Chapter 2

60 5 2
                                    

Ingay ng alarm clock ang bumulabog sa malaking silid ni Amir Conan. Mula sa pagkakadapa ng higa ni Amir ay kinapa nito ang kinaroroonan ng maingay na orasa. Nang mamatay iyun nanatiling nakapikit ang mga mata nito hanggan sa maulinigan nito ang pagtawag sa kanya na Conan.

"Conan..."

Conan ang tawag sa kanya ng napalapit na sa kanya. Tatlo malapit sa kanya lang ang tumatawag sa kanyang Conan. Si Mrs.Crison na siyang lagi niyang kinukuha sa tuwing nawawalan siya ng sekretarya. Pangalawa naman ay ang modelo na si Yasser,gaya niya ay isa din bampira at ang pangatlo ay ang kanyang Lola na si Lupe. That witch,Lupe,his grandmother. Amg matandang mangkukulam ng mawala ang sumpa rito na pinatanda lang pala ay ubod ng ganda. Nasa dugo nila ang magkaroon ng perpektong pisikal mula hanggang paa.

"Conan,"muli sambit ng pamilyar na boses na iyun.

"Mmm..."daing niya na tila sumagot lang siya habang nanaginip na may kausap.

"Kapag hindi ka pa bumagon dyan hindi ka na makakaalis pa dyan sa kama mo,"banta ng may-ari ng boses na awtomatikong nagpamulat sa mga mata ni Amir.

Napabalikwas siya ng makita ang Lola Lupe niya.

"Lola?!"

Naningkit ang mga mata nito sa kanya habang may hawak na pamaypay na may balahibo pang design. His grandmother fashion is very old style!

"Lola ka dyan?! Hindi ba kapag nandito tayo sa mundo ng mga tao,Lupe ang itatawag mo sakin?!"pagtatama nito sa kanya.

Napakamot siya sa ulo. Maraming beses na siya nito sinasabihan na huwag ito tatawagin Lola na hindi naman niya nakasanayan. Mula ng pagsilang niya Lola na ang tawag niya rito. Ngayon bumalik na ang bata nitong mukha ang awkward lang sa kanya na tawagin lamang ito sa Lupe.

Napabuntong-hininga siya. "Bakit ngayon ka lang po ulit nabisita?"untag niya rito. Nanatili siya nakaupo sa kama niya. Walang pantaas at tanging boxer lang ang suot niya na natatakpan ng kulay itim na kumot.

"Bakit? Nagtatampo ka?"tikwas ang isang kilay nito.

Napapahiyang napakamot na naman ng ulo ang binata.

"Medyo. Kayo na nga lang pamilya meron ako,Lola,"sinsero naman niyang sagot.

Tumigil ito sa pagpaypay at bumuga ng hininga saka hinarap siya.

"Kahit kailan madrama ka. Alam mo naman hindi kita mabibisita palagi dahil may tungkulin ako dapat gampanan,"tugon nito.

"Yeah,right. Dapat masaya ako na naalala niyo pang may apo kayo,"usal niya.

"Ito ang kapalaran mo,Amir,"untag ng Lola Lupe niya.

Amir ang tawag sa kanya nito kapag sensitibo ang magiging usapan nila. Saka lang ito tawagin siyang Conan bilang palayaw niya sa mundo ng mga tao.

Hindi siya umimik. Oo. Ito ang kapalaran niya dahil inibig niya si Prinsesa Rebeka. Ang tatlong kambal na anak ni Prinsesa Rebeka ay siyang dahilan din kung bakit siya nasa mundo ng mga tao na kanya naman hinarap para lamang patunayan sa mga ito na handa siyang gawin ang lahat para sa ina ng tatlong prinsipe.

Ang triplets na prinsipe ang nagparanas sa kanya kung paano mamuhay ng mag-isa. Danasin ang mga bagay na hindi naman niya dinaranas sa mundong pinagmulan niya.

"Kamusta na po siya?"saad niya. Hindi naman niya kailangan pang sabihin kung sino ang tinutukoy niya. Palagi niyang pinanabikan na bisitahin siya ng Lola Lupe niya ay para malaman din ang kalagayan ng Prinsesa.

Hindi niya alam kung ano balak ng triplets kay Prinsesa Rebeka. Isang dekada na mula ng umalis siya sa Womanland.

Hindi na rin niya nakita muli ang mga prisipe. Marahil talagang gusto lang ng mga ito mabuhay siya na wala makukuhang koneksyon mula sa mga ito.

Let the love begin : Amir & Rebeka byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon