Chapter 1
"Hoy Tacia, bangon na may duty kapa diba?" Hiyaw ng ate ko sakin habang nakahiga sa kama at finifeel ang pahinga
Ang ate ko talaga napaka cute alam na galing akong closing tapos pumasok pa kahapon sa school, yaaaah working student ako at hindi ganun kadali maging isang studyante habang nag tatrabaho kaso wala naman kasing choice.
"Ikaw ba anong oras ngayon?" Pagtatanong ko dito dahil isa din siyang working student.
Mga service crew kami sa isang fast food, mcdo siya while ako naman ay sa jollibee. Hindi ganun kadali ang mag trabaho sa isang fast food lalo na kapag peak hours.
Kinailangan namin mag trabaho para makapag aral kami, para din makatulong kay papa at sa mga kapatid namin. Tinutulungan din namin pinansyal na pangangailangan sila dahil sino paba ang ibang magtutulungan hindi ba.
"Closing din ako, bilisan mo sabay na tayo" sabi nito habang gumagayak
Inaantok pa kasi ako yeh dang gaso talaga
Gumagayak talaga kami ni ate ng maaga kasi nag cocommute lang kami siya sa kanto lang ng Gapan samantalang ako sa plaza pa ng Gapan kung saan madaming criminal haha charot
5pm pa ang duty namin 3:30 ako gumayak para saktong 4pm makaalis na sa bahay dahil traffic pa naman ngayon dahil ginagawa ang daan. Madalang din ang jeep dahil sunday, mula kanto hangang sa plaza nilalakad ko masarap kasi mag lakad lalo na at bandang hapon tapos mahangin pa isa pa, tipid pamasahe pang kain na din kasi yung ipapamasahe ko pwede namang lakarin nalang.
So ayun, habang naglalakad ako naka earphone ako favorite ko ung ost ng business proposal mas lalo akong ginaganahan maglakad, ang daming tao mga naglalakad, namamalengke, naglalako, namamalimos, dami mong makikita talaga habang naglalakad ka mas lalo mong na appreciate ang buhay. Na ang swerte mo sa lahat ng bagay.
Malapit na ako sa jollibee medyo nalate ako dati kapag 4:30 nasa store nako kaso 4:40 na naglalakad pa ako, nadaan ako sa isang shoe shop nakita kong may matandang nagbabaklas ng mga karton siguro ibebente niya dinaanan ko lang kasi baka sungitan ako, syempre para wala akong what if binalikan ko.
"Hi lola, tulungan kona po kayo mukang madami po yan e" sabi ko habang kumukuha ng ballpen sa transparent bag ko
May alam ako sa mabilisang pag babaklas ng mga karton dahil nag trabaho na din ako sa isang botika.
"Nako anak madami to at baka madumihan kapa" sabi niya na halatang napapagod na din
"Hindi po ayos lang saka may ballpen po ako dito la," sabi ko habang nagsisimula ng magbaklas napansin kong medyo marami nga ito pero hayaan na at least nakatulong ako
"Ilan taon kana ba ija" pagtatanong nito habang nag titiklop ng mga karton kong nabaklas na
"20 po la, kayo poba? Taga gapan lang din po ba kayo?"
"Dalaga kana pala ang akala ko bata ka palang hehe, ou taga dito lang ako sa may pambuan" tugon nito
"Nag aaral kaba?, Anong kurso mo?" Tanong ulit nito habang nakatingin sa akin
"Opo, education po la, sana po maipasa ko dahil mahirap ang isang working student" sagot ko habang taimtim na nag babaklas ng karton
Nakalipas ang ilang minuto natapos na din namin, nalate ako
"Maraming salamat anak, pagpalain ka ng Diyos alam ko makapagtatapos ka at dahil sa mabuti mong kalooban" sabi nito habang hawak ang kamay ko
"Nako la, sana nga po sige po una na ako mag iingat po kayo palagi", sabi ko
YOU ARE READING
Fate Will Take Care of It
RandomThe world full of pain there's a girl who named Anastacia is a simple woman, she will do everything just to finish the life of a working student with high dreams even though she is so tired that you won't hear anything from her because she knows her...