"Kuya Mirkov, pwede po ba ito?" Napatingin si Mirkov kay Bea.
Kasalukuyan silang nasa loob ng boutique. Sa katunayan, ang Ate Elise niya ang nag-suggest at nag-supervise noong bagong bukas pa lamang ang boutique na iyon. It was more than a souvenier shop than a boutique for him. It was one of his good memories. Orihinal kasing walang ganoon sa Vasilios, dahil bukod sa hindi niya iyon maasikaso, he doesn't know anything about clothing. Lagi naman niyang natitiyempuhang abala si Ate Elise, ang nakatatandang kapatid ng kaibigan niyang si Giovanni, sa tuwing balak niyang humingi ng tulong dito.
Naiintindihan naman niya si Ate Elise, dahil marami na itong mina-manage na branch ng Elise's. Hindi naman niya gustong humingi ng tulong sa iba, dahil si Ate Elise lang ang pinagkakatiwalaan niya pagdating sa ganoon. Si Ate Elise, ang ate ng lahat.
At nang magdiwang nga siya ng ika-tatlumpu niyang kaarawan noon ay ang boutique na iyon ang iniregalo sa kaniya ng mga kaibigan pati na ni Ate Elise. Alam kasi ng mga ito kung gaano katagal na niya gustong magkaroon ng boutique sa Vasilios, dahil isa iyon sa mga matagal na ring hiling ng karamihan sa kaniyang nagiging kliyente.
Sa katunayan ay may isang mahalagang dahilan kung bakit ang Elise's lang ang nag-aasikaso ng lahat ng may kinalaman sa kaniyang damit. Mula pa kasi pagkabata niya ay maraming beses nang may nagtangka sa kaniyang buhay gamit ang kaniyang mga damit. Palibhasa'y nag-iisa siyang tagapagmana at isa sa itinuturing na pinakamakapangyarihang tao ngayon sa Greece, ilang beses nang nakitaan ng lason ang ilan sa mga nairegalo sa kaniyang damit.
Mula pa noong 1800 ay kilala na ang pagkamatay ng ilang tao nang dahil sa mga lason sa damit. At ganoon ang palaging ginagawa ng mga taong gustong pumatay sa kaniya. Ganoon na ganoon ang estilo.
Noong pitong taong gulang pa lamang siya, at nahirang na susunod na tagapagmana, ay may nagpadala sa kanila ng isang petasos hat at chlamys na matingkad ang pagkakulay ng berde; just to discover later on that it was dyed using an Arsenic pigment. At naulit pa iyon, siyam na taon matapos ang Arsenic pigment incident, isa na namang zonari, na parte ng tradisyunal nilang kasuotan, ang kaniyang natanggap at sa pagkakataong iyon ay kulay kahel naman iyon. They later found out that the fabric was dyed using uranium orange, an radioactive element that is very harmful and deadly especially in longer exposure.
Kaya naman magmula niyon ay humigpit na ang kanilang seguridad sa pagtanggap ng mga regalo, lalo na kung ito ay gawa sa tela. Hindi na tinatanggap ng kanilang buong pamilya ang kahit anong regalo na may tela. Inimbestigahan na ng royal detectives ang mga insidenteng iyon, maging ang lahat ng kanilang mga empleyado. Ngunit tila sadyang magaling ang mga taong gustong pumatay sa kaniya. Walang naiwang bakas kung saan nagmula ang mga kasuotang natanggap niya, at ang mga nag-deliver naman ng mga iyon ay pare-pareho ring binawian ng buhay dulot ng matagal na exposure sa lason.
Iyon ang nag-udyok sa kaniya na lumayo siya sa monarkiya nang tumuntong siya sa legal na edad. Palihim siyang umalis mula sa Greece. He left the spotlight in Greece and started from scratch. Nagpunta siya sa iba't ibang mga bansa at doon ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Nang makuha niya ang diploma ay unti-unti niyang itinayo ang kaniyang sariling kumpanya. At sa pagpapalipat-lipat niya ng mga bansa, napadpad siya sa Pilipinas at doon nakilala ang mga kaibigan.
Kaya nga lamang, nawala nga siya sa kamara ng sariling bansa ay hindi naman niya inaasahan na magiging matagumpay siya at makikilala sa business world. Umingay ang kaniyang pangalan sa mundo ng business. At sa muling pag-ingay ng kaniyang pangalan sa halos buong mundo, ay muli rin iyong narinig ng mga nagtatangka sa kaniyang buhay.
Ang pinakahuli niyang natanggap na 'regalo' ay isa muling petasos hat na kinulayan naman ng matingkad na silver gamit ang mercury poison.
Someone out there was really trying to kill him; trying to dispatch him.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)
Ficción GeneralMirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'fuck' in different languages. Sa dinami-rami ng bark...