Pinaharurot ni Alejandro ang kaniyang sasakyan sa oras na iyon. Halos hindi na niya makontrol ang manibela habang binabagtas ang daan. He's clinching his jaw while holding the wheel, halos ibangga niya ang sasakyan sa mga talahiban na nasa daan. He is nowhere to go, gusto lang niyang mawala sa paningin ni Cassandra at ng ninong Ejercito niya. He is totally shattered this time.
"F*ck this feeling!" litanya pa niya habang tulirong sinasabunutan ang sariling buhok, gamit ang kaniyang kaliwang kamay.
Mayamaya pa ay hindi niya napansin ang punong mangga sa daan. Agad siyang sumalpok doon. Malakas ang pagkakasalpok niya dahilan upang tumilapon siya sa may dashboard, mabuti na lang at gasgas lang at kaunting sugat ang natamo niya.
Hindi kasi niya naisuot ang kaniyang seatbelt kanina.
Nang makausad ay dahan-dahan siyang naupo ng maayos sa driver's seat. Tagaktak ang dugo sa kaniyang noo, but he couldn't feel it, namamanhid ang katawan niya. Manhid dahil sa pangyayaring mas nasaktan siya, kaysa sa pangyayari ngayon.
"Aaargghhh!" sigaw pa niya habang pinaghahampas ang manibela ng kaniyang sasakyan. Nasa loob pa rin siya nito kahit pa wasak na ang bumper sa harap. Mahina siyang humalukipkip at napaluha.
He felt drained.
Hindi niya gusto ang nararamdaman niya, ramdam niyang mahina siya sa pagkakataong iyon.
Kuyom ang dalawang kamay ay ipinangako niyang gagawin ang lahat para maipakita niya sa mga Monteverde na mali ang maliitin siya ng mga ito.
Na karapat-dapat siya kay Cassandra, na mayroon siyang ibubuga kaysa kay Jerick Nunez na iyon.
He immediately help himself to start the engine again, gusto niyang pumunta muna kina Juan, kailangan niyang humingi ng pabor dito.
He immediately went to the Buenavista ranch. Nang makapasok siya sa malawak na hacienda ay nakita niya si Vince, ang pamangkin ni Juan na anak ni Annaliz, nakatayo ito na tila naglalaro ng bola.
Agad siyang lumabas at nagtrapo ng noo, upang hindi mapansing nagdurugo iyon. Matapos n'on ay dahan-dahan siyang lumapit. Agad namang napansin siya ng bata.
"Uncle Alejandro!" bungad pa ni Vince na agad na lumapit sa kaniya. Suot nito ang nagtatakang mukha.
"Vince, nandyan ba si kuya Juan mo?"
"Umalis po siya kuya, pumunta po sa bukirin, papunta nga rin po mayamaya sina ate Venus, para magdala ng pagkain," saad pa ng paslit.
Tumango siya.
"Sige, pupuntahan ko siya."
"Sige po, napano po pala 'yang noo n'yo?" sabi pa ng paslit na halatang curious sa pagdurugo n'on.
"I'm just checking my car, mabilis pala ang takbo...nabangga ako."
Agad na napalitan ang mukha nito ng pagkakagulat.
"Naku po, mag-ingat po kayo, uncle Alejandro!" habol na saad nito nang patalikod na si Alejandro para umalis.
"Sige, Vince." Kaway pa ni Alejandro sa paslit.
Agad siyang sumilid sa sasakyan at pumunta sa sinasabi nitong bukirin, alam niya kung nasaan iyon. So he immediately fasten his seatbelt then start the engine. Agad siyang nagpatakbo at tinungo ang lugar na iyon.
Hindi pa nagtagal ay nandoon na siya sa bukirin, agad siyang lumabas sa kaniyang kotse, na siyang rason upang mapansin siya sa mga magsasakang nandoon.
"Magandang hapon ho, sir Alejandro!"
"Magandang hapon, attorney.."
Iyon ang narinig niyang bati sa mga nandoon.
"Nasaan si Juan?" He asked them.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomansaPinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...