Lunes maagang pumasok si Irina para sa dagdag iskor sa kard na sinabi ng kanilang guro na si Mrs. Bleza, nagpalit na kasi sila ng guro since napalipat sa higher section si Mrs. Apaya na paboritong guro ni Irina kahit hindi siya mataas ang grado sa gurong ito. Dahil mas pantay sa paggra-grado si Mrs. Apaya kaysa kay Bleza na nauuto lang nina Neriza.
Pagkarating ni Irina sa kanilang classroom hindi niya ina-asahan na mayroong pumasok maliban sa kanya. Alas cinco y medya ng umaga na maaga pa sa pang alas sieteng mismong oras ng pasok...
"Aba, naunahan ko pa ang malapit ang bahay? Napasarap ba ang tulog dahil umulan kahapon?" tanong ni Ivan sa kanya.
"Taga-Lumban ka 'dba? Natulog ka pa ba sa lagay mong iyan ha, top one?" tanong ni Irina na lumapit na sa kanya.
"Oo naman! Sarap pa ng tulog ko at ikaw nasa panaginip ko," tugon nito na hindi muna nag-react si Irina dahil nagsusulat na siya sa dilaw na papel ng kanyang pangalan at ano'ng oras dumating sa room.
Matapos ni Irina na magsulat ay ibinalik niya kay Ivan ang papel saka isinilid sa bulsa ng kanyang paldang suot, at ibinaba muna ang kanyang bag sa pader ng kanilang classroom sa ibaba ng kanilang bintana. Kinuha niya ang baon niya na dapat ay umagahan niyang kamote.
"Nagsipilyo ka ba naman? Baka sa sobrang aga mo nalimutan mo na rin,"
"Halikan kita riyan." Banta ni Ivan sa kanya.
"Kay Neri mo 'yan ibigay," wika ni Irina.
"Masusuka lang ako,"
Napatingin si Irina sa kanya, "Ang arte mo! Ang ganda-ganda ni Neri para masuka ka tapos ganda pa ng hubog ng katawan,"
"Natitibo ka sa galising na iyon?" iritang tanong ni Ivan sa kanya.
"Sira ka talaga!" sabay hampas nito sa braso.
"Hoy ang sakit ha? Hindi mo pa ako napapaligaya, nanakit ka na."
"Ang dami mong alam!" hiyaw ni Irina sa kanya.
Medyo naliwanag na pero wala pa ring mga kaklaseng nadating.
"Malamang! Kaya nga top one ako eh,"
"Oo nga, ang sabihin mo top one sa kalokohan,"
"Ay wow! Aga ng date natin kay Irina ah!"
Parehang napalingon ang dalawa sa kanilang likuran na papalapit na ang kaklase nilang babae, na agad niyakap ni Irina ang kaklase.
"Parang hindi nagkita ng ilang taon ah!" sambit na lang ni Ivan.
"Namiss kita Janet," saad ni Irina sa kanya.
"Naku ha? Nagseselos na si Ivan oh? Nahaba na nguso."
Bumitaw ng yakap si Irina sa kaklase dahilan sa nagsusulat na ito sa attendance sheet, naglabas na si Ivan ng pandesal na sinisimulan niyang kainin at napatingin lang si Irina sa kanya.
"May assignment ba tayo?" tanong ni Janet.
"Wala, at excited na rin yata ang mga guro sa darating na prom," tugon ni Ivan sa kanya.
Napatingin si Janet kay Irina na ikinangiti niya. Tumingin siya kay Ivan na napakunot ang noo saka tumingin kay Irina na nakatingin sa kanyang tinapay.
"Gusto mo ba?" tanong ni Ivan sa dalaga.
Napatingin si Irina, "Gusto mo ng palaman?" tanong niya na hindi pinansin ang tanong ni Ivan.
"Ang asawang babae'y taga-suporta sa asawang lalaki, bagay talaga kayo aba fan na fan ninyo ako pramis," wika ni Janet na kapit-kapit niya ang attendance sheet niyang sinulatan.
"Bakit may dala kang palaman ha?" takang tanong ni Ivan.
Kinuha ni Irina ang nasa plastic na peanut butter saka iniabot kay Ivan, "May eksam tayo baka makatulong sa utak ko kaya may bitbit ako," wika ng dalaga.
"Naks! Gusto talaga ng kiss mula saiyo Irina," saad ni Janet.
Napatingin na lang si Irina sa kanya, "Bakit daw?" tanong nito kay Ivan.
"Maniwala ka r'yan kay Janet nananaginip na yata ng gising," wika ni Ivan.
las sais y medya nang nagdatingan na ang mga kaklase na kung saan si Janet na ang unang nagbigay sa mga dumating. Nabuksan lang ang pintuan mga alas siete na ng umaga na nasa labas lang silang lahat at ang mga kaklase'y nagsisiksikan na makapasok, papasok sana si Irina ng kapitan ni Ivan ang kamay niya.
"Sa huli ka na at baka kung ano pa madanggi saiyo," saad niya na natigil ang dalaga.
Nakita ni Michael na kapit-kapit ni Ivan ang kamay ng dalaga na napangiti siya at umiling saka pumasok na sa loob. Nang sila na lang ang huli ay saka lang binitawan ni Ivan ang kamay ng dalaga at sinadya niyang mauna si Irina sa loob, nakita niyang wala ng upuan para sa kanya sa lamesa nina Neriza kaya tinapik niya ang balikat ni Irina at itinuro ang lamesa nila. Umupo si Irina sa upuan na katabi ni Janet at kumuha na lang si Ivan ng extra.
"Tol limahan lang daw," saad ni Bernie.
Tumingin si Ivan kina Paula at aapat lang sila na bumalik-tingin siya kay Bernie.
"Lumipat ka kay Paula na table." Utos niya.
"Ayako,"
Tumayo si Irina, "Ako na lang,"
"Dapat lang," pabulong ni Bernie.
"Paula, sa inyo si Bernie!" hiyaw ni Ivan na nagtahimikan ang mga kaklase at napatingin sa kanila.
Kusang tumayo si Bernie na magkasalubong ang kanyang kilay, "Ako na. Kainis ka Ivan," saad nito na naupo na si Ivan sa tabi ng dalaga.
"So, magsimula na tayo," panimula ni Teacher Bleza na mayroon pa siyang binuklat.
Habang nagsasalita ang guro nila ukol sa sasakupiun ng kanilang pagsusulit ay nagsusulat naman si Irina ganoon din ang lahat ng kanyang ka-table. Natigil lang sila nang...
"Ma'am paano iyong mismong puwesto natin sa prom?" tanong ni Janna na presidente ng buong klase.
"Tanong mo mamaya sa office ng student council kung mayroon pang available na puwesto since nagsimula na yata ang ibang seksyon na magpareserve," saad ng kanilang guro.
Nagsimulang magtanong ang mga kaklase ni Ivan na napansin niyang natulog na lang si Irina habang si Janet ay may binabasang pocketbook.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Imperfect
General Fiction[OLD] Sa paglipas ng taon, nanatili si Irina bilang siya ngunit tanging pinagkaiba lang sa noong hayskul siya at ngayon ay lumalaban na siya pabalik. Malimit na biktima si Irina ng bully na hindi niya aakalain sa ikalawa niyang kurso'y hindi lang es...