07: Impyerno

15 0 0
                                    

Mula sa aking kinatatayuan, ramdam ko ang lamig at ginaw ng simoy ng hangin.

Ang malakas na paghampas ng bawat ihip nito ay direktang tumatama sa aking mukha.

Kasabay ng tunog na dala nito ay ang malalakas na iyak at sigawan ng mga taong unti-unting nalalagnas sa kanilang kinaroonan. "Tulong! Tulong!"

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan at tahimik silang pinanood, dala ng malakas na ihip ng hangin ang amoy at ibang bahagi ng mga katawan nila.

Unti-unti ko ngang naramdaman ang malamig na sensasyon na dumadaloy sa aking mga pisnge, unti-unti na ding napuno ng tubig ang aking mga mata at nanlabo ang aking paningin sa mga luhang hindi ko mapigilan sa pagtulo.

Wala akong magawa, napakahina ko.

Ilang sandali pa ang lumipas at humalo na ang kanilang mga bahagi sa dagat ng buhangin na aming kinaroroonan, para bang pulburon na naupos at naging kaisa ng ating mundo.

Kumalma na ang kaninang malakas na hangin, ang kaninang malalakas na balahaw at nakabibinging iyak ay nawala. Nakabibinging katahimikan naman ang bumungad sa akin pagkatapos ng mahabang panonood sa kanilang pagdurusa.

Doon din ay tsaka ko lamang naigalaw ang aking katawan, walang lakas na napaupo ako sa buhanginan. Nanginginig at nilalamig, pandidiri at kawalan ng pagasa ang bumalot sa aking sistema.

Kung hindi lamang kami naging pangahas, hindi sana'y payapa at masaya pa ang aming mga araw. Hindi sana ito mangyayari, hindi sana namin nararanasan ang sumpang ito!

Ang paglalakbay na aming tinahak tungo sa bagong mundo, tungo sa mga bagong karanasan at kaalaman. Walang sinuman ang magaakalang ganito ang aming mararanasan sa paglabas ng paraisong iyon, naging pangahas kami at hindi nakuntento sa kapayapaang ipinagkaloob sa amin.

Walang muang akong natawa sa aking sarili, sa aking kamaangan at mga katangahan.

Kahit saan man kami magtungo, manatili man kami sa lugar na iyon o mapagpasyahang tumuloy rito. Mararanasan pa din namin ang hindi matakasang impyerno ng mundong ito.

One Shots Collection.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon