DALAW SA BUWANANG DALAW

13 2 0
                                    


Author: Mark Angelo Cañedo

"Mga anak, halina't kakain na tayo!" Pag-anyaya sa min ni mama.

Nag-unahan kami sa pag-upo ni ate para kumain.

"Mia, samahan mo akong mamalengke mamaya ah?" Saad ni mama kay ate.

"Opo, ma!" Tugon naman ni ate.

"Bunso, dito ka lang sa bahay ah. Nagdadalaga ka na. Maging responsable ka, anak." Paalala sa akin ni mama.

KINAHAPUNAN, ay dumako na sila mama't ate Mia sa palengke. Naisipan kong maglinis ng bahay nang sa gayon ay malibang ako.

"Knock. Knock"

Ma? Ate? Ang bilis niyo naman po? Takang tanong ko habang binubuksan yung pinto.

Wala naman akong nakitang tao na posibleng kumatok sa pinto namin.
Naisip ko na baka guni-guni ko lamang yun, kaya nagpatuloy na ako sa paglilinis.

Maya-maya may naulinagan akong nakasilip na babae sa loob ng banyo namin. Inobserbahan ko lamang iyon ng mga ilang minuto bago ko iyon nilapitan.

"Sino yan?" Pasigaw kong tanong.

Ang ipinagtataka ko ay wala namang tao nang makalapit ako sa banyo, bigla na lamang sumakit yung puson ko kaya napa-upo ako sa sahig.

"Aaah! Aaaa!" Namimilipit kong sigaw.

Napatigil ako nang biglang may narinig akong nakikisabay sa palahaw ko sa sakit.

"Ate? Ikaw po ba yan?" Takot kong tanong.

Naramdaman kong basa yung short ko kaya agad akong tumayo at napatakip ng bibig sa aking nakita.

"D-dugo? B-bakit may dugo sa short ko?" Takot kong tanong.

Walang ano-ano'y bigla na lamang may nangamoy na masangsang at malansa sa paligid ko, kaya agad akong napatakip ng ilong.

Naramdaman kong may pwersa na nanggagaling sa itaas ko dahil may bumagsak na kung anong tubig o basa sa ulo ko. Dahan-dahan akong tumingala at agad na bumungad sa akin ang isang dalagang babae na dinudugo. Hindi ako nagkakamali na siya yung babaeng nakita ko kanina sa banyo.

"Aaaahhhhh! Mama!" Takot kong sigaw.

Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa takot.

"Lara? Anak? Nasan ka?"
"Bunso? Nandito na kami!"

Natauhan na lamang ako nang marinig kong tinatawag ako nila mama't ate Mia, kaya agad akong napatakbo papunta sa kanila.

Napagtanto kong Unang buwanang dalaw ko iyon ayon kay mama.
Paulit-ulit pa rin akong dinadalaw ng babae sa tuwing buwanan ko. Nakararamdam pa rin ako ng takot sa oras na dalawin niya muli ako.

PLAGIARISM IS A CRIME!

DALAW SA BUWANANG DALAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon