The Moment I Knew </3

47 3 1
                                    

Aly P.O.V

Hi! Ako po si Aly. 18 years old. May boyfriend po ako si Luke. Actually, malapit na kami mag-one year anniversary. Next week na! Sa birthday ko. Noon palagi niya akong tinatawagan at tinetext. Palagi siyang may time sa akin.

Pero...

Kamakailan lang parang wala na siyang time sa akin. Minsan lang siya magtext o tumawag sa akin sa loob ng isang linggo. Pag di ko na siya matiis ako na ang kusang tumawag sa kanya. Tapos once a week na din kami nagkikita.

Alam ko naman na hindi niya ako niloloko. Alam ko yun. Talagang busy lang siya.

*sigh*

One time, tinawagan ko siya at inaya ko lumabas kami. Para naman kahit papaano makita ko siya. Miss na miss ko na siya eh. Pero ang sinagot niya lang saakin,

"Sorry Aly ha, may lakad kasi kami pati barkada ko. Promise, next time."

Nandyan na naman siya sa "next time" niya. Minsan nakakaasar na eh. Kaya si bella na lang inaaya kong lumabas. Friend ko si bella at alam niya lahat ng hinanakit ko tungkol kay luke. Palagi niya akong sinasabihan na i-break ko na si luke kasi wala naman daw time saakin.

"Hindi ko pwede i-break si luke. Mahal ko siya." sagot ko naman sa kanya.

Sabihan niyo na akong tanga. Pero mahal ko talaga si luke eh. Ganyan naman diba kapag inlove ka, nagbubulag-bulagan. Kahit na pinapakita niya na wala na siyang oras sayo, nagtatangahan ka parin at pinapaniwala ang sarili na sadyang busy lang siya.

Nahihirapan na din ako sa relasyon namin. Kasi parang hindi naman niya ako pinapahalagahan bilang girlfriend man lang. Palagi na lang siya walang time, may project sa school, may lakad pati barkada o di kaya may family dinner sila. Sawang-sawa na ako sa mga reasons niya eh.

Nawawalan na din ako ng gana.

Parang ayoko na.

Pero...

Tinitiis ko dahil....

Mahal ko siya.

Anniversary Day. Birthday ko din.

Tinawagan ko si Luke.

"Luke, dinner tayo ngayon?" sabi ko sa kanya.

"Huh? Bakit ano ba ngayon?"

OUCH! Kahit na nasaktan ako sa sinabi niya hindi ako nagpahalata.

"Nakalimutan mo na ba? One year anniversary natin ngayon."

"Ahh. Ganoon ba." walang gana niyang sagot.

"W-Wala ka bang naaalala ngayon bukod sa anniversary natin?"

"Wala naman. Bakit ba?"

Birthday ko ngayon luke. Birthday ko. Pati ba yun nakalimutan mo?

"Kita na lang tayo sa park. Yung saan tayo unang nagkakilala. Naaalala mo pa ba?" sabi ko.

"Oo naman. Sige."

"Promise?" panigurado kong tanong.

"Oo, sige na. Bye." in-off niya agad cell phone niya.

Hay!

Kahit man lang "Happy Anniversary Babe!" wala.

Kahit "Happy Birthday Aly!" wala.

At kahit man lang "I Love You Baby", wala...

Wala kahit isa.

Wala....

6:30 sa park.

Inagahan ko talaga ang pagpunta ko. Kasi excited na ako makita siya. Anniversary kaya namin ngayon. Kaya namili pa ako ng damit na susuotin ko ngayon at nagpaganda pa talaga ako kanina para sa kanya. Special kasi ang gabing ito para saakin.

6:50 na. wala pa siya.

"Napaaga lang siguro ako."

"O baka may surpresa lang siyang hinanda para saakin." sabi ko sa sarili.

7:30 wala pa rin siya.

Para akong tanga dito kakahintay sa kanya.

Nag-umpisa na akong kabahan. Tapos text ako ng text sa kanya. Tawag na din ako ng tawag pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kahit isang reply WALA.

:(((

8:30.

"Sabi mo pupunta ka diba." pangungumbinsi ko sa sarili ko. May namumuo nang luha sa mata ko.

Pero kahit anino niya wala eh. Kinakabahan na talaga ako.

Nakapag-desisyon na ako. Kapag di pa siya makakarati-

*vibrate*

Luke calling...

"Hello?" kinakabahang sagot ko.

"Ahhh... Aly... I'm sorry hindi ako makakapunta diyan kasi... Biglaan eh... inaya ako nina jerome. May party daw sa bahay nila. Kailangan daw. Sorry talaga ha."

Matagal ako hindi nakasagot sa kanya. Ang mga luha ko na kanina pa namumuo, ay isa-isang bumagsak.

"Hello? Aly andyan ka pa ba? Aly?"

"Aly magsali-"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"I'm sorry too." tsaka ko siya binabaan.

And that was the moment i knew...

----------------------------------------------------

Ewan ko ba kung bakit puro one shot ang mga sinusulat ko. Hahahahaha. Inspired po ako sa kanta ni taylor swift "The Moment I Knew". Please make some comments. Pakibasa na din ng ibang stories ko. Salamat!

-glamorouswrites

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Moment I Knew &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon