Kabanata LXV: Sa Rest House ni Cleo

28 0 0
                                    


















Kabanata LXV: Sa Rest House ni Cleo






---






Bai Hera's PoV




Buong isang linggo kami nagsanay ni Baba Digma, at kahapon nga ay umuwi ito ng kanyang balay. Nakakapagod ang magsanay, masakit na nga ang aking braso sa kahahawak ng kampilan.







"Bai... Bai..."






Ha? Boses iyon ni Ginoong Uno. Dali-dali akong nagtungo sa pinto.





"Ginoong Uno, ikaw ba iyan?" Aking tanong sa pagitan ng pinto.




"Oo. Bai, ako nga! May dala ko sa'yong pasalubong, 'yong sinasabi ko sa'yo no'ng nakaraan," aniya.






Naalala ko na!






"Talaga?"





Nakatutuwa! Tiyak ay masarap iyon.













Argo's PoV





Papasok na sana 'ko ng gate ng school, at napansin ko ang isang pamilyar na motor angkas si Emo. Bumaba siya mula rito, inalis ng lalaki ang suot na helmet ni Emo at mukhang nag-aabot ito ng pera pero hindi 'yon tinanggap ni habal boy. Ang nakakabigla, eh! Binigyan niya ng tsokolate si Emo.




Saglit pa silang nagpalitan ng kuru-kuro. At matapos no'n umalis na rin 'yong lalaki. Napansin ko pa ang maliit na ngiti ni Emo na ngayon ko lang nakita.
















Huadelein's PoV




Hawak ko na naman ang isang rosas, napapadalas na ang pag-iwan ni Mr. G. Nang bulaklak sa locker ko. Hindi ko maunawaan kung bakit niya ginagawa ito, ngunit sa sulat niya na kalakip ng rosas na ito ay sinasabi niyang malapit ko na siyang makilala.







"Boss!"






"Jace, Tres, Bacon."






"Bai, para sa'yo," ani Bacon at ibinigay ng isang tupperware.





"Anong nilalaman nito?" Aking usisa.





"Baked Mac, boss! Ginawa namin tatlo 'yan na punong-puno ng pagmamahal!" Saad ni Jace.





"Talaga lang huh!?"






"Azerine" silang tatlo.





Naririto na pala si Azerine.






"Di pa nagsisimula ang klase, ginogoyo niyo na si, boss! Lalo ka na Jace! May nalalaman ka pang PUNONG-PUNO NG PAGMAMAHAL! Huh!"






"Easy lang, Azerine!" Tres.





"Tsaka totoo naman sinasabi ni Jace, na ginawa namin ang baked Mac nang PUNONG-PUNO NG PAGMAMAHAL"





"Ah! Talagang sinisigundahan mo pa si Jace, Bacon ah!"





"Syempre! Hindi naman sasarap ang ginawa naming baked Mac kung walang pagmamahal"






Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon