Casmin 30: Emperor Raiji's affection

748 60 21
                                    

"Kamahalan, isa pong babae ang anak ninyo." Sabi ng Imperial advisor ni Emperor Raiji na si Javen.

"She is still a kid. Hindi pa siya isang ganap na babae." Katwiran ni Raiji.

Nagpagawa na rin siya ng silid ni Siori na malapit lang sa silid niya para sakaling magdadalaga na si Siori ay may silid din siyang malilipatan.

Nang inanunsyo ng Emperador ang pagdating sa dalawa niya pang anak na prinsesa, nagwala naman si Jina.

"Ako. Ako ang tunay na prinsesa. Hindi ang anak na nakita lamang ni ama sa labas." Sigaw nito kasunod ng malakas na kalabog dahil tinapon niya ang nahawakang gift box.

"Kamahalan, huminahon ka. Wag kang mag-alala, hinding-hindi natin hahayaan na maaagaw ng huwad na prinsesa ang posisyon mo sa palasyong ito." Sagot ni Jona.

"Ipakita mo sa kanila na mas mahal ka ng Emperador at para matutong lumugar ang dalawang huwad na prinsesa. Wag kang mag-tantrum. Maging mabait at maunawain ka sa harap nila para mas makuha mo ang kanilang loob." Sabi ni Jona.

Saka naalala ni Jina na kahit nalaman niyang hindi siya tunay na anak ng Emperador, mahal pa rin naman siya ng mga prinsipe at ng Emperador. Siya ang kasama nilang lumaki at hindi ang dalawang bagong dating na mga prinsesa. Mga bata lamang itong lumaki sa labas ng palasyo at walang mga alam.

Nagimbal naman ang buong Emperyo matapos isiwalat ng hari na may dalawa pa siyang anak bukod kay Jina. At si prinsesa Jina ay hindi totoong anak ng Emperador.

Pinatawag ng Emperador ang mga anak para ipakilala kina Sayuri at Siori.

"Ama, si Jina lamang ang aming kapatid. Hinding-hindi namin matatanggap ang isang kapatid na ngayon lamang namin nakita." Sabi ng siyam na taong gulang na si prinsipe Rihan.

Nasa dining hall sila ngayon at hinihintay ang pagdating ng dalawang prinsesa.

"Ama, nasasabik na akong makilala ang mga kapatid ko." Masiglang sabi ni Jina ibang-iba sa kung ano siya sa loob ng kanyang silid.

"Si Jina lang ang kapatid ko." Sagot naman ni prinsipe Rijun. Ang ikalawang prinsipe at labing tatlong taong gulang.

"Nandito na po sina Prinsesa Sayuri at Prinsesa Siori." Sabi ni Knight Xunbe.

Bumukas ang malaking pintuan at pumasok ang dalawang batang magkamukhang magkamukha. Ang isa ay yumuko at magalang na bumati samantalang ang isa ay dumiretso sa tabi ni Prince Siyun.

"Kuya, anong ulam?" Tanong agad nito sabay tingin sa pagkaing nasa lamisa.

Ang nakatulala sanang mukha ng mga prinsipe ngayon ay umasim ang mga mukha at tumalim ang mga tingin.

"Hindi ka man lang bumati bago lumapit? Halatang walang nagtuturo sayo ng tamang pag-aasal." Sabi ni prinsipe Rihan. Napatingin naman sa kanya si Casmin.

"Kita ko siya hindi naman bumati, kumandong agad kay ama? Hindi niyo din ba siya natuluan ng tamang pag-aasal?" Sagot naman ni Casmin.

"Anong natuluan?" Masungit na tanong ni Rihan.

"Pahamak na dila to. Di ako makakapagpokus sa pakikipagtalasan ng dila nito." Bulong ni Casmin na rinig naman ni Siyun.

"Pfft. Hayaan mo na sila kung hindi nila maintindihan." Sagot ni Siyun. Kinuha nito ang bakanteng upuan sa tabi ni Emperor Raiji at doon pinaupo si Casmin. Binuhat pa niya ito dahil masyadong mataas ang upuan para sa kanya.

"Dito ka na umupo Sayuri." Sabi ni Siyun kay Sayuri matapos makahila ng ikalawang upuan.

"Kuya, bakit mo pinaupo ang dalawang iyan diyan? Doon sila sa dulo nararapat. Bakit sa tabi mo pa?" Angal ng ikalawang prinsipe na si Prince Rijun.

Am I in The Wrong Novel?Where stories live. Discover now