Chapter 43

218 8 0
                                    

Tulak-tulak ni Alejandro ang wheelchair ni Cassandra habang papunta sa reception ng hotel, nasa LCDDR na sila sa Cebu para mag-relax at magpalipas muna ng panahon, kailangan ni Cassandra na magpalakas at magpagaling mula sa nangyari.

"Let's go, Alejandro, ang bagal mo naman!" palatak pa ni Cassandra na nayayamot habang kinakati ang pisngi.

"Easy, Cassandra, malapit na tayo." Saad ni Alejandro na agad namang inasikaso ng sumalubong na staff. Agad niyang nilahad ang card ni Ezekiel, kaya't tuloy-tuloy lang sila sa isang pribadong elevator.

Napahanga si Cassandra sa pag-aasikaso nila sa kanila. "Wow, ah. Exclusive suite ba tayo?" nakangiting saad ni Cassandra na hindi mapirmi sa pagtatanong kay Alejandro. Halos mabali ang leeg nito katitingala, katitingin sa bawat madaanan nilang pasilyo.

Nang pumaloob sila sa elevator ay inasikaso sila ng staff na siyang pumindot sa button na nasa gilid.

"Enjoy your stay, sir, maam." Sabi pa ng staff kina Alejandro at Cassandra. Pumaloob na silang dalawa sa elevator na walang imik.

"O, natahimik ka?" sabi pa ni Alejandro na nasa likod ni Cassandra.

"Nothing, I'm just scared on tight spaces." Sabi pa ni Cassandra na halatang takot.

"May claustrophobia ka pala?" si Alejandro.

Tumango lang si Cassandra saka tiningala ang mukha ni Alejandro.

"Pero hindi naman ako takot ngayon, kasama kita eh," sabi pa ni Cassandra na ngumiti pa.

Mayamaya pa ay tumunog ang pinto tanda na bubukas na ito. Nang puntong iyon ay agad silang lumabas at doo'y natunghayan ang malawak na kwarto sa may rooftop ng hotel, halos sakop nito ang buong palapag, na kinalolooban ng kwarto, spa, pool, may golf court pa at amenities na kinalalagyan ng malaking TV screen na parang sinehan.

"Ow em gee!" Sabi pa ni Cassandra na tinakpan ang kaniyang bibig.

Tahimik lang din si Alejandro habang namamangha sa mga bagay na nandoon.

"Amazing! Ang ganda naman dito, Alejandro! I love it! I really really love it!" tili pa ni Cassandra habang noo'y sakay sa kaniyang wheel chair, minaniobra pa niya ito saka pa pumunta sa kitchen na halos isang bar dahil sa counter table at cabinets na parang nasa high-end restaurant, kumpleto ang gamit doon at nang mapunta siya sa double-door refrigarator, mas namangha ito dahil sa mga pagkaing nandoon. Samo't-saring prutas, mga frozen meals, mga gulay at dairy products.

"Wow! I can live here forever! Makakapagluto na ako rito!" sabi pa nito saka pa tumawa.

Napangiti na rin si Alejandro dahil sa tuwang nakikita kay Cassandra. Walang bahid ng lungkot ang mukha nito, na halatang walang kamuwang-muwang sa nangyari.

"So I guess, magaling kang magluto..." sabi pa ni Alejandro na hindi nagpahalatang alam niyang nagluluto talaga ito.

"Of course! Magaling akong magluto!" sabi pa ni Cassandra na dahan-dahang tumayo at naglakad sa counter table.

"Mabuti, nang hindi tayo magutom habang naririto." Ngiti pa ni Alejandro na umupo sa stool na kaharap ng table.

"Name it, I'll cook anything for you." Sabi pa ni Cassandra.

"Talaga ba? Sige nga, ipagluto mo nga ako ng gusto kong ulam..."

Tiningnan pa siya ni Cassandra saka nagtanong. "Hmm..hulaan ko, gusto mo ba ang pritong isda?"

Natigilan si Alejandro sa narinig mula sa dalaga. Marahan siyang tumango.

"Okey, tamang-tama! Maraming isda sa fridge." Sabi pa ni Cassandra.

"Sige, tulungan na kita." Alejandro offered.

Umiling si Cassandra. "No, I can handle it, ayoko ng maraming kamay kapag nag-aasikaso ako sa kusina." Sambit pa nito.

Alejandro raised his hands as a sign of acceptance. "Fine." Tipid ni Alejandro na agad tumayo at ginayak ang gawi ng pool. Gusto nitong magbabad muna habang abala si Cassandra sa pagluluto.

Open space ang istilo ng palapag kaya kitang-kita lang din ang pool mula sa kitchen. Nang nandoon na sa pool si Alejandro ay siyang naghubad ng damit, natira lamang ang kaniyang trunks shorts na pwedeng ipang-ligo sa swimming pool. He immediately jump to the pool causing to splash some waters.

Napalingon si Cassandra sa gawing iyon, halatang nabigla nang makitang tumalon si Alejandro sa pool. Nahulog ni Cassandra ang sariling bibig na halatang napaawang nang makita ang katawan ni Alejandro. He is a perfect specimen of a man she can't resist!

Oh my god! Nagkakasala ang mata ko!

Iyon ang saad pa ni Cassandra habang hinuhugasan ang isda sa sink. Panay tingin siya sa swimming pool to the point na hindi niya alintana ang gripo na kanina pa tumatagaktak.

"Dyos ko!" sabi pa ni Cassandra nang makitang umahon si Alejandro mula sa pool. Tila slow-motion ang pangyayari dahil halos ang pagtalsik ng mga butil ng tubig ay nakikita niya.

"Shit!" impit niyang saad nang makitang dahan-dahan itong naglalakad papunta sa kaniya. Bakat na bakat ang pagkalala*i nito sa kaniyang harapan. She hardly swallowed her own liquid.

Nagpa-busy-busy-han pa si Cassandra nang makitang papalapit na ito.

"Are you sure you don't want help?" baritonong boses ni Alejandro na hindi alintana ang tagaktak ng tubig sa sahig.

Umiling lang si Cassandra na halatang aligaga sa ginagawa.

"You really sure? Ulit pa ni Alejandro. Nakangiti lang ito habang sinisipat ang gawi ni Cassandra.

"Yes, I'm damn sure!" asik pa ni Cassandra na nilalagyan ng seasoning ang isda.

"Ganoon ba? Para kasing aligaga ka, tingnan mo nga ang gripo oh, hindi mo na na-off, look also to the pan, isinalang mo na sa apoy, ayan umuusok na." Sabi pa ni Alejandro kay Cassandra na agad namang ini-off ang apoy. Ini-off din niya ang gripo sa may sink.

"You seemed tense.." ngiti pa ni Alejandro.

"Maybe you can dressed up yourself, para hindi ako mataranta."

"Ow, natataranta ka ba sa kahubaran ko?" pilyong ngiti ni Alejandro na umiiling pa.

"Ewan ko sa'yo," galit-galitan na saad ni Cassandra na itinirik pa ang mata. Nasisiyahan naman si Alejandro sa pagtudyo dito, nakikita kasi niya ang dating Cassandra kung saan masayahin at hindi nakikitaan ng kahinaan.

Tumukod si Alejandro sa may counter table at matamang tiningnan si Cassandra. Cassandra on the other hand, was busy avoiding Alejandro's sight. Alam niyang tinititigan siya nito, kaya patay-malisya lang siya na hindi ito pansinin.

"I miss you." Sambit pa ni Alejandro kay Cassandra na noo'y nakatalikod. Natigilan si Cassandra sa narinig. Alam niyang hindi guni-guni ang narinig niya, she's very sure na si Alejandro ang nagsabi n'on.

Dahan-dahan siyang lumingon at seryosong tumingin sa lalaking adonis na ito. "Ano ang sinabi mo?" She asked him.

But instead of answering her question, Alejandro just placed his smile, at umiling.

"Nothing, I said.. I'm starving." Sabi pa nito na ikinalaglag ng balikat ni Cassandra. Akala pa naman niya'y tama ang narinig niya sa oras na iyon.

...itutuloy.

Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon