Ano na naman ginawa mo, Ivy!
Hinila ko nalang buhok ko pagkagising ko. Nagmadali akong magbihis at aalis na sana pero natigil ako ng may magsalita.
"Iiwan mo na naman ako?"
Napalingon ako kay Wrayn na bagong gising pero napatalikod din kaagad ako dahil tumayo ito ng walang saplot ni isa.
"Uuwi na ako. May gagawin pa ako." Awkward naman neto!
"Mag almusal na muna tayo. Ihahatid kita sa inyo."
Humarap ako para mag protesta. "Ayok--" napatalikod na naman ako dahil nakikita ko ang saging niya na kumakaway sa akin. Lord, umagang umaga sinusubok n'yo po ako.
"A-ayoko. Kaya ko namang umuwi. Magbihis ka nga!" Sigaw ko.
"Sus! Para namang hindi mo pa nakita, pangalawa na nga natin 'to." He said with a smirk.
"Bastos! Uuwi na ako." Hindi ko pa nahahakbang paa ko pero hinila na kaagad ako ni Wrayn para paupuin sa kama.
Pinag-crossed ko agad ang mga kamay ko sa dibdib ko.
Natawa naman ito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pinitik ako nito sa noo.
"Aray ko!"
"Stop with your dirty thoughts. Ang aga aga, Ivy." He said. Nang-aasar.
"Tse! Tigilan mo nga ako!" Namula naman ako sa hiya.
"Hintayin mo ako. Magbibihis lang ako. Ihahatid kita. Huwag mo na subukang tumakas, okay?" Ginulo naman nito ang buhok ko.
"Ano ba! Uuwi ako kung gusto ko bakit kita hihintayin ha? Stop messing around!." Reklamo ko.
"Whatever, babe." Pumasok na ito agad sa banyo.
Babe mo muka mo!
Ngingiti-ngiti ito pagkakita sa akin pagkalabas niya ng banyo.
"What?" Asik ko.
Umiling lang ito pero nakangiting aso parin.
"Masakit paa ko kaya wag kang mag assume na hinintay kita." Umirap pa ako.
"Paa ba talaga?" Tinignan naman nito ang pagitan ng hita ko.
"Bastos ka talaga!" Binato ko ito ng unan kaya tawa ito ng tawa.
"Lika na, señorita pagluto na kita." Hinagis naman nito ang tuwalyang ginamit niya sa akin.
"Ano ba!" Inis ko sabi na tinawanan lang niya.
"What do you want to eat?" Tanong nito habang nagtitingin ng mga pwedeng iluto.
"Kahit ano."
"Okay."
"Pero parang masarap longganisa?"
"Okay."
"Tsaka fried rice ha and orange juice." Request ko pa.
"Akala ko ba kahit ano?" Natatawa nitong sabi.
"Edi wag." Maktol ko na nireplyan niya lang ng paggulo sa buhok ko.
"Kainis naman!" Tinawanan lang ako neto at tumalikod na sa akin para magluto.
"Wala ka bang pasok?" I curiously ask. Ang tahimik naman kase.
"Mamaya pang 3:00 pm. Gusto mo sumama?" Alok nito.
"Ano gagawin ko dun? Baka makatulog lang ako." Bored kong sabi.
"Akala ko ba kanina marami kang gagawin?" Panghuhuli nito sa akin.
"Basta. Eh ano gusto mo intayin kita magising after that happened?"
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
RomantizmI love her. She is like a moon shining so bright and so high. I love her and no matter what, I will get her. Baligtarin ko man ang lahat sa akin ka pa rin.