Chapter 2

67 1 0
                                    

She went home safely and she could clearly remember that Silver was following her and waited from afar just to keep her safe while waiting for their family driver.

It was seven in the evening when she's arrive at home and just went straight to her room.

Humilata si Eliana sa malambot niyang kama habang iniisip ang isinagot ng binata sa katanungan ng prof nila sa klase kanina.

She scoffed. "A playboy will always be a playboy. Tanga na lang ang mahulog sa iyo." bulong niya.

She shook her head and stood up before she changes her uniform. Pagkatapos niyang magbihis, binuksan niya ang kaniyang facebook at tumambad sa kaniya ang friend request ni Silver.

She was hesitant to accept him so when she decided to exit her facebook, a message pop up.

Silver Aquilo has sent you a message.

She opened his message and literally rolled her eyes nang mapansin niya ang pagtawag nito.

"Shorty you ass!" inis na bulong niya.

She exited her facebook and didn't bother to accept Silver. In fact, she just opened her twitter pero mapaglaro ang mundo at si Silver na naman ang bungad sa follow list niya.

"Nakakairita. Stalker amputa!"

Hindi na lamang niya pinansin ang follow request ng binata bagkus nag-sroll na lamang siya nang may message ulit na nag-pop up.

"Hindi ako tatantanan ng lalaking 'to kahit wala naman na ako sa University. Punyeta talaga ang gago!" malutong na mura niya.

She stalked his account and she shot up her brows with his followers. Nalula siya sa dami ng mga ito at panay ang tag sa kaniya.

Silver Aquilo

@Silvero

21|| dum spiro spero || Exclusively for I. E. S.

1 following 100k followers

Napairap na lamang siya at nag-exit sa profile ng binata. Minabuti na lamang niyang mag-scroll ngunit mas lalo lang siyang nairita nang magpadala ng mensahe si Silver.

@Silvero

Accept or Accept.

Inis na inis siyang nag-reply kay Silver kahit labag sa loob niyang reply-an ang lalaki.

To: @Silvero

Ano ba ang problema mong hinayupak ka? Tantanan mo nga ako. Punyeta ka!

Halos madurog na ang screen ng kaniyang cellphone dahil gigil na gigil siyang patahimikin ang binata. Napapikit na lamang siya nang muli na naman siyang reply-an ni Silver kaya minabuti na lamang niyang mag-log out at bumaba para kumain ng hapunan.

She eats her dinner alone. Wala ang kaniyang parents dahil umalis na naman ang mga ito para sa business trip nila sa Australia. She was alone while the maid prepared everything for her.

Natawa na lang siya nang mapakla.

"Mahal lang nila ang negosyong hawak nila," naiiling na bulong niya sa sarili bago kumain nang mag-isa.

Pagkatapos kumain, umakyat na rin agad si Eliana para matulog na lamang. Mabuti na lamang at agad siyang nakatulog dahil na rin siguro sa dami ng kaniyang iniisip.

PAGSAPIT ng umaga, bumangon si Eliana, nag-ayos at pumasok ulit sa Unibersidad. Habang naglalakad, ramdam niya ang kakaibang titig mula sa kaniyang likuran at pamilyar 'yon sa kaniya.

Playboy's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon