Chapter 1 - Characters
Manny - Ama , kasalukuyang nasa Japan at nagtatrabaho bilang Engineer.
Gina - Nanay , maybahay, namamahala sa negosyong patahian.
Mga anak.
Almira - 24 Anyos, Graduate ng Nursing, nagtatrabaho bilang Private Nurse.
Belinda - 19, College, Education ang course.
Dennis - 15, 4th year high school.
Dolly - 14, 3rd year high school.
Start.
"Ano ka ba Bunso !, di ka ba babangon dyan ?. Wala ka ng ginawa maghap
on kundi matulog at mag computer !. " sigaw ni Almira pagkabukas ng pinto.
Umungol sa inis si Dennis, dinampot ang unan at tinakpan ang tenga para hindi ma
rinig ang pagdakdak ng ate nya.
Pero hindi papatalo si Almira sa kapatid, mabilis syang lumapit dito at inalis a
ng unan.
"Kapag hindi ka tumayo !, bubuhusan kita ng malamig na tubig !. " bant
a nito.
Asar na bumalikwas ng bangon ang binatilyo.
Nilampasan nya ang ate nya at lumabas ng kwarto.
Nagtungo sya sa kabilang silid, kwarto ito nila ni Dolly.
3 lang ang kwarto sa bahay na iyon.
Di sila mayaman pero hindi din naman sila ganuon kahirap.
Share share sila sa kwartong magkakapatid.
Silang dalawa ni Dolly ang nag shashare sa iisang kwarto pero kapag tinatamaan i
to ng sumpong eh lumilikas sya at nagtutungo sa silid ng mga ate nya.
..
Naabutan ni Dennis na nagtitiklop ng mga bagong labang damit.
Agad na sumimangot ang dalagita at binalaan ang kuya.
"Hephep, di mo ba nakikitang nag titiklop ako ?. Dun ka !, alis ! shoo
shoo !.. " sigaw ni Dolly.
Napaungol si Dennis.Wala talaga syang boses sa pamilyang iyon.
Lulugo lugong lumabas sya ng silid at nagtungo sa salas.
"Ang tatapang ng mga tao dito. " asar na sabi nya sa sarili.
Siguro naman ay wala ng makekelam sa akin dito sa sofa, sa isip isip ni Dennis.
Pero mukhang nakatadhana na talagang maputol ang tulog nya.
Narinig nyang nagbukas ang gate nilang bakal.
Maya maya ay di nga sya nagkamali ng hinala.
"Mukhang pina evacuate ka na naman ng mga kapatid mo anak ah. " natata
wang puna ni Gina sa anak.
Tila nabuhayan ng loob si Dennis at mabilis na sinalubong ang ina.
"At last, nakakita na rin ako ng mabait na tao dito sa bahay. " biro n
ya sa ina.
Napangiti si Gina at hinaplos ang buhok ng anak.
"Ikaw naman kasi, anung oras na oh, di mo masisisi ang mga kapatid mo
sa ginagawa mo eh, di porke wala kang pasok ngayon, tanghali ka na gigising. " p
angaral ng ina.
Kakatwa pero hindi ito iniinda ni Dennis.
Balewala sa kanya ang pangaral basta ang ina o kaya ang ama ang magsasabi nito s
a kanya.
Pero kapag galing sa mga kapatid na babae ay parang nababawasan ang pagkalalaki
nya.
..
Maya maya ay lumabas ng kwarto si Almira.
Napasimangot ito ng makita ang kapatid at ang ina.
"Oh ano naman ang sinumbong sa inyo ng magaling na yan ?." tanong ng p
anganay.
Natawa si Gina at inabot ang kamay sa anak para magmano ito.
"Sus kayong mga bata kayo, parang di kayo magkakapatid kung mag bangay
an, kung nandito lang ang tatay nyo, siguradong dedo kayo. " biro pa nito.
Natawa silang tatlo.
Inabot ni Dennis mga dalang ulam ng ina at hinatid ito sa mesa.
"Kita mo, basta talaga paglamon, di mo mauunahan eh. " pahabol pa ni A
lmira.
Napasimangot na lang si Dennis at di na pinansin ang ate.