47

39 2 0
                                    

The following day, I was at my firm. Hindi kasi ako agad lumipat sa Hilaga kahit mayroon na akong firm dito. Bale ngayon, ang dali-dali lang ng byahe ko. May inaasikaso lang akong papeles pero uuwi na ako maya-maya. Baka ayain ko na lang din si Cheska mag badminton. 'Di naman 'yun tatanggi sa akin, e.

"Hey, Ches," tinawagan ko siya.

[Ano ang kailangan mo, madam?] tanong niya.

"Badminton tayo mamaya sa court ng Hilaga," aya ko.

[Arat! Tayo lang dalawa? Gusto kong makita si Rai!]

"Sige, yayayain ko!"

adelaideclaire: rai, bebe

Maya-maya, nag reply na din siya.

_raine: yes ate

adelaideclaire: u want to play badminton? kasama ko si cheska e gusto ka daw kasama

_raine: sure ate, wala naman akong gagawin

adelaideclaire: okay i'll pick you up na lang

Mabilis lang akong nakauwi sa bahay dahil walang traffic. Nagpalit agad ako sa yoga shorts at sports bra. Exposed ang cleavage ko pero wala akong pakialam, wala namang titingin. Tinali ko ang buhok ko at sinuot ang puti kong rubber shoes.

Dinala ko ang duffel bag ko na maliit na may lamang extra clothes, water, and energy drink. Kala mo naman athlete talaga, e!

I left the house at 4:30 PM at nakarating ako sa bahay nila ng 4:35. Mukhang 'di pa siya ready kaya pumasok muna ako.

"Oh, hi! Hindi pa ready si Rai, e. Intayin mo lang, Adi, ha." Sabi ni Tita Sally.

"Sure, Tita. No problem. Hindi naman po ako nagmamadali," I chuckled.

I heard a car approaching and a car door slammed shut!

"Ma, kaninong kotse ba 'tong naka-harang sa paradahan?! Kala niya kung sino siya!" Sabi ng isang pamilyar na boses. Sino pa ba?!

Pagkabukas niya sa screen door, nakita niyang nandoon ako at nagulat si Ren.

He was wearing a white dress shirt, his necktie was loose, his hair was messy. Gosh, he's so gwapo.

"I'm sorry, itatabi ko na lang. Hindi ako dapat magtatagal," I coughed.

He looked at me from head to toe. He smirked and scoffed, I don't know why.

"Why so revealing, Adi?"

Adi.

"Bakit? May problema? Dito ako komportable, e. Hindi ba 'yon ang sinabi mo sa akin? Wear what I want?" Sabi ko nang buksan ko ang pinto ng sasakyan ko.

Inatras ko ang kotse ko at sa kabilang side nag-park. Nakakairita naman 'to! Hindi ko naman siya inaano, kung makapagsalita!

"Saan ka pupunta?" Tanong nito kay Rai.

"Nag-aya si Ate mag-badminton, e," sabi ni Rai.

"May pamalit ka? May tubig ka ba?" Makulit nitong tanong.

"Meron, Kuya. Hindi na ako bata, okay?" Sabi ni Rai.

Parang nasaktan si Renzo doon, ah. He pursed his lips and sighed.

Lumabas na kami ni Rai at sumakay na sa sasakyan.

"'Wag mo namang ganunin ang Kuya mo, Rai. Nakita ko, nasaktan 'yun," tumawa ako.

"Totoo naman kasi, Ate. Parang lagi na lang akong bata sa kaniya. I'm an adult naman na. Siya nga gurang at walang asawa, nagpayo ba ako?" She chuckled.

He Was My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon