"Lily, anak." Narinig ko ang mahihinang katok ni Tita Levi.
Napatingin ako sa pinto at sinarado ang libro na binabasa ko at naupo sa gilid ng kama. It's the weekend kaya wala akong masyadong ginagawa. Himala nga rin na walang activities na binigay sa amin.
"Bukas ho 'yan, ta."
Unti-unti na bumukas ang pinto at bumungad si Tita Levi na may ngiti sa mga labi habang hawak hawak ang isang pirasong rosas.
"Meron na namang nag-iwan nito sa gate. Bakit hindi mo na papuntahin dito ang nobyo mo at ipakilala sa akin?" Inabot niya sa akin ang rosas tiyaka pabiro na kinurot ang tagiliran ko.
Napangiti na lang ako at umiling. Papaano the day after namin mag punta sa amusement park, may iniwan si Kali pulang rosas sa gate namin. She just appeared on my bedroom that night to inform me the red rose was from her and that there was more coming.
Pero isang linggo na ang nakakalipas since she started leaving red roses pero hindi siya nagpapakita sa akin. I wonder saan siya nag bubulakbol ngayon.
"Wala naman ho akong ipapakilala sa inyo," sagot ko kay Tita Levi. "At kung meron man, hindi ho nobyo 'yon."
Nagbago ang timpla ng mukha ni Tita Levi pero hindi naman siya mukhang galit. "Sinasabi ko na nga ba."
Pabiro ulit na kinurot niya ako sa tagiliran. She smiled again and sat beside me, gently tucking my hair to my ears.
"Tanggap ko nang mangyayari 'to simula noong pinasok kita sa all-girls school, anak."
Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya. I was thinking of introducing her to a pet dog or cat in the future but I'll let her think na 'nobya' ang mini-mean ko.
"Oh siya, may nakahanda ng pagkain sa baba. Bumaba ka na lang kapag nagugutom ka na." Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko bago lumabas sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Match Made In Hell
RomanceA girl whose life has been miserable since she was five years old, left to live with her aunt growing up. --- Lilith Gray Mendoza, the girl who doesn't fear death. Maybe it was the trauma left to her during the incident years ago where she lost her...