"Date mo muka mo. Crush mo ko no!" Pagtataray ko para pagtakpan ang namumula kong pisnge.
"Crush mo ko kaya idedate kita. You're welcome." Ngumisi pa ito kaya lalo akong nairita.
"Duh! I'm waiting for Lili kaya magdate ka mag-isa mo." Tumayo ako at naglakad na palabas pero nagpaalam muna ako sa kaibigan ko at umalis.
"Saan ba kayo pupunta ni Lili?" Nakasunod na ngayon sa akin sa paglalakad.
Actually, hindi ko rin alam kung saan kami pupunta or may mapupuntahan ba kami. Hindi ko nga alam kung may klase pa ba si Lili or wala na.
"Anywhere. Basta hihintayin ko nalang siya." Naupo ako sa bench na nalililiman ng puno.
"Samahan na kita maghintay." Umupo naman sa tabi ko at nagsimula magbuklat ng notebook.
"May klase ka pa ba?" I asked.
"Wala na."
Tumango nalang ako kahit hindi naman neto nakikita. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sakaniya. Long lashes, thick brows, pointed nose, red lips, perfect jaw, and soft skin.
Hindi ko na namalayan na tinusok ko na pala ang pisnge niya. Tinaasan naman ako nito ng kilay.
"Your skin is soft. Anong skincare mo?"
He chuckled. "Good genes lang."
Napairap naman ako. Ang yabang!
"Don't worry, I can share my genes with you." He smirked.
"No, thanks! Maganda rin ang genes namin."
"Edi sobrang ganda kapag pinag-sama genes natin?"
Inirapan ko nalang siya. Bahala ka maging delulu.
After a few minutes nakita ko na si Lili na naglalakad palapit sa akin.
"Hey!...may pogi ka palang kasama hindi mo naman sinabi." Nag twinkle agad ang mata ng malandi kong kaibigan. "Hi, I'm Lili. Ivy's single bestfriend." Nilahad nito ang kamay na agad namang inabot ni Wrayn.
"Wrayn. Ivy's crush." He chuckled.
"Excuse me?!" Ang kapal!
Lili's lips formed an O. Kung ano ano na naman tumatakbo sa isip ng babaeng 'to!
"Whatever. May klase ka pa ba? Let's eat?" Aya ko sa kaibigan na agad naman niyang sinuklian ng pout.
"Sorry, girl. May meeting ako. We need to discuss something about our project."
I sighed. "Sure. I'll text you later. Bye." Paalam ko at humalik na sa pisnge niya. Tumakbo naman na ito paalis at kumaway nalang.
"Ano?" Pagtataray ko. Kanina pa nakatitig eh halatang mang aasar.
"Date na tayo?" Lalo akong nainis sa multong ngiti na pinipigilan niya.
Napa irap nalang ako. "Tigilan mo ko."
Naglakad na ako papunta sa parking lot at nakasunod pa rin siya!
"Wala ka bang pamasahe at sunod ka ng sunod sa akin?"
Napa irap naman ito. "May pamasahe ako. Kakasweldo ko lang. Arte."
I make face. "Maarte talaga ako."
"Alam ko. Uhm..."
Nakita ko namang parang may gusto siyang sabihin. Don't tell me...omg!
Napasinghap ako. "Please don't tell me na nainlove ka na sa akin? Twice lang may nangyari sa atin-"
"Delulu. I just want to invite you because it's my sister birthday. Gusto nya ang mga fashion fashion."
"So? You want me to teach your sister about fashion?" Paglilinaw ko.
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
RomanceI love her. She is like a moon shining so bright and so high. I love her and no matter what, I will get her. Baligtarin ko man ang lahat sa akin ka pa rin.