"Inumin mo ito." Kumunot ang noo ni Nairam nang marinig ang sinabing iyon ni Mr. Whale.
"Para saan iyan?"
"Bakit ba napakarami mong tanong?" Halos isalaksak ni Mr. Whale sa kaniyang bunganga ang durog na gamot na hawak nito. Sunud-sunod ang naging pag-ubo niya nang dahil doon. "Para rin iyan sa iyo. Mamaya, siguradong wala kang ibang mararamdaman kundi puro sarap at kasiyahan."
Ang pula niyang lipstick ay bumakat pa sa palad nito. Kakaibang pandidiri ang naramdaman niya nang halikan nito ang sariling palad habang nakatingin sa kaniya. Gumapang ang kilabot sa kaniyang kalamnan. "Nabura na ang lipstick mo," nakangising sabi nito.
Pilit niyang itinago ang panginginig ng kaniyang mga kamay nang muli niya binuksan ang maliit na drawer. Kinuha niya ang maliit na kulay pulang lipstick doon at muling kinulayan ang kaniyang bibig. Wala na siyang nagawa nang hatakin siya nito.
Maririnig ang pagtama ng takong ng suot niyang sapatos sa sementong nilalakaran. Ipinulupot ng matabang lalaki ang isang braso nito sa kaniyang maliit na bewang. Habang ang isang kamay ay dala ang baston nito. Sa likod nila ay nakasunod ang isa nitong maskuladong tauhan na kahit nakasuot ngayon ng suit and tie ay mukha pa ring sanggano. Ang isa ay naiwan sa fishing vessel sa hindi kalayuan upang bantayan ang mga nakagapos na bata.
Naririnig niya mula sa entrance ang ingay ng nag-uumpisa nang party. Ayon kay Mr. Whale, sa malahiganteng barko daw kung saan sila papasok ngayon ginanap ang selebrasyon; selebrasyon ng kaarawan ng 'mabuting kaibigan' nito.
Napaismid siya. 'Mabuting kaibigan' na palang matatawag sa panahon ngayon ang isang taong kayang kunin ang dignidad ng iba kapalit ng isang materyal na bagay. 'Mabuting kaibigan' na pala ang tawag sa isang taong kaya yumurak at dungisan ang pagkatao ng iba.
Gusto na lamang niyang masuka kung ganoon ang ibig sabihin ng 'mabuting kaibigan.'
Hindi niya matanggap, na ang pagkab*b*e niya ay mapupunta lamang sa isang taong hindi niya kilala. Maging iyon, si Mr. Whale ang nagdesisyon. Siguro nga, iyon ang malupit na katotohanan; na sa ganid at walang-awang mundong ito, walang karapatang magdesisyon ang mga taong katulad niya. Na ang trabaho lamang niya ay sumunod sa lahat ng mga sasabihin sa kaniya. Walang halaga ang kaniyang oo at hindi.
Isa siyang pag-aari na maaaring ipahiram anumang oras.
Maraming tao ang nakapila sa labas ng barko. Ang iba ay kababa lamang sa mga sari-sariling sasakyan na nakaparada hindi kalayuan sa may daungan. Mga eleganteng gown ang suot ng mga kababaihan. Halatang branded ang mga dalang bag, at mga suot na sapatos. Samantala ang mga lalaki ay makikisig sa mga suot nitong suit and tie. Punung-puno ng sopistikasyon ang party na kanilang pupuntahan. Everything else is shiny and every word that is synonymous to the former.
Ang ilan sa mga tao, kung hindi bodyguard ang kasama, ay ang plus one ng mga ito.
Malapit na silang makarating sa may hagdanan nang makaramdam siya ng pagkahilo. Ilang ulit niyang ipinikit at muling iminulat ang kaniyang mga mata. Tila bumabagal ang galaw ng paligid at hindi niya marinig ang lahat ng tunog. There is a high pitched sound on her ears. It is a straight ringing sound.
Ano--- anong... nangyayari sa akin?
Tumigil siya saglit sa paglakad upang sapuhin ang ulo, ngunit agad niyang naramdaman ang pasimpleng pagkaladkad sa kaniya ni Mr. Whale. Nang lingunin niya ito ay malaki ang ngisi nito sa kaniya.
"Sa wakas at umeepekto na," ngising-aso ito at halos labas ang lahat ng ngipin.
Anong ibig sabihin...?
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)
General FictionMirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'fuck' in different languages. Sa dinami-rami ng bark...