Lavander’s POV.
“So, ano nga ang nangyayari?”
Nilagok ko muna ang baso ng dugo ng hayop bago sila tiningnan isa-isa. Nandito ako ngayon sa dining area habang nasa harapan ko si Lucas, Tito, Fiaraz at saka si Ate Lisha.
Yes. Ate Lisha is already here. Nagulat nga ako nang makita siya, eh. Akala ko kasi tomorrow pa siya uuwi kasi sabi niya iyon. That’s why I didn’t expect here to be here. Kaya ba wala sila Tito kanina para sunduin siya?
Nang mawala ang lalaki kanina ay iyon din ang pagpasok nila Lucas at pinindot ang switch na nasa gilid lang ng pintuan dahilan para lumiwanag ang paligid. Nagulat pa nga sila nang makita ang sala. Paano ba naman kasi, the whole living room is a mess. May bitak ang ilang bahagi ng pader. Ang sofa ay sira. At ang mga vase ay nasa sahig na, basag. Kung iisipin ay parang dinaanan ng bagyo ang living room. Paanong hindi maging gano’n, eh, halos magiba na nga namin kanina iyong living room. Buti nalang talaga ay hindi nagiba, ang lakas pa naman ng lagapak bawat tumitilapon sa amin. Kung sabagay, ang laki naman ng living room, hindi magigiba ng gano’n-gano’n lang.
Kaya ngayon, imbis na magpapahinga ako at mag-i-interogate kay Ate Lisha sa byahe na ay ako ngayon ang ini-interogate sa nila. Imbis kasi na yayakapin pa nila ako bago ako tatanungin ay dinala nila ako agad dito sa dining area at pinalibutan. Minsan hindi ko talaga alam kung bakit sila ang pamilya ko.
Actually, hindi pa ako nakakasagot sa lahat ng katanungan nila. Why? Because of that guy who kissed me. As in! Hindi mawala sa isip ko. Like ngayon ko lamang na-realize na kinuha nito ang first kiss ko. Yes! You heard it right! First kiss! Walang hiya siya! Sino siya sa akala niya para halikan ako?! That motherf*cker!
Pero hindi ko mapapagkailang hindi ko siya napigilan kanina. I should have pushed him and killed him. Ngunit nakakapagtakang hindi ko nagawa iyon. I am not the kind of girl who’s easy to get. Hindi ako ‘yong tipong babaeng basta-basta lang nagpapahalik. Nakakapagtaka lamang dahil parang gusto ko pa ang ginawa niya imbis na umayaw. Nanghihina ako sa kaniyang presensya. There is something about him that makes me want him. Hindi kaya ng katawan ko na ayawan siya. My body wants his touch. The way he touched me down—Arghh! Tumigil ka na, Lavander! You should hate him! You should have pushed him and dislike his touch! Baka kalaban iyon!
Ang nakakapagtaka lang din ay bakit hindi ko makita ang mukha niya. Kahit madilim naman ay nakikita ko ang mukha ng mga tao, bampira at kahit anong bagay. Pero siya, hindi talaga Tanging mata lamang ang nakikita ko sa kaniya at kaniyang katawan, not his whole face. It’s like he wants to hide it front me. But the question is, how? How can he do that? How can he hide his face? No vampires or any creature can hide there appearance from a vampire, pwera nalang kung nagmaskara ka. Pero hindi siya naka-maskara, alam ko ‘yon. Sino ba siya?
“Hoy, Ate! Back to earth!” nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang sigaw ni Lucas. Nakita ko pang pinitik-pitik niya pa ang daliri niya sa aking harapan.
“H-Huh?”
“Anong huh? Kanina ka pa nakatulala riyan. Kanina ka pa namin tinatanong kung ano ang nangyari. Nakatulala ka lang diyan. Namumula ka pa,” naiiritang sabi niya.
Napaayos ako ng upo sa aking kinauupuan saka hinawakan ang aking pisnge. Parang totoo nga ang sinabi niya. Ramdam ko ang init nito kaya napayuko ako. Ano ba, Lavander?! Ano ang nangyayari sa iyo?
Tiningnan ko sila isa-isa. Nakatingin sila sa akin na may panunuring tingin na akala mo’y may nagawa akong masama na hindi ko sinasabu. Nakita ko pa kung paano lumiit ang mata ni Tito na akala mo’y nasa malayo ako. I know that all of them are suspecting me about something.
BINABASA MO ANG
Unknown Connection (Completed).
Про вампиров(Vampire Active Series #2) There are group of kids that can make their world upside down. They are the second generation that is more stronger than the first. Each one of them has their own capability and own personality. In short, they are unique...