56

901 24 7
                                    


**GARRI'S POV**

"Hindi porke isa ng Ocampo si Everlie ay papayag na akong mag katuluyan kayo. Walang bisa ang kasal nyo dahil iba ang totoong pag katao ni Everlie, iba ang pangalan nya sa kasal nyo at sa kataohan nya ngayon. Kaya sa ayaw at sa gusto mo kayo pa rin ni Roseben ang dapat na ikasal" Wika ni mommy.

"Tigilan mo na to mom, hindi ko kayang pakisamahan ang babaeng hindi ko naman mahal. Pwede ba mom, tigilan nyo na ako! Mashado ng nabibilog ng Roseben na yan ang ulo mo! Dahil ba sa mga binibigay nya sa inyong alahas at mamahaling gamit kaya nakalimutan mo na yung magagandang pinag samàhan nyo ni Everlie noon?!" Pasigaw na sagot ko dito. Hindi nakaimik si mom, alam ko naman na magaling si Roseben mag manipula ng mga tao. Hindi namamalayan ng target nito na hulog na hulog na sya sa patibong nito.
Ginagamitan nya ng charm ang bawat target nya kaya nakukuha nya ang gusto nya. Sorry nalang sya dahil basang-basa ko na ang bawat galaw nya.

"Kahit itakwil nyo ako bilang anak nyo, ipag lalaban ko ang marriage namin ni Everlie. Tama na yung minsan ko syang tinalikuran. This is my life at gagawin ko ang ano mang gusto ko. So please, tama na mom habang kinikilala pa kitang Ina." Pakiusap ko dito. Nang laki ang mata ni mom sa sinabi ko. Siguro hindi nya inaasahan na sasabihin ko ang salitang yun sa kanya.

Nagising na ako sa katotohanan. Hindi na ako susunod sa gusto nila. Buhay ko to at ako ang gagawa ng sarili kong kwento.

Isa nalang ang problema ko ngayon, kung paano mababawi si Everlie sa sinasabi nyang boyfriend nya. Kung dapat ko syang kidnapin, gagawin ko yun makuha ko lang ulit ang puso nya.

"Garri, bumalik ka dito!" Sigaw ni mom ng umalis ako ng mansion.

Kikilos na ako, hindi ko hahayaan na mapunta lang sa iba ang babaeng una kong minahal at mamahalin hangang sa huli.

-

Dumiretso ako sa mansion nila Everlie. Alam kong pagod pa ito dahil sa party na nangyare kagabi. Pero gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat. Baka sakaling yun lang ang paraan para mabawi ko sya sa lalaking yun .

Pag dating ko ng mansion, agad akong hinarang sa gate ng mga security guard.

"Sir, hindi nga po pwede. Mahigpit pong ipinag bilin ni Ma'am Erceles na huwag kang papasukin." Wika ng isang guard.

"Please manong, paki sabi sa kanya na may mahalaga lang akong sasabihin." Pag mamakaawa ko dito.

"Sino ba yang nang gugulo dyan? Paalisin nyo na yan."

Napakunot ang noo ko sa lalaking nag salita at lumabas ng gate. Sya yung boyfriend daw ni Everlie.

"Umalis kana bago pa kami tumawag ng pulis." Wika nito at hinila ako ng dalawang guard papunta sa kotse ko.
Sino sya para umasta ng ganito?

"Everlie! Mag usap tayo! Please, may importante kang dapat malaman!" Sigaw ko ngunit binuksan na ng isang guard ang pinto ng kotse ko at pwersahang ako nitong pinasok sa loob.

"Ayaw kang makausap ni Erceles, kaya huwag ka ng babalik dito." Wika Nung lalaki kaya lalong uminit ang ulo ko.

"Hindi pa ako tapos, mag kikita ulit ang landas nating dalawa." Wika ko at pinaandar na ang kotse ko.

Hindi ako susuko, nag sisimula palang ako. Makakausap din kita Everlie, hintayin mo lang ako.

**Erceles pov**

Nandito lang ako sa guard house, dinig na dinig ko ang mga sinabi ni Garri. Ano pa bang dapat namin pag usapan? Malinaw naman na ang lahat na ikakasal na sya. Nasisiraan na ba sya ng ulo? Lalo nya lang akong pinapahirapan sa ginagawa nya.

"Ma'am nakaalis na si Sir Garri." Wika ni Jonathan kaya nakahinga ako ng maluwag.

Masakit para sakin yung pangyayaring ito. Pero ito lang ang dapat gawin, ang iwasan si Gari para sa ikabubuti ng lahat.

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon