Yung common na type ng story na halos mahulaan mo na yung sunod sunod na pangyayari.
----
Isang araw may isang girl na naglalakad sa kalsada tapos may nakasalubong siyang isang napakagwapong boy, dahil sa sobrang pagkatulala nung girl nabunggo niya ito ng hindi oras, tapos nalaglag yung mga gamit na dala dala niya tapos tinulungan siya nung boy pulutin yung mga yun, pero yung girl tatanggi sana kaso aksidenteng nagkahawak ang mga kamay nila tapos dahan dahan silang tumingin sa isa't isa at ngumiti na parang wala nang bukas. tapos dun na magsisimula ang ala Fairytale na istorya na buhay nila.
----
Ang ganda ganda na ng takbo nung story pero naboring yung writer kaya ang ginawa nilagyan ng sakit yung bida tapos mamatay pa sa ending.
----
Masaya na yung mga bida, natapos na yung problema nila pero bigla bigla nalang may susulpot na isang echoserang karibal na may kinalaman sa buhay nila at patuloy sa sisirain ang relasyon ng dalawang bida.
-----
Yung girl mahirap, hindi sikat, inaapi, yung boy naman, mayaman, heartthrob, mayabang. Pero nainlove sya dun sa mahirap na girl, kaya yung mga fans nung boy kinukuyog yung girl. Tapos ipagtatanggol siya ng isang tahimik, mabait, maalalahanin, matalino na isa pang boy na laging kasama nang girl pero hindi man lang niya nagawang mahalin ito. Pero patuloy parin yung boy sa pagprotekta sa girl.
----
meron pa yung mga masokistang babae, harap harapan ng nasasaktan pero hindi pa rin itinitigil ang kahibangan dahil "Mahal" daw nila yung lalake, na wala namang ginawa kundi ang maglaro at magpaasa ng babae.
-----
Yung mula pagkabata kinaiinisan niya na yung lalake dahil sa sobrang sama ng ugali nito, sobrang yabang, babaero lahat na ng masamang katangian inangkin pero hindi alam nung babae kaya ginagawa ito ng lalake sa kanya dahil gusto niya lang mapansin siya nito dahil noon pa man, gusto na niya yung babae.