VII

29 0 0
                                    

"Chin up! Good! One, two, three!"

Narito na ako ngayon sa studio kung ginagawa ang photoshoot sa pinag-momodelohan ko.

Sa tingin ko'y tama naman ang aking mga ginagawa dahil hindi pa naman ako nasisita.

Napakasarap sa pakiramdam na gawin ang bagay na gustong-gusto mo. Siguro'y ganito rin ang sayang nararamdaman ni Alfonso sa tuwing tumutugtog siya.

Tutal ay pinag-uusapan na rin naman natin si Alfonso ay nag-papraktis siya ng banda ngayon pero susunduin niya raw ako pagkatapos para sabay na rin kaming umuwi.

Tumindig ako nang maayos nang mag-simula na ulit kumislap ang mga ilaw mula sa kamera. Ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya para maging maganda ang kalalabasan ng mga litrato ko.

Mayroon din akong naging mga kaibigan sa set. May mga baguhan kagaya ko at mayroon din namang halos propesyonal na. Nakakamangha ang kanilang mga kayang gawin. Masasabi mo talaga na confident na sila. Sana'y pag-dating ng panahon ay ganoon na rin ako.

"Good job everyone! It's a wrap!" Sabi ng nangunguna kung paano kami popose.

Lahat kami ay pumunta kung saan ibabalik ang mga damit na aming suot. Sa katunayan ay gusto ko itong iuwi para naman may remembrance na nangyari talaga ito.

Bakas na bakas siguro ang kaligayahan sa aking mukha dahil sabi ni Alfonso nang makita ko siyang nag-hihintay sa labasan para sunduin ako ay, "Daig mo pa ang nanalo sa lotto, ah!"

"Syempre! Sobrang sayo ko ngayon! Grabe! Kasama namin kanina sa loob si Hany Mae! Iyong sikat na model! Naka-usap ko rin siya, para siyang anghel kung mag-salita!"

"Siguro nga kumpara sa iyo na parang kargador. Biro lang!" Bawi niya agad nang akma ko siyang kukurutin.

Magkahawak-kamay kaming pumunta sa pinakamalapit na karinderya para mag-hapunan. Nakakatuwa lamang dahil proud na proud siya sa akin. Tuwang-tuwa siya na inilibre pa niya ako ng Tokwa't-baboy. Hindi talaga nakakalimot ang isang ito.

"Kumusta ang praktis ninyo? Ilang linggo nalang, kompetisyon niyo na." Sabi ko habang kumakain.

"Maayos na. Kaunting linis na lamang at handa nang itanghal."

"Mabuti naman. Siya nga pala, Alfonso... Kumusta na kayo ni Jacinto? Mas nag-uusap na ba kayo?"

Tumingin siya sa akin at tumango. Masaya nga rin pala ang naging kainan namin kagabi kasama ang mga kabanda niya sa parke. Hindi ko akalain na ganoon ang kapasidad nila sa pagkain. Naka-ilang order kami ng pares at kanin! Isa pa ring pangyayari ay kasama si Jacinto at kahit papaano ay nakikipag-usap na siya sa amin. 

"Nag-sasalita na siya. Mabuti na rin at baka ang baho palagi ng hininga noon. Bihirang bumuka ang bibig,"

"Sobra ka naman. Naka-usap ko siya, hindi naman mabaho,"

Natawa siya. "Pati ba naman iyan ay binigyan mo pa ng pansin." Uminom siya ng Buko Juice. "Huwag kang mag-alala, hindi ko naman siya sinusungitan. Humingi na rin naman siya ng dispensa sa akin noong isang araw kaya wala na siguro akong dapat ikagalit."

"Wala naman talaga dahil ikaw lamang ang pipiliin ko." Bahagya ko namang kinurot ang kaniyang braso. "Uy, seloso ka pala, ha!" 

Umismid siya. "Hindi 'no. Hindi naman ako palaging nag-seselos. Sadyang iba lang talaga ang dating sa akin niyang si Alfonso. Para bang nayayabangan ako sa kaniya."

"Asus, hindi ka lamang pinansin noong una ay mayabang na. Sa bagay, sabi nga nila, ang mayabang, nagagalit din sa kapwa niya mayabang,"

"Aba, bakit pati ako, pinag-mumukha mong masama?" Sabi niya at bahagyang tinusok ang tagiliran ko. 

Natawa naman ako at umiwas sa kaniyang kamay. "Hmm... Kaya mo ko inilalayo sa kaniya ay dahil nayayabangan ka sa kaniya. Hindi pala dahil ayaw mong makita akong kasama ng iba?" Tumaas ang kilay ko. "Paano kaya kung nagustuhan ko si Jacinto?"

Tinaasan niya rin ako ng kilay. "Hindi iyon mangyayari."

"Paano mo naman nasabi? Ikaw ba ang may hawak ng damdamin ko? Hindi naman imposible na magkagusto ako sa kaniya dahil magaling din siya tumugtog, gwapo, mukhang mabait-"

"Mukhang mabait?" Umismid siya. "Kumain ka na nga lamang diyan. Kung ano-anong sinasabi mo."

"Wala ka palang pakialam kung maagaw ako ng iba, huh."

"Wala talaga dahil hindi naman kita ipapa-agaw." 

Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko rin ay uminit ang aking pisngi. "W-weh?" Iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig. 

"Kumain ka na lamang diyan. Oh, heto pa ang kanin. Mukhang kulang pa ang mga kinain mo dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isip mo."

Natahimik na lamang ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Akala ko pa naman ay hindi na mahilig mag-pakilig si Alfonso dahil kami na pero nitong mga nakaraan ay napapadalas, ah. 

Totoong hindi siya madalas mag-selos. Naaalala ko noong nililigawan niya ako, walang lumalapit sa akin na ibang lalaki dahil lalapit pa lamang ang mga ito ay parang aawayin na niya agad. Kahit noon rin ay wala naman sa amin ang madalas mag-selos dahil siguro, kampante na kami at malaki ang tiwala sa isa't-isa.

"One, two, three," Bilang ni Jacinto bago mag-simula si Leorio sa intro. 

Nang magsabay-sabay sila ay namangha ako dahil kopyang-kopya nila ang tunog mula roon sa orihinal na kanta! Masigla at sikat din ang kanilang mga napiling awitin kaya't panigurado ay magugustuhan ito ng masa kapag itinanghal na nila!

Tumigil sila sa pangalawang tugtog. "Kristian, sa tingin ko'y bilisan mo nang kaunti ang pag-lipat ng nota para tumugma sa aming tatlo." Sabi ni Alfonso at tumango naman si Kristian. Sinubukan muli nila hanggang sa makuntento.

"Pwede bang mag-rolling muna ako, para mayroon kayong tanda kung kailan papasok? Mahirap kasi kung mangangapa tayong lahat. Baka hindi tayo magkasabay-sabay." Sabi naman ni Jacinto. Nagulat ako dahil totoo nga na nakikipag-usap na siya! Medyo mahiyain pa nga lamang pero alam kong magiging maayos din iyan sa susunod!

"Oo sige, Jacinto. Parang mas magandang ideya iyon," Sabi naman ni Kristian. 

Kitang-kita kung paano namangha ang lahat sa galing pumalo ni Jacinto. Nakakatindig balahibo ang kanilang nagagawang musika. 

Naka-ilang ulit sila hanggang sa nag-desisyon na mag-pahinga muna. Bibili ng pagkain sa labas at nag-paiwan na lamang ako dito sa loob. Si Jacinto ang huling lalabas at tumakbo ako para maabutan siya. 

"Jacinto!" Tawag ko na ikinalingon niya. 

"Oh, Alana."

"Mabuti naman at nakikipag-usap ka na sa kanila! Masaya ako para sa iyo!" 

Ngumiti naman siya. "Salamat, Alana. Tama ka. Matagal-tagal din ang magiging samahan namin kaya mas mabuti nga siguro kung bubuksan ko ang sarili ko para sa kanila."

"Malungkot ka pa rin ba... kahit na nagkakaroon ka na ng mga bagong kaibigan...?" Mahinahon na tanong ko dahil ayaw ko namang mailang siya o kaya't masaktan ang damdamin. 

Bumuntong hininga siya. "Kahit ano naman ang mangyari, hindi siya nawawala sa puso't isipan ko. Nariyan lang siya, hindi nawawala. Ganoon din ang lungkot. Siguro, nakakalimutan ko ito kahit na sa maikling panahon pero kahit anong gawin ko ay babalik at babalik pa rin ito."

Nag-katinginan kami dahil sa kaniyang sinabi. "Huwag kang mag-alala, Jacinto. Ipagdadasal ko na sana'y bumalik ulit ang kaligayahan sa puso mo."

"Salamat, Alana. Oh, paano? Riyan ka muna at bibili lang din muna ako ng meryenda," Tumango ako at pinanood siyang mawala sa aking paningin. 

~~~

Aking ikagagalak ang inyong mga komento at boto kung nagustuhan ninyo ang kabanatang ito.

E-Heads Playlist #3: MagasinWhere stories live. Discover now