Jade's POV.
Nakaupo ako sa bench sa side ng pool namin. Nakatingin lang sa tubig. Iniimagine at iniisip ko yung times na happy at normal pa lahat. Nung I was free to do what I want. Nung wala pang proposal. When Dada trusted me and let me go wherever. Namimiss ko na yun. Nowadays kasi di ko na nagagawa yun. Never ko na nagawa ulit. Kahit phone ko chinecheck na nila. I feel like I'm imprisoned. Sana noon sumama na ako sa kuya Paul ko pero naduwag ako.
Tinuloy pa rin ng family ko at ng family ni David yung engagement namin pero kahit anong gawin nila di ko na mababago ang nararamdaman ko para kay David. I don't even know if I still want to be here. I let out a sigh at tumayo na ako para bumalik sa loob ng bahay.
As I entered, nakita kong bukas yung entrance ng house namin and there stood my Mama and Dada. Meron din silang kausap na lalaki. I don't really know who it was, so I went to see for myself.
"Mama? Dada?" tawag ko sa kanila and when they noticed, then turned to face me then nagbeso ako sa kanila. Tumingin ako sa lalaki standing infront of us. "Who is he po?"
"Ah, anak. Eto pala si Richard Dela Fuente. Siya ang magdedesign ng wedding gown mo" Sabi ni Dada. Biglang huminto yung mundo ko. I then realized that my nightmare is now a reality. Natulala ako for a moment. Did they plan the wedding without me knowing about it?
"Hi, Jade. Nice to meet you." Sabi nung Richard as he offered his hand for a shake.
I just smiled at nagshake hands din ako sa kanya. I was speechless. Di na ako nakapagsalita sa narinig ko from Dada. Ayoko. I don't want to get marrried to David. I am not ready. "Well, let's go inside ng mapagusapan natin yung design at masukatan mo na anak namin" Sabi ni Dada kay Richard then pumasok na.
Lahat kami naglakad papunta sa living room. Tumingin ako kay Mama "Did you set the date na for the wedding. . .without telling me?"
Nung narinig ni Mama, she held my arm lightly and huminto kami saglit. Humarap siya sakin at sinabi "Yes Jade, sinet na ng Dada mo ang date with David's family"
"Mama, bakit di niyo man lang sinabi sakin? I mean don't I also get to have a say regarding . . m-m-my wedding?"
"Alam mo na ang sagot dyan, anak. If you hadn't done what you did, edi sana may magagawa ka pa ngayon. Yung magagawa mo na lang is sumunod sa kagustuhan ng Dada mo." Sabi ni Mama. After what she said, naalala ko lahat ng mga nangyari before. I remembered HER. "Tara na Jade at susukatan ka pa para sa gown." Sabi sakin ni Mama at sumunod na ulit kami kina Dada.
-------------------------------------------------------------------
Althea's POV.F L A S H B A C K
-Knock knock-
"Sandali lang." Tumayo ako sa kinauupuan ko para buksan ang pinto and when I opened the door. Si Jade. The one person I really need right now. "Hey, buti andito ka. ." kahit sobrang lungkot ko, napangiti ako kahit konti dahil sa kanya. Hinawakan ko kamay niya. "Halika, pasok ka." pero she pulled it back."Hindi na. Hindi na ako papasok. Hindi na rin ako tatagal. Hindi ko kaya baka maduwag ako." she said her face so confused, then yumuko siya. Sobrang nalilito yung itchura niya na hindi ko maintindihan.
Tinignan ko siya, nagaalala na ako at kinakabahan. "Bakit? May problema ba?"
Tumingin siya sa akin. Obviously she was trying to keep herself steady and firm. Ano ba ang problema, Jade? Sana naman hindi yan yung iniisip ko. Then she started talking. "Hindi ko kayang takasan si David. Hindi ko pwedeng suwain ang pamilya ko. Itatakwil nila ako kung iniwan ko si David kaya binalikan ko na siya." Biglang tumigil mundo ko nung narinig ko ang sinabi niya. Sumakit yung puso ko na parang tinutusok. Na parang sinusuntok. Di na ako nakapagsalita. My tears suddenly started streaming down my cheeks. Halata din kay Jade na ginagawa niya lahat para mapilig ang pagiyak niya. Her face is starting to turn red. "Althea, I'm so sorry. I'm so sorry pero kailangan na kitang layuan." Umiyak na din siya. Di na niya napigilan. Sobrang sakit. "Marami sila eh. Marami pamilya ko, nagiisa ka lang. Kaya. . .kaya kailangan na kitang layuan. Masakit man to sakin pero kailangan ko tong gawin. Kailangan kong sundin ang gusto ng pamilya ko." tumingin siya sakin then looked at the floor. "I'm sorry. ."