ang penlight niya tapos tiningnan ang ilalim ng mata ko. Seryoso siya sa ginagawa niya habang kinikilig ako.

Bagay niya na maging doktor pero mas bagay siya sa akin.

Hindi na ako makahinga. Mamatay na ako sa simpleng dikit lang ng balat niya sa katawan ko, paano pa kapag hinalikan ko siya? Sigurado ako na sobrang lambot ng pisngi niya at ng labi niya.

I cannot wait for it to happen! Ipakilala ko na kaya siya kay Dad para naman matuwa siya kasi gusto na niya ng apo.

"You're good—"

"Good—only for you." Humagikgik ako pero hindi pa rin stable ang paghinga ko.

Ang lapit ng mukha ko sa matipunong dibdib niya. Ano kaya work-out nito? Maybe he's around 192 cm tall, katangkad ni Kuya Prix kasi nasa 198 cm si Kuya Cyx.

Ang ganda ng height naming dalawa, ang tangkad siguro ng anak namin.

Ngumiti ako pero dedma siya. Halata mo na naiinis na siya sa akin pero dahil nurse siya at soon-to-be-doctor ay dapat mahaba ang pasensya niya kagaya ni Kuya Prix. Kaya nga hindi bagay si Kuya Cyx maging doktor kasi baka umiyak pasyente niya imbes na gumaling.

"Miss, do you like me?" diretsa na tanong niya.

Woah. I like it. Wala ng paligoy-ligoy pa.

"Yes!"

He nodded and nonchalantly said, "I don't like you."

What the fuck?

"Oh, that's harsh." Tumawa si Nurse Ceej doon sa gilid tapos tumalikod na si Treston.

Hue in my Palette (Hue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon