Hue #5

4.3K 99 19
                                    

Hue #5

Naia's POV

"Oh, my gosh! Owen is here! Itago mo ako!"

Hinila ko si Ellia nang makita na papalapit na si Owen, org leader namin. Kahit useless ay nagtago pa rin ako sa ilalim ng lamesa dahil baka makalusot.

"Naia, ano na naman ba ang ginawa mo?" sabi ni Ellia. Hawak ko ang kamay niya habang nasa ilalim ng lamesa tapos siya ay hindi niya alam kung tutulungan niya ba ako o tatakbo na lang siya.

"Takpan mo ako dali! Lagot ako sa kanya kasi hindi ko pa tapos ang painting na pinapagawa niya." I was already panicking at iniisip ko na ang mga pwedeng dahilan kung bakit hindi ko natapos ang painting na nakatoka sa akin.

"Huh?" Gulat na sabi ni Ellia. "Ngayon ang deadline non. Hala ka! Akala ko ba tatapusin mo kagabi?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tatapusin ko naman sana kaso inuna ko na i-stalk si Treston sa social media accounts niya. Hindi ko na namalayan ang oras kaya hindi ko natapos. Ang aga pa ng klase namin kanina! Muntik na rin ako ma-late kasi ang tagal ng Uber. Coding kasi ang sasakyan ko tapos hiniram ni Kuya Prix ang driver ko para ipag-drive siya sa medical mission nila sa Cavite.

"I-pre-present na natin mamaya 'yon para sa exhibit," dagdag ni Ellia. "Kaloka ka! Andyan na si Owen!" Tumaas na rin ang boses niya tapos narinig ko na ang boses niya kasama ang mga org mates namin sa Art & Tea.

Hiwalay ito sa university organizations dahil isa itong grupo na itinayo pa ng pamilya ni Owen, mula pa sa ninuno niya na isa sa mga renowned artist sa bansa. Malaki ang organization dahil may mga grupo ito mula sa iba't ibang rehiyon pero ang grupo namin ang pinaka-main na siyang nagde-desisyon para sa lahat. Owen is also the next president of the whole organization.

"Help! Oh, my gosh!" Nagdadasal na ako sa ilalim ng lamesa.

Hindi naman nakakatakot si Owen pero masyado kasi siyang strikto pagdating sa mga gawain sa org namin. Sigurado ako na may parusa na naman ako.

"Paano kita tutulungan? Tumayo ka na lang dyan at sabihin ang totoo—"

"Noreen Valle," seryoso ang boses ni Owen. Hindi ako nagsalita at nagpanggap na wala lang–hindi ko siya naririnig. "Noreen, I can see you."

Ngumuso ako sabay sabunot sa buhok ko. Useless naman talaga. Bakit ba pinahirapan ko pa ang sarili ko?

"Nasaan ang painting?" tanong niya.

Huminga ako ng malalim sabay tayo. Inayos ko ang sarili ko pati na rin ang buhok ko. Nakataas ang kilay ni Owen. Hindi siya gwapo kapag nagsusungit—dapat sa kanya ay laging nakangiti. Mabait siya. Friends nga kami pero ang ayoko talaga kapag nasa org na kasi nagiging halimaw siya. Although, kasalanan ko naman talaga. Deserving naman siya na maging leader—pasaway lang talaga ako.

"Magtatanggal ka na naman ba ng vandalism sa park, Noreen?" sabi na niya agad kasi alam niya na hindi ko natapos. Syempre, hindi ako nagpapakita sa kanya.

Ugh! Ang hirap lumandi habang nag-aaral. Nakakainis! Ang sarap naman kasi i-stalk ni Treston dahil may Youtube Channel siya. Actually, it's a secret. Hindi rin Treston ang gamit niya na pangalan. Para bang secret account niya—secret identity kaso magaling ako dahil nalaman ko. Papasa na siguro akong NBI agent.

Naka-public account si Nurse Hector kaya ginamit ko 'yon para alamin ang IG ni Treston kaso wala naman. Ma-swerte pa rin ako dahil may isang post si Nurse Hector kasama si Treston at Nurse Ceej. May hawak na gitara si Treston na may nakalagay na sticker: lacharmony

I searched it in Google and there—I found his Youtube Channel with a million subscribers yet he didn't even show his face and there's not even a single video where he spoke. Tanging violin covers lang ang nandon. Ang daming babae na malandi na nagcocomment sa mga videos niya at sinasabi na magpakita na siya.

Hue in my Palette (Hue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon