03

10 1 0
                                    


"Diretso ka lang d'yan tapos pag dumaan tayo doon sa parang puting lumang bahay, kanan ka lang."


Tinuro ko kay Oliver ang daan papunta sa bahay ko. Hindi na ako nakatanggi sa kanya kanina kasi alam kong kailangan ko na rin umuwi. Tsaka wala pa naman siguro si Kuya sa bahay. 


Oliver just nodded and focused on the streets. Hindi ko alam pero napatitig nalang ako sa kanya buong byahe. Naguguilty lang siguro ako kasi kahit ang sama-sama ko sa kanya kanina ay nagawa niya pa akong ihatid. 


Maybe he's not that bad after all.


Nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin ay wala pa ang kotse ni Kuya. Inabot na rin siguro sila ng ulan. I was about to get out of his car when he stopped me. 


"Do you have an umbrella?" he asked. 


Binuksan ko ang bag ko at napabuntong hininga nalang ako ng makita ko na wala pala akong dalang payong. Hindi ko naman kasi alam na uulan pala ngayon. Hindi naman kasi maulan kahapon.


"Wala, eh." Sagot ko.


He nodded. "Wait there," bumaba na naman siya ng kotse ng walang dalang jacket. 


Napakamot nalang ako sa ulo ko. He opened the car's back at kumuha siguro ng payong. He opened the door for me and placed an umbrella on top of my head para hindi ako mabasa. Sinamahan niya ako hanggang sa makarating kami sa pinto ng bahay namin. 


Napatingin ako sa kanya at basang-basa siya. Mas lalo tuloy akong na-guilty! Nilagay ko muna ang bag ko sa tabi ng pinto at kinuha ang payong na hawak ni Oliver para isampay muna iyon sa labas. 


"Pumasok ka muna sa loob. Kukuha lang ako ng towel." Sabi ko sa kanya at pumunta sa kwarto ko para kumuha ng towel. Pagbalik ko ay nandoon lamang siya sa pinto, nilalaro ang alaga kong aso. Lumapit ako sa kanya at binigay sa kanya ang towel. "Magpatuyo ka muna, baka magkasakit ka." 


He smiled at me. "Thank you, Xanaya."


Tumingin ako sa labas at nakita ko na parang walang balak tumigil ang ulan. Mas lalo lang lumalakas ang ulan, eh! Sinarado ko muna ang pinto dahil napapahid ng hangin ang ulan kaya pumapasok sa loob ng bahay 'yong raindrops.


"May extra shirt ka ba?" tanong ko. 


He shook his head. "Nagamit ko na kanina noong nagpractice ako ng basketball." 


"Wait lang, kukuha lang kita ng damit." Pumunta ako sa dating kwarto ng mga magulang ko at binuksan ang damitan nila. 


Hindi na naman nila kakailanganin 'to dahil hindi na sila babalik pa. Masaya na sila sa buhay nila ngayon kaya hindi na nila kakailangan pang bumalik sa amin. Masaya na rin naman din kami ng wala sila. 


"Here," I handed Oliver my Dad's shirt. "Kay Dad 'yan pero okay lang kahit huwag mo na ibalik." Natatawang sabi ko. 

Going Back To YesterdayWhere stories live. Discover now