chapter 47

304 15 0
                                    

??? Pov

"Natapos na po ang lahat ng ipinapagawa ninyo.... Young Master" Simpleng salita lang ang aking narinig sa lalaking nasa harapan ko ngayon pero isa itong napakagandang balita sa akin.

"Well done, now go and follow them" Nakangise kong sabi na agad naman niyang sinunod

"Tingnan natin kung hanggang saan ang makakaya mo..... Carmella Carter" Nakangise kong bulong bago mag handa para pumunta sa paaralan na kanyang pinapasukan.

Carmella Pov

Its already 8 in the morning na at mamaya na din ang contest kaya naman napag pasiyahan na naming pumunta sa mall para bumuli ng iba pang gagamitin namin kagaya nalang ng make up

"Cyrus hinay hinay lang sa pag bili ng make up, nagmumukha ka ng bakla sa ginagawa mo eh" Mapang asar na sabi ni Kris pero hindi siya pinagbigyan pansin ni Cyrus, well hindi ko naman siya masisisi kung bakit siya ang pumipili ng make up dahil mahilig din mag kolekta ng make up and gf niya

"Carl lika dito, titingnan lang natin kung babagay sayo itong shade na ito" Pagtawag sa akin ni Cyrus kaya naman dali dali akong lumapit sa kanya para tingnan ang tinutukoy niya. Light na lipstick yung isa habang yung isa naman medyo dark kaya naman napatingin ako sa dalawang lipstick na hawak niya at nagisip pero nagulat ako ng biglang may dumikit sa labi ko na kamay kaya napalingon ako kay Cyrus pero napaatras kaming dalawa ng biglang may dumaan sa gitna namin

"Sorry nakasanayan ko na kasing gawin iyon lalo na't..... Alam niyo na" Kamot batok na pag sorry ni Cyrus habang ako naman ay nakikipag patulisan ng tingin kay Ace

"Its fine, nagulat lang talaga ako" Saad ko bago tarayan si Ace at lumayo sa kanila

"Tara na nga tapos na tayo dito, doon naman tayo titingin ng damit" Nakangiseng yaya sa amin ni Liam

"Doon tayo sa labas bumili ng damit, masyadong mahal dito atsaka isang gamitan lang naman natin" Pagyaya ko sa kanila bago mag lakad papunta sa counter para bayaran yung dalawang lipstick. Nang maka bayad na ay naglakad na ako palabas pero hindi pa man nakakatapak sa labas ng bigla nila akong hatakin palapit sa mga pakainan

"Teka nga, hindi pa ako nagugutom" May pagtatakang sabi ko sa kanila kaya naman napatingin sila sa akin

"Hindi naman kasi ikaw yung gutom, KAMI! Kami yung gutom dito" Sagot naman ni Cayden

"Andaya mo nga eh kanina nag canton ka tapos kami wala" Nagtatampong sabi ni Liam kaya naman naalala ko nanaman ang mga mukha nila ng sinabing aalis na kami kahit wala silang kain

"Ano ba toh?? Treat yourself ba??" Tanong ko sa kanila

"Hindi noh, treat daw ni Cyrus" Sagot naman ni Kris at hindi na nga nila pinasalita pa si Cyrus ay agad na silang nag thank you at nag palakpakan na parang mga tanga bata pala

"Mga lokong toh, ang yayaman naman pero kuripot pa din" Rinig kong bulong ni Cyrus kaya naman napatawa ako, syempre kung may manglilibre ako na bahala kung saan kakain at tiyak na matutuwa ako

"What the heck-?! Jol--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Ethan ng bigla kong takpan yung bibig niya at makipag karera kay Liam at Kris papasok sa loob ng Jollibee

"Buti naman" Rinig kong bulong ni Cyrus, well makakamura kasi siya dito eh

"Nakakaumay na kaya" Reklamo naman ng iba kaya naman napalingon si Liam sa kanila in a MATARAY way, bakla ata toh pero dahil nga nakapasok na kami ay wala na silang magagawa kundi ang umupo at mag hintay sa mag o-order. Mukha ring pinanindigan talaga ni Cyrus yung panlilibre sa amin pero malaki pa din yung binayaran niya dahil marami kaming kinanin

"Dessert naman" Suggest naman ni Kris sabay tingin kay Cyrus kaya naman agad niya itong tinanggihan

"Ayos ka ahh buti sana kung ikaw yung gagastos" Napatawa nalang kami ng biglang mag salita si Cyrus.

Wala naman kami gaanong ginawa kundi kumuha ng iba't ibang klaseng costume at isa lang ang masasabi ko...... Ang kulit nilang lahat, well except kay Ace na walang pake at si Lucas naman na nasa tabi niya lang pero hindi naman nila sinisira yung kasiyahan kaya naman walang kill joy ngayon. Hindi ko na sila pinapagod at nag yaya na ako para bumalik sa school para mag practice.

Pag dating namin sa school ay dumeretso na agad kami sa room namin para sana mag practice pero bagsak na yung iba tapos yung iba naman ay naka higa na sa higaan nila kaya naman wala na akong nagawa at lumabas nalang ako para magpahangin pero hindi pa ako nakakalayo sa room ng may bigla akong nakaramdam na may sumusunod at saktong paghinto ko ay ang pag tawag niya sa pangalan ko kaya naman agad ko siyang tiningnan, si Lucas lang pala

"What do you want??" Takang tanong ko with smile pa pero mukhang mas lalong naging seryoso ang expression niya

"We need to talk" Sagot ni Lucas sa tanong ko.

The only girl in Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon