—Still high school flashbacks
EXPECTING SIX
"GO FINLEY!!"
Napangiti ako ng marinig ang cheer ng mga kaklase ko sakin at ng mga kaibigan ko. Kalaban ko ang kabilang section at sobrang saya ko ng manalo ako sa unang laro. "Congratulations!" bati agad ng mga kaibigan ko matapos ang laban ko.
"Ready ka na ulit mamaya dahil may next game ka pa. Kalaban mo ang mananalong section sa dalawang yan" sabi ni Sammy kaya tumango lang ako.
Ininom ko ang gatorade na binigay ni Ashton. Nasa gilid ako naka-upo kung saan naka-pwesto ang mga player. Walang representative ang last section ng year level namin kaya kung sino ang manalo sa third at fourth section ay makakalaban ko.
Nang matapos ang laban ay fourth section ang nanalo, kaya sila ang kalaban ng section namin. Mamaya pa ang laban namin, kaya mahaba-haba ang pahinga ko. Nagulat ako ng biglang may naglahad ng dalawang sky flakes.
"Eat this, para kahit papaano ay may laman ang tyan mo pag nag laro ka ulit" sabi ni Ashton kaya tinanggap ko yun at nginitian lang siya "Thank you" sabi ko tumango naman siya at umalis na din pero bago yun ay nag-abot pa siya ng isang bote ng tubig.
I stop myself from smiling like an idiot and just eat the flakes he gave me. Inubos ko ang isang piraso at uminom ng tubig, mga ilang minuto pang ay pinaghanda na kami dahil kami na ang maglalaro.
I gave my very best and when I won against other section, I almost cried in front of everyone. I didn't expect I can do it, all of my classmates are happy cheering me. I hope I won't disappoint them next game.
Nag lunch na muna ako kasama ang kaibigan ko bago ulit ako maglaro laban ang ibang year level. I'm now the representative of Grade 09 level, hindi ako kumain ng madami dahil baka atayin ako pag nag laro ako.
Bumalik na ulit kami sa gymnasium at sakto naman na malapit na akong lumaban ulit. After a few minutes, ay ako na ang maglalaro at ang kalaban ko ay ang grade 10. Kinakabahan ako pero kaya ko ito!
Sa akin ang simula kaya kinakabahan ako, pero ng maideliver ko siya ng maayos ay masaya ako. Hindi ko na alintana ang pagod dahil sobrang dikit ng laban namin, at ng makapuntos ang kalaban ay okay lang.
"It's okay Finley" sigaw ng mga kaibigan ko dahil talo ako, isa lang naman ang lamang sakin kaya okay lang. Talo na ang grade level namin, pero ng makita ang mga kaklase ko na naka-ngiti sakin at naka thumbs-up ay alam kong okay lang.
"May next time pa naman" sabi ni Charm sakin tumango naman ako, inubos ko na ang Gatorade na binigay ni Ashton kanina. Pinanood namin ang laban ng iba pang player, kasama sa player ang kapatid ko.
Chineer namin ang kapatid ko at worth it lahat yun dahil nanalo naman siya. Magkahiwalay ang badminton ng girls sa boys kaya hiwalay din ang panalo nila.
Elimination ang labanan ng badminton, kaya worth it talaga ang cheer namin ng makapasok si Francho sa finals. Ang kalaban niya ay grade 10 at matangkad yun, matangkad naman ang kapatid ko pero mas matangkad lang yun.
Nanalo ang grade 07 sa girls laban sa grade 08, at ngayon naman ay grade 08 laban sa grade 10. Walang nakapasok na grade 09 dahil hanggang semi-finals lang kami. Dahil natalo ko ang laban pero binigay ko naman ang makakaya ko.
Nagsimula na ang laban nila Francho at unang puntos ay sa kalaban, naniniwala ako sa kapatid ko.
"He's a great player" napalingon ako kay Sapp na nasa tabi ko, "That's his favorite sports" sabi ko tumango naman si Sapp. "Congratulations Finley kanina" sabi niya ngumiti naman ako sa kanya.
YOU ARE READING
Expecting Someone Special (Dare Series Three)
Romance🌙 "Expecting everything for some people is good but, some people expect the unexpected for their own good" ____________________ A woman who believes that people who will come into your life will leave you sooner or later. And the man who have a gir...