SOPHIE'S POVLabasan na. Gusto ko ng umuwi. Ayaw ko munang makasabay si Eros, fresh pa din kasi yung kanina e. Oo na OA na ko! Hindi ko naman pwedeng pigilan si Erin na wag sabayan yung pinsan niya para lang samahan ako kaya tinext ko na lang si Erin.
To: Erin Maganda <3
"Erin uwi na ko ah? Masama kasi ang pakiramdam ko e. Una na ko sa inyo ha? Ingat bestfriend!"Habang naglalakad palabas ng school biglang tumunog yung cellphone ko.
From: Erin Maganda <3
"Ah ganun ba :-( Sige una ka na. Pahinga ka na pag uwi ha! Take care! Mwah! :*"Naglakad na ako pauwi. Hindi naman talaga masama pakiramdam ko e. Talaga lang ayaw kong makita pa si Eros.
Pagdating ko sa bahay sinalubong ako ni yaya Sally. Nakauwi na pala siya 3 weeks ago. Haha. Sarreh!
"Ang aga mo hija. Nagugutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?" Tanong ni yaya sa akin. Nginitian ko na lamang siya at umiling ako.
"Okay lang ako ya. Si mama po?" Wala akong ganang kumain. Haaaay!
"Gagabihin daw siya kasi may business meeting pa daw sa Korean investors. Sigurado ka bang okay ka lang nak? Kumain ka muna."
"Pagod lang po ako. Ya akyat muna po ako sa taas ah matutulog po muna ako. Kumain na po ako kanina sa school kaya hindi po ako nagugutom. Salamat po." Tumango tango na lang si yaya at nginitian ako. Bakas parin sa mukha niya ang pag aalala sa akin. Kaya mahal na mahal ko yang si yaya e. Parang pangalawang ina ko na din.
Umakyat na ako sa kwarto ko at mabilis naman akong nakatulog.
ERIN'S POV
This is the busiest day of my life so far! Kase naman tong president namin alam na madaming gagawin tsaka pa naisipang umabsent. Hay naku walang kwenta! Kaya ako lahat eh!! Putspaaaa!
Kainis! Kakastress! Ay shet ang beauty ko! Punyetaaa!
Pero nag aalala ako kay Sophie. Ano kayang nangyari dun? Hmmn.
Nakita ko naman si Eros.
Yun! Sakto!"Eros!!!" Buong lakas kong sigaw. Hahahaha. Kala mo ah! Lumapit naman siya sa akin agad. Good boy!
"Erin nakita mo ba si Sophie?" Nag aalala niyang tanong. Yieeee oo nga pala! Hart hart! Hahahaha. Sana naman wag umabot sa hurt hurt kung hindi puputulan ko siya ng ano. Yung ano. Hihi!
Hahahaha. Joke kang!"Nagtext. Uuna na daw siya. Masama daw pakiramdam e." Nakita ko naman ang lungkot sa mukha niya. Huli ka balbon! Bwahahahaha!
"Ah ganun ba. Erin. Puntahan kaya natin si Sophia sa kanila. Baka kung ano nang nangyari dun e. Please? Samahan mo naman ako." Hehehe. Kakainggit naman sila.
Yun naman talaga ang plano ko e, ang puntahan si Sophie. Naunahan lang akong magyaya ng kumag na to.
Iba na talaga ang inlove.
Yaay! Ako kaya? Kelan kaya ako maiinlove? Hmmmn.
Hihi. Kiri!
"Osige! Tara na!"
Nagkukwentuhan kami ni Eros habang naglalakad. Marami na kaming namimiss na band practices e pero babawi naman kami matapos lang tong school event na to sarap buhay na uliiiii!
5:40pm na kami ng makarating kina Sophie. Nag doorbell naman ako at agad akong pinagbuksan ni yaya Anna.
Pinapasok niya muna kami sa loob.
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Roman pour AdolescentsNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.