Evander is enjoying his time conquering my sala. Hindi ko siya pinapansin kanina pa, maghapon lang ako sa kuwarto ko habang siya rito, nag mo-movie marathon mag-isa. Pagtapos niya akong alisin sa comforter kanina, hindi na niya ako tinantanan sa pagka-usap niya sa akin. Kagaya ngayon. Gusto kong kumain ng dinner ng payapa, pero panay siya daldal sa harapan ko kahit hindi ko naman siya pinapansin.
It's about his birthday now. Now that I don't care about it anymore.
"I was thinking of a costume party since it's halloween as well, what do you think?" Tanong niya.
Walang gana kong sinubo ang huling kutsara ng pagkain ko. Uminom ako ng tubig saka niligpit ang pinagkainan ko. Nilagay ko iyon sa lababo na hindi siya sinasagot.
"Or intimate dinner?"
"Whatever you want..." sagot ko nang diretsong maglakad patungo sa sala at sumalampak sa sofa. Binuksan ko ang TV.
Sa totoo lang, wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Wala akong paki. He wanted to throw a party, his decision. My attention is not to him.
"Anong costume natin?" Tanong niya agad nang maupo siya sa dulo ng sofa.
Buti naman at alam niyang dumistansya!
Hindi ako sumagot. Kinuha ko ang cellphone ko at nag chat na lang sa gc namin nila Mayette.
Ako:
Busy kayo?
Agad na nag seen si Jeppy.
Jeppyyuki:
Saan ba, Madam?
Ako:
Kain lang tayo sa labas. Wala munang inom.
Mayette:
Tara, sakto 'di pa ako nag di-dinner.
"Gusto mo ghost nurse pati doctor?" Si Evander.
Ako:
Saan tayo?
Jeppyuki:
Shangri-la or mega?
Mayette:
Mega na lang.
Ako:
Kita na lang tayo sa A. Bihis na ako.
Tumayo ako at basta na lang binato ang throw pillow na nasa ibabaw ng hita ko.
"Ah." Dinig kong daing niya.
Nilingon ko siya. Hawak niya ang throw pillow at ang ilong niya. Sa mukha niya ata tumama ang unan. Nag-angat siya ng tingin sa akin, ngunit tiningnan ko lang din siya. Tumalikod ako at naglakad patungo sa kuwarto ko nang walang sinasabi.
Hindi naman masakit ang throw pillow.
Nagpalit lang ako ng ternong pajama at shirt. Adidas. Niregalo sa akin 'to nung valentine's noong grade 12 ako, 'yung may gusto sa akin. I still wear this dahil kasya pa rin sa akin, halatang hindi ako lumalaki. Pero maluwang siya nung binigay sa akin noon, so baka lumaki rin ako ng konti? Sunod kong kinuha ang maliit kong crossbody bag at nilagay doon ang wallet. Wallet lang talaga ang kasiya sa sobrang mini niya.
"Saan ka?" Tanong ni Evander paglabas ko sa kuwarto. Hindi ako sumagot. "I like your clothes. Bagay sa 'yo."
Napatingin ako sa suot ko tapos sa kaniya. "Bigay sa akin nung manliligaw ko,"
Napakurap siya at tingin sa buong suot ko.
He clears his throat. "That explains the color, kaya pala pangit. I was blinded for a while,"
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romance"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.