Chapter 5:

131 22 12
                                    

"Bakit tayo andito sa mall?" - nagtataka kong tanong pagkatapos niyang i-park ang kotse niya.

"Ano bang ginagawa sa mall? Natutulog?" - masungit at sarcastic niyang sabi.

Tsk! Ang sarap na talagang bangasan ng mukha niya. Kung pwede lang manakit ng gwapo ei. Ngeks! Sinabi ko bang gwapo? Fine. Siya na ang gwapo. -____-

"Alam kong gwapo ako kaya di mo na ako kelangan titigan ng ganyan." - nakasmirk niyang sabi.

"Tch! Conceited jerk." - bulong ko sabay irap sa kanya.

"Hoy! Anong sabi mo? Narinig ko yun!"

"Malamang may tenga ka kaya maririnig mo talaga."

Sabi ko tapos nauna ng maglakad. Bahala siya dun. Hindi naman talaga ako masungit ei kaso nakakahighblood lang talaga yung lalaking yun.

"Wait for me! Hoy! Alam mo ba kung saan pupunta ha?!"

Napahinto naman ako sa sinabi niya. Oo nga noh? Di ko pa pala alam kung saan kami pupunta. Hinintay ko nalang siyang maglakad tapos sumunod sa kanya.

"Bakit tayo andito?" - pumasok kasi kami sa isang boutique na halata namang mga branded at mamahalin ang tinitinda.

"Matutulog tayo dito. Matutulog." - note the sarcasm sabay irap sa'kin.

Duh?! Bakla ba siya? Kung makairap wagas ei.

"Pffftt.. Hahahahahaha!"

"What's funny?" - poker face niyang tanong sa'kin.

"You! Hahahaha!" - tumatawa ko pa ring sagot.

Paano nga kaya kung bakla talaga siya? Hahahahaha! I can't imagine him talking gay language. Siya na masungit, moody, maputi, matangkad, gwapo, maganda ang shape ng mukha, nakakaakit na mga mata, matangos na ilong, kissable lips, in-short almost perfect na mukha tapos isang bakla? Fudge! I can't believe it. Hahaha!

Wait, did I really praise him?

"Done laughing now?"

Bumalik lang ako sa realidad nang magsalita siya. Napatingin naman ako sa kanya at nakataas na ang isa niyang kilay.

I pouted then nod.

"Sabi ng wag kang magpout ei!"

Sigaw niya at akmang babatukan ako pero buti nalang mabilis ako kaya naiwasan ko agad siya.

"Ano bang problema kung magpout ako ahh?!" - sigaw ko din sa kanya.

Marami-rami na ding tao ang nakatingin sa'min dahil kanina pa kami parang tanga dito na nakatayo lang at nagbabangayan.

"Mukha ka nga kasing aso!"

"Pakialam mo ba?! Ako naman ang magmumukhang aso ei! Hindi ikaw!"

"Yun na nga! Mamaya niyan isipin pa nila na ang gwapong katulad ko may kasamang babaeng mukhang aso. Mahiya ka naman!"

Imbes na magalit, natawa lang ako sa sinabi niya.

"Sus! Ayaw pa aminin na nacucute-tan ka sa'kin pag nagpo-pout ei! Hahaha! Wag ka ng mahiya. Pwede mo namang sabihin sa'kin."

Asar ko sa kanya habang sinusundot-sundot yung tagiliran niya. Nagtawanan naman yung mga taong nakakarinig sa'min.

"Ewan ko sayo. Dyan ka na nga!" - sabi niya tapos nauna ng maglakad.

Sumunod naman ako sa kanya habang tumatawa pa rin na parang loka-loka.

Anatomy Of A Broken Heart (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon