3 weeks later
-
(A/N: Sarreh. Wala naman kasing masyadong nangyayari e. Haha. Peace bruh! ^__^)SOPHIE'S POV
Malapit na ang foundation day ng KIngston High at busy kaming lahat ngayon sa pagpeprepare.
Busy din ang banda dahil sa nalalapit na Battle of the Bands.
Si Eros naman, ayun busy din siya dahil sa pageant. Naghahanda na silang dalawa ni Sam. Hindi na din siya masyadong nakakasama sa amin dahil nagpapractice na sila. May talent portion din kasi dun e.
Biglang tumunog yung cellphone ko at agad ko namang tiningnan kung sino ang nagtext.
From:
Erin Maganda <3 (O wag kayo! Siya naglagay niyan. Hahaha)
Besfriend! Andito ko sa SC office. Matatagalan pa kami dito. Busy e. Pasensya ka na ha, kina Zia ka muna sumama. Babawi ako pramis! Mishoooooo naaa! Mwah! :*Oo nga pala ang Student Council ang nag oorganize ng event. Nakakalungkot dahil ilang araw ko ng hindi nakakasama si Erin. Ganun na din si Eros. Pero naiintindihan ko naman sila. Nagpapasalamat ako sa banda kasi simula ng mapasali ako sa kanila nagkaroon ako ng kaibigan at hindi ako nahirapan maghanap ng kasama kung sakaling wala si Erin.
To: Erin Maganda <3
Okay lang yun! Haha. Sige bestfriend see you soonest! Mishooootuuuu. Laloves :*Nandito ako ngayon sa Music room. Nagpapractice kami para sa BB. Nahihirapan kami dahil wala si Erin at Eros. Wala akong kaduet at wala kaming guutarist. Ilang linggo na lamang at Battle of the Bands na pero heto kami ngayon nganga pa din.
"Guys mamaya na lang ulit. Tara sa kumain sa cafeteria." Sigaw ni Vincent sa amin. Nagsitayuan naman kaming lahat at sumunod sa kanya.
-
Masaya kaming nagtatawanan nina Zia, Nathan at Vincent habang papuntang cafeteria. Nakakatuwa silang kasama lalo na tong si Vincent ang daming kalokohang nalalaman.
Pinagmasdan ko silang tatlo. Nakakakilig naman tong si Zia at Nathan. Bestfriends daw e alam ko naman tong si Zia, may lihim na pagtingin kay Nathan. At itong si Nathan namam hindi mo maintindihan kung bestfriend nga lang ba niya si Zia o higit pa. Minsan kasi nahuhuli ko siyang nakatitig kay Zia. Ay ewan ko ba sa dalawang yan! Ang gulo! Haha.Eto namang si Vince naku napaka chick boy! Bahala siya sa buhay niya!
"Hoy Sophie bat ka nakatulala diyan ha? Natulala ka naman sa kagwapuhan ko no? Aminin mo na kasi may gusto ka sakin!" Pagmamayabang naman netong si Vince. Hmp! Chura niyaaaa!
Binatukan ko naman siya!
"Ewwww!" Yan lang ang nasabi ko at nagtatakbo na ako papuntang cafeteria. Hinahabol kasi ako ni Vince e. Whaaaaaaaaa! Bilis Siphieeeee !!!Takbo kami ng takbo ni Vince. Wala kaming pakialam kung madaming nakatingin sa akin. Basta maunahan ko siya sa cafeteria. Pag naabutan niya kasi ako alam ko na ang gagawin niya.
Kikikitiin na naman niya ako. Loko loko talaga yun.
Napako ang tingin ko sa isang lakaki at babaeng masayang nagtatawanan sa bench.
Teka.. Si Eros yun ah.
At kasama niya si Sam.
Napatingin siya sa akin. Tapos kay Sam na ulit.
Ha? Ano yun?
Nakakainis. Ang sweet sweet nila. Bakit ganun? Hindi na naman sila nagpapractice ah. Hindi na naman sila kailangang magkasama at isa pa lunch break naman.
Tsaka bakit tiningnan lang ako ni Eros?
Hindi man lang niya ako binati e ilang araw din kaming hindi nagkasama. Nakakalungkot naman. Ano kayang pinag uusapan nila ni Sam? Ang saya saya naman nila.
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Teen FictionNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.