Chapter 3: Mystery Girl

425 19 0
                                    

"Paano na pagiging doktor mo kung magiging tatay ka na?" Tanong ni Edward kay Kaiden. Naroon sila sa condo ni Kaiden upang gawin 'yong ipinangako nitong libreng tutor. Halos magdadalawang-oras na sila doon pero hindi pa sila nagsisimula dahil sa msytery box na natanggap ni Kaiden.




"Edward, hindi ako magiging tatay! Nantritrip lang siguro 'yong nagpadala nyan sa'kin." Depensa ni Kaiden, nakaturo siya sa pregnancy test na pinagpapasapasahan ng tatlo. Pinakialaman nila ito kahit ayaw sanang ipakita ni Kaiden o ipaalam sa kanila. Pero dahil hindi biro iyon at kinakailangan niya ng advice, napilitan siyang ishare ito sa kanyang mga kaibigan.




"Paanong nangtritrip lang e positive 'tong pregnancy test." Segunda ni Marco, itinaas niya pa ng bahagya 'yong hawak na PT. "At sino naman ang makakapag-isip na pagtripan ka?"




"Exactly! Iyon din ang tanong ko." Tugon ni Kaiden at natapik niya pa ang mesa dahilan para magdulot iyon ng ingay. "Alam niyo kung gaano ako o tayo kabusy sa internship kaya malimit kung lumabas tayo. Kapag nga inaaya niyo 'ko minsan lang naman ako sumasama diba? Hindi naman ako mahilig makipagkaibigan o makipag-usap bukod sa inyo. Kayo lang naman palagi 'yong kasama ko, kayong mga kaklase ko."




"What if, isa sa mga kaklase natin 'yong nagpadala nito sa'yo?" Tanong ni Oheb, nakahawak siya sa kanyang baba na animo'y nag-iisip ng malalim.




"Pwes, sino naman sa kanila?"




Sumabat si Edward sa usapan. "Sino pa ba, edi 'yong mga naiinggit sa'yo."




Napaisip tuloy si Kaiden kung sino sa mga kaklase nila ang hindi niya kasundo. "E lahat naman kayo kasundo ko e. Wala naman akong nakaalitan o nakaaway sa inyo kaya imposibleng kaklase natin. At isa pa, kung babaeng kaklase natin yong gagawin nating suspek, imposible 'yan mga pre. Alalahanin niyong lahat sila may mga jowa."




Sinang-ayunan ng tatlo ang sinabi ni Kaiden. Tama nga naman na wala pang nakaaway si Kaiden sa kanila. Lahat ay kasundo niya at never pa siyang nakipagsagutan sa mga ito. Kung maramdam man ng inis si Kaiden sa kanyang mga kaklase, mas pinilili niyang manahimik na lang. Kapag may nag-aaway, hindi siya sumasali, hinahayaan niya ang mga ito. Hindi siya kailanman nag-aksaya ng oras para makialam sa buhay ng ibang tao na nakapaligid sa kanya bukod kina Oheb.




Hinarap niya ang tatlo na noon ay nagpapalitan ng kuro-kuro kung sino sa mga kaklase nila ang suspek sa likod nong mystery box na natanggap ni Kaiden.




"Hoy! Umamin nga kayo, baka naman sa inyo galing 'yan."




Mabilis na umangal ang tatlo. "Ba't naman kami? Hindi naman kami ganon kasama para pagtripan ka ng gantong bagay e. Kaibigan ka namin, hindi namin magagawa 'to sa'yo. Tsaka, ba't ka naman namin pag-aaksayahan ng panahon para pagtripan." Paliwanag ni Edward na sinang-ayunan ng dalawa na abala na sa paglamon ng inoder ni Kaiden na Jollibee.




"Malay ko ba."




Pinilit magfocus ni Kaiden na itutor ang tatlo para matapos na sila kahit ginagambala ng utak niya 'yong tungkol sa mystery box. Hindi iyon mawala sa isip niya at kahit anong gawin niya, maaalala't maaalala niya pa rin ito. Ang maganda roon, tinulungan siya nina Oheb na kalimutan iyon nang maisipan nilang manood na lang ng movie pagkatapos ng tutor nila. Sinamahan siya ng tatlo hanggang sa kumagat ang dilim. Bandang alas syete ng gabi nong magpaalam ang tatlo na umuwi dahil may klase pa sila kinabukasan.




"Ingat kayo pauwi. Huwag masyadong magpapatakbo." Paalala niya sa tatlo habang pinapanood isa-isa ang mga ito na sumakay sa kanikanilang mga sasakyan. Medyo malayo ang kinaroroonan ng inuupahang bahay ni Kaiden kaya kinakailangang magdala ng sasakyan nina Oheb para may masakyan sila pauwi.




HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon