"Bela may assignment ka na sa science?"tanong saakin ni Katy best friend ko.
"Ha?anong assignment??"gulat na tanong ko
"Di mo din nagawa?yung sa Assessment."bigla Kong naalala ang assignment na binigay saamin kahapon.
"Meron ka?"tanong ko agad
"Oo"sagot naman nya
"Pakopya"binigay naman nya agad saakin ang notebook nya.
Dali dali Kong kinopya ang assignment namin dahil 2nd period namin ang science at 6:30 na paparating na ang 1st period namin.
Nasa pang Lima pa lang ako ng nang dumating ang 1st period namin kahit na nagdidiscuss si ma'am ay nagsusulat dahil copy all ang assignment namin.
Patapos na ako ng kinalabit ako ni Katy.
"Tapos ka na?"tanong nya.
"Patapos na"sagot ko at tumango naman sya.
Pagkatapos ko sa assignment sa science ay nag take down notes naman ako sa sinasabi ni ma'am.
"I will be announcing your first performance task next week" sabi ni ma'am nang paalis na sya.
Next week ay reunion namin at baka hindi pa ako makasama dahil tambak ako sa school works kaya hinihiling ko talagang mahaba haba ang deadline ng mga performance task dahil kung hindi ay hindi ako makakasama sa reunion.
8:35 na at wala pa ang 4th period namin late sya ng 5 minutes wala pa sya kaya nag cr na muna ako.
"Miss fuente why are you late?"sabi agad ng teacher namin kapasok ko.
"Ma'am nag cr p-"hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang magsalita sya
"Go back to your seat"sabi nya ng pasigaw. Nakita ko naman si Katy na natatawa kaya napairap na lang dahil kapag late sya ay hindi naman namin sya kinikuwestyon.
Nang mag ring ang bell hudyat ng recess namin ay tumabi agad saakin si Katy.
"Canteen tayo"yaya nya saakin
"Ayoko"hindi na nya ako pinilit dahil pag sinabi Kong ayoko ay ayoko ko talaga
Kinain ko na ang baon Kong combi. Habang kumakain ay nagsusulat ako ng lecture para bukas para mabawasan ang gagawin ko mamaya sa bahay. 20 minutes lang ang break namin kaya pag pumipila ka pa sa canteen ay ubos agad ang oras mo at kapag late ka sa next period ay automatic absent ka kaya nagbabaon na lang talaga ako ng pagkain.
Last period na namin kaya niligpit ko na ang mga gamit ko bago dumating ang teacher namin discussing lang naman kaya hindi na kailangan mag labas ng gamit.
Tumabi saakin si Katy dahil absent ang katabi ko kaya may kadaldalan nanaman ako.
"Teh alam mo ba si aling Barbara?"tsismis agad nya saakin
"Oh napano?"nakitsismis naman ako sakanya
"Nilait lait nya ako kahapon na kesyo mabubuntis daw akong maaga dahil Puro daw sexy ang mga suot tapos tingnan mo ngayon ang anak nya ang nabuntis."si aling Barbara talaga ang Queen of tsismis dito sa pulung cacutud eh dahil ba naman na lait na nya yata lahat ng mga tao dito I tsismis ba naman na wala daw patutunguhan ang dating guard dito without knowing na ceo pala ito.
"Nilait ka na naman?"tanong ko dahil hindi ata matatahimik si aling barabara ng hindi nilalait si Katy eh wala namang kalait lait dito dahil sa maganda ito may kaya at matalino.
"Ay oo teh dinamay pa pati pa-"hindi na nya natuloy ang sasabihin dahil dumating na ang teacher namin.
5 minutes before uwian ay dinissmiss na kami para makapaglinis ang mga cleaners.
"Hintayin nalang kita sa may bench"paalam ni Katy dahil kasama ako sa cleaners
"Sige "sagot ko naman
Nag simula naman akong magayos ng mga upuan at ang iba ay nagwalis. Katapos Kong mag ayos ng upuan ay binura ko ang mga nakasulat sa blackboard . Katapos Kong maglinis ay pupuntahan ko na si Katy sa may bench.
Kalabas ko palang sa may building namin ay may nakabanggaan ako.
"Aray! Dika ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?"pasigaw Kong sabi
"Miss, ikaw ang hindi tumitingan sa dinadaan"sagot naman nito sa malamig na boses. Pagkalingon ko sakanya ay nahagip ko ang abo nyang mga mata. Inirapan nya ako at umalis.
Naiinis na pinuntahan ko si Katy sa may bench at Kinwento sakanya ang nangyari. Natatawa sya habang nag kukwento ako.
"Di mo ba talaga sya kilala?"tanong nya na natatawa
"Hindi nga"naiinis na sagot ko
"Si Aries Serjindria Saavedra yon yung SSG President " pakilala nya pa saakin.
"Wala akong pake Kung ssg president pa sya"sagot ko sa kanya
"Talaga? Sabagay wala din namang pake sayo yun"mas lalo akong nainis sa kanya dahil sa sinabi nya
"Edi wow" pairap na sabi ko
"Oh bakit parang nahuhurt ka?" Asar nya saakin ng natatawa
"Na love at first sight ka ba?"dagdag nya habang tumatawa
"Anong love at first sight ka dyan"gulat na sabi ko sakanya
"Hinding hindi ako maiinlove sa kanya noh" Inis na dagdag ko
"Asus kapag ikaw nainlove dyan tatawanan talaga kita"inirapan ko na lang sya.
"Tara na nga"yaya ko sakanya
Nasa waiting shed kami nang makitang papunta din sya sa waiting shed kasama ang kanyang mga kapatid. kinwento kasi ni Katy saakin ang buong pamilya nya habang naglalakad kami papuntang waiting shed.
"Uy" asar na tawag nya saakin kaya Inis na tiningnan ko sya
Patuloy sya sa pagaasar saakin hanggang dumating ang bus na sasakyan namin. Nagulat ako nang pumasok din sila sa bus na sasakyan namin.
Pagkapasok sa bus ay wala ng mauupuan at kung minamalas ka talaga ang tanging space na pwede kang tumayo ay sa gilid nya pa mismo.
Nagdalawang isip pa ako kung tatayo o uupo na lang sa sahig.
"Bilis"sabi ni Katy kaya wala akong choice kundi tumayo sa gilid nya. Tiningnan ako ng makahulugang tingin ni Katy nang mapansin kung sino ang nasa harapan ko.
Hindi ko namalayan na pinagmamasdan ko na sya dahil nakakamangha ang walang pores nyang mukha,ang piliktang mahaba at makapal,ang kulay grey nyang mga mata,at ang mapulang labi nito. Hindi ko namalayan na matagal ko na pala syang pinagmamasdan namalayan ko na lang ng may kinanta si Katy na kinaasar ko.
"Pinagmamasdan kita ng hindi mo alam~~" nangaasar na kanta nya saakin kaya binigyan ko sya ng masamang tingin.
Nang mapatingin sya sa gawi ko ay may sinabi ito.
"Miss, you can take my seat."sabi nya at bigla sya tumayo at pumunta sa mga kapatid nya.
YOU ARE READING
Mistake
Random"Dating you was a mistake,Sab" -Credits to Pinterest for the book cover.