Chapter 2

108 3 2
                                    

"Yes, at na miss din kita." biglang sagot nya sakin habang naka tingin sa mga mata ko.

Mga ilang segundo din akong napatitig sa kanya, I don't know why, baka dahil nabigla ako sa sinabi nya. Nang bumalik ako sa ulirat ko ay tumingin nalang ako sa pagkain ko at nagpatuloy sa pagsubo, pero pakiramdam ko ay nakatingin parin sya sa akin. 

"Mom, uwi na daw tayo sabi ni daddy" sabi ni Xandra. Nakapasok na pala sya dito sa children's room ng hindi ko namalayan.  Mabilis akong tumayo at lumabas ng silid.

Habang nasa sasakyan ay hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ng apo ni Mrs. Felix, hindi ko man lang nga alam ang pangalan nya. Hindi din mawala sa isip ko ang mga tingin nya sakin. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga yun. May gusto ba sya sa akin?

Haizzt, bakit ba kung ano-ano iniisip ko. Ang assuming ko na yata, ang bata nya para magka gusto sya sa akin, at his age malamang magkaka gusto sya sa mga kasing edad nya. I'm sure na miss lang talaga nya ako dahil gusto nya yung mga luto ko. Yun lang yun, nothing more, nothing less. 

Mag 11PM na nang matapos ako sa pagsusulat. Isa akong indie film script writer mga 5 years na din, dahil wala akong mapagkaabalahan sa Cebu ay nag apply akong script writer sa isang online company. Agad naman akong natanggap dahil nagustuhan nila ang ilan sa mga sina-submit ko na stories. 

Pag pasok ko ng kwarto ay tulog na si Khalil, lagi naman syang maaga matulog. Nahiga na ako at pinatay ang ilaw, ngunit mag 30 minutes na ay hindi parin ako dalawin ng antok. Kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko at kasama na doon ang gwapong apo ni Mrs. Felix. Ano kaya pangalan nya? Naisipan ko na kunin ang cellphone ko at mag check sa facebook. Napansin ko ang mga pictures na naka tag si Khalil. Nag picture picture pala sila kanina, nakita ko din na kasama si Mrs. Felix sa naka tag. Inopen ko ang name nya na naka-tag para makita ko ang account nya. Mabuti na lang at hindi sya naka private account, hindi kasi kami friend sa facebook. Actually wala akong ni isang FB friends na taga-church. 

Nakita ko sa account ni Mrs. Felix ang apo nya na kausap ko kanina, inopen ko iyon at nakita ko na ang pangalan nya ay Calvin. Calvin Felix. Napangiti ako ng hindi ko alam, at hindi ko din alam kung bakit nasagi sa isip ko na i-click yung 'message' button eh wala naman akong balak na imessage sya. 

Nagulat ako na may message pala sya sakin, naka 9 messages sya sa akin at puro 'Happy Birthday Tita' ang nakasulat. Di ko nakita ang mga iyon dahil hindi kami friend kaya napunta sa spam ung mga messages nya sa akin. Hindi din nya ako ma request friend kasi puno na yung friends list ko. It means, minemesage pala nya ako yearly tuwing birthday ko. Ngayong taon lang hindi dahil sa susunod na buwan pa ang birthday ko ulit. Sa murang edad nya noon ay nagawa nyang hanapin ako sa facebook at i-message. Nakaramdam ako ng kilig, i-memessage pa kaya nya ulit ako ngaung bumalik na ako. Tanong ko sa isip ko. 

___________________________________________________

"Wow, himala! Ang aga mo magbihis ngayon ah" sabi ni Khalil na kakatapos lang maligo. Di ko nalang sya pinansin. 7AM palang kasi pero nakabihis na ako. Usually kung kelan kami aalis sa pag simba ay saka palang ako nagbibihis. But this time is so different, I'm very excited. First time ko makaramdam ng excitement sa pagsisimba sa church na yun. 

Pagkapasok palang namin ng chapel ay hinahanap na ng mata ko si Calvin, medyo nakaramdam ako ng lungkot ng di ko sya makita. Dismayado akong umupo sa unang bakanteng silya na nakita ko, kung saan isang matandang babae ang nakatabi ko. Umupo si Khalil sa bandang unahan at si Xandra at Xander naman ay sa tabi ng mga kakilala nila. 

Mga ilang minuto lang ay nagbukas ang pinto, lumingon ako upang makita kung sino ang dumating. Si Calvin, kasama ang kanyang kapatid at mga magulang. Hindi naalis ang pagkakatingin ko sa kanya, lalo syang gumwapo sa suot nyang navy blue long sleeve na medyo loose at maong jeans kaya hindi naman mukhang masyadong pormal ang attire nya. Napatingin sya sa dereksyon ko kaya bigla kong binawa ang tingin at humarap nalang ako sa nagsasalita ng sermon sa harapan.

Umupo sya sa isang bakanteng silya sa di kalayuan sa akin. Napakagat labi nalang ako upang mapigilan ang saya na nararamdaman ko. Napapansin ko sa gilid ng mga mata ko na ilang beses kong nakikita na lumilingon sya sa akin. Hindi kaya sya mapansin ng mga katabi ko? Isang lingon pa ulit ang ginawa nya ng tiningnan ko din sya, nagkatitigan kaming dalawa... kitang-kita ko sa mga mata nya na may tila gusto syang iparating sa akin. Kung ano man yon, ewan ko... hindi tama tong nararamdaman ko. Ayaw ko din mag assume, baka naman kasi may gusto lang sya ipaturo na luto sa akin or whatever. Basta ayaw ko na sa nararamdaman ko. 

Tumayo ako at nagtungo sa pantry room kung saan andon din sa loob ang CR. Pumasok ako sa cr para manalamin lang, napansin ko na nagba-blush pala ako. Nag wisik wisik ako ng tubig mula sa gripo sa lababo para mahimasmasan naman ako. Ang tindi ng  epekto sakin ng lalake na yun ah. Napansin ko na wala pala akong dalang panyo upang maipunas sa basa kung mukha at wala na ding tissue sa cr. Mabuti nalang at may nakita pala akong tissue sa ibabaw ng table kanina. Pag labas ko ng cr ay nakatayo doon si Calvin, napahinto ako sa sobrang gulat ko. Kanina lang kasi ay iniisip ko sya, ngayon naman ay nasa harapan ko na sya. Para nalang akong istatwa na nakatayo sa pinto ng cr samantalang sya ay mabilis na kumuha ng tissue sa table at bahagyang pinunasan ang mukha ko. 

Nang bumalik ako sa katinuan ay akma ko nang kukunin ang tissue sa kamay nya mula sa pagpupunas nya sa mukha ko pero pinigilan nya ang kamay ko ng isa pa nyang kamay. 

"Let me do this for you" mahina nyang sabi. Parang huminto ang mundo ko ng mga sandaling iyon. Di na ako nagtanong pa kung bakit. 

"I have been waiting a very long time for this to happen" dagdag pa nya. Napaka-sweet ng boses nya, amoy na amoy ko ang tila menthol candy na kinain nya sa sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko... kulang nalang ay halikan nya ako. What??? Halikan? No! it's a big no! At dahil don ay lumayo ako sa kanya at kumuha ng baso at tubig sa drinking station sabay lagok ng tubig. Nang maramdaman nya na may nagbukas ng pinto ng pantry room ay agad syang pumasok sa CR.

"Ikaw pala yan Andrea, sino ang nasa loob ng cr?" tanong ni Mrs. Felix na nakangiti pag pasok nya.

"Ah, yung apo nyo po yata yun" sagot ko sa kanya. Biglang lumabas naman si Calvin sa cr.

"Ayy Calvin, ito si Andrea, sya yung asawa ni Engr. Khalil... sya yung nag luto ng tteokbokki na gustong-gusto mo" pagpapakilala ni Mrs. Felix sa akin sa kanyang apo.

"Ah, sya po pala... kaya pala masarap" sagot ni Calvin. Parang iba ang ibig sabihin ng sagot nya na yun, pero hindi napansin ni Mrs. Felix yun, dahil matanda na sya ay hindi sya nagkapag isip ng ibang kahulugan sa sinabi ng apo nya.

"Gusto mo bang magpaturo kung pano magluto non? Pwede natin sya puntahan sa bahay nila at nang makapag kwentuhan naman kami ng matagal nitong si Andrea." dagdag pa ni Mrs. felix.

"That's a good idea, lola." malaking ngiti ni Calvin sa akin.

Sabi ko na nga ba eh, gusto lang nya magpaturo ng luto, pero bakit kailangang sya pa ang magpunas ng mukha ko kanina?



Sinfully Sweet AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon