Essay 1

53 2 0
                                    

Nagsimula ang lahat nung araw na 'yun. Nakita ko s'ya ng unang beses. Hindi sinasadya pero habang naglalakad ako, naiwang nakapako ang paningin ko sa maamo n'yang mukha. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang naramdaman ko gayong hindi ko pa s'ya kilala at ang totoo'y 'yun ang una naming pagkikita.

Hindi tumibok ang puso ko ng pangkaraniwan. Para akong nasa isang romantikong teleserye na biglang tumigil ang oras. Hindi ko na napapansin yung ibang taong nasa paligid ko. Basta ang alam ko lang, sayo lang tumibok ng ganito ang puso ko.

Walang araw na hindi kita iniisip. Laman ka ng status ko sa facebook, message ko sa GM at pantasya ko sa panaginip. Ewan ko ba kung bakit gusto kong lumabas ng bahay araw-araw para lang makita ka. Saulo ko na ata lahat ng T-Shirt na sinusuot mo araw-araw dahil walang oras na hindi ako tumitig sa'yo. At sa mga pagkakataong yon, nagiging abnormal ang tibok ng puso ko. Mabilis. Pero pag malapit ako sa'yo tumitigil sa pagtibok. Hindi ako makahinga. Hindi makagalaw. Ang lakas ata ng tama ko sa'yo. Normal naman akong tao pero pag malapit ako sa'yo nababaliw ako.

Nakakatawang isipin na sa isang milyong beses na nagkakasalubong tayo, hindi ko parin alam ang pangalan mo. May mga pagkakataong tinitingnan kita tapos nahuhuli mo ko. Sa tuwing magkakasalubong tayo, gusto kong kulbitin ka at itanong ang pangalan mo. Pero alam mo ba yung feeling na sa tuwing tinitingnan kita para akong napaparalyzed at hindi makapagsalita. Parang naninigas yung panga ko at hindi ko kayang bumigkas kahit na isang salita. Pero kahit ganon masaya, masarap sa pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag pero mabigat na magaan sa puso.

Pero dumaan yung pagkakataon na naisip ko 'nararamdaman mo rin ba 'to ?' Ayokong umasa. Ayokong mag-expect. Hindi mo nga ko kilala. Sa mga tingin mo palang nababasa ko na na hindi ka interesado sakin, lalo na sa nararamdaman ko. Masakit. Nababaliw na talaga ko. Nakakaramdam ako ng iba't-ibang emosyon sa taong hindi ko kilala. Hindi ko alam ang pangalan. At walang pakielam sakin. Pero gusto ko 'to. Gusto ko 'tong nararamdaman ko. Ito yung unang beses na halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Naiinis ako na natutuwa. Nalulungkot na masaya. Nahihirapan na nasasarapan. Nalilito na naliliwanagan. Ganun pala 'pag tinamaan ka na. Ito pala yung LOVE AT FIRST SIGHT.

End.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon