Chapter 4

15 1 2
                                    

|September 16, 2013| Afterclass |

Nakatambay sila Sehun sa campus, nakaupo sa gilid ng field at naguusap silang dalawa ni Minho habang si Taehyung hindi matangal tangal yung earphones niya dahil paulit ulit niya pinapakinggan yung kantang irecord niya dun sa babae sa music room.

"Hmmm..mmmm" naghuhum si Taehyung habang nakapikit.

"Haaaay. Sa wakas, friday na bukas!" sinabi ni Minho at sumandal sa puno.
"Ano ba balak mo sa weekends?" -sehun
"Hindi ko pa alam eh." sabi ni Minho
"San niyo ba gusto pumunta?" Tanong ni Sehun "Soccer tayo." Dagdag niya.
"Good idea pero tanong natin yung isa" sabi ni Minho at humarap sila parehas kay Taehyung.

Naweirduhan sila.

"Pffft..."

Pero tutuloy tuloy parin ang paghum neto.

"Seriously, ano meron diyan kay Taehyung?" Bumulong si Minho.
"Kanina ko pa rin yan naririnig eh." Sabi ni Sehun.

Tiningnan lang nila parehas si Taehyung.

"Hmmmm..mmm" Tuloy tuloy parin si Taehyung at this time nakangiti siya.

"Wow, ngayon ko lang siya nakitang ganyan." pabulong na tumawa si Sehun.

HAHAHAHA.

"Grabe , parang ibang Taehyung yan ah." Sabi ni Sehun.
"Inlove na siguro yan." Tumawa na naman ulit sila.
"Bago yun ah" asar ni Sehun at parehas silang may gulat na reaction.

Although na mahilig siyang kumanta never nila nakita siya na naghuhum at nakangiti pa. Tahimik lang siya at nakapikit everytime na nakikinig siya ng mga kanta.

Nasabi din nilang bago yun dahil sa kanilang magkakaibigan si Taehyung lang ang madalas walang interest sa mga ganyang bagay kaya inaasar siya minsan nila Sehun na Bakla or Alien. Dahil hindi siya familiar sa ganyang feeling at wala pa siyang naging crush man or girlfriend.

Ayaw niya mag girlfriend dahil naiisip niya na parang hindi pa naman daw niya talaga nakikita yung para sa kanya at never din nagmention si Taehyung na nagandahan siya sa isang babae bukod kay Soo Jung (which is childhood friend niya at parang ate talaga ang tingin niya dun). At hindi niya rin talaga maexplain kung bakit, kaya hindi na siya nagaabala pa.

Tinangal na ni Taehyung yung earphones niya at nakita niyang nakatitig yung dalawa sa kanya.

"Oh ano tinitingin tingin niyo diyan?"

Biglang nagtingingan yung dalawa sa isa't isa at tumawa.

"Mga baliw" naisip ni Taehyung.

"Hoy ano nga?!!" sabi niya.
"Wala. Mukhang busy ka kagaganito oh" sabi ni Sehun at bigla niyang ginaya na mas nakakatawa yung paghum ni Taehyung kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just For a MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon