First Year High School

11 0 0
                                    

                       Disclaimer

This story is about me being a typical teenager when I was in high school.

I will only use name initials on the character of my crush to hide his identity.

Ready ka na ba na matawa, kiligin, at maiyak?
Bakit maiiyak?..dahil ako yung tipo ng tao na crush level pa lang pero nasasaktan na. Ganun ka rupok. LOL.

    ***
  Freshmen year... 2006-2007

Excited at kinakabahan ako dahil unang araw ko sa high school.
Medyo malungkot dahil hindi ko na magiging kaklase ang mga besties ko noong elementary days.

May mga kaklase naman ako noong grade 6 , na classmate ko pa rin hanggang ngayon pero hindi kami gaanong close.
Yung iba kasi mga bullies ko noon na nagpapaiyak sa akin sa loob ng classroom.

Anyways,  nagsuklay ako ng maraming beses baka sakaling maunat pa yung buhaghag kong buhok na animo'y pinaglihi kay Betty La Fea.
In fairness makinis pa naman yung mukha ko kasi hindi pa naiistress sa buhay.

Kinuha ko yung uniporme kong nakasabit sa kabinet at isinuot.
Isang pares lang naman ang bago kong uniform ang iba uniform ko pa noong grade 6.
Yan ka komplikado ang utak ko, mas nauna pa magsuklay kesa magsuot ng damit.

Pareho lang kasi ang uniporme ng elementary at high school doon sa lugar kung saan ako nag-aaral.
Kaya kahit noong grade 5 mo pang uniporme pwede mo pang gamitin kung hindi ka pa tumatangkad. Haha.

Nilagyan ko ng kiwi ang sapatos ko na ginamit ko din noong graduation namin. At yun napakakintab na, parang sikat ng araw. Char!

Aaminin ko na miyembro ako ng P.F.I. o ang tinatawag na Pandak Foundation Incorporated. We'll atleast hindi naman pinakapandak sa lahat.

Mas malawak ang school campus sa Santa Barbara National Comprehensive High School kumpara sa campus ng dati nyang eskwelahan.
Pero mas malaki naman ang Oval field na ginagamit tuwing P.E.activities sa Santa Barbara Central Elementary School.

Dahil freshman ako, hindi ko alam ang pasikot-sikot kaya maaga akong pumasok.
6:30 nandoon na ako sa school para hindi ma late. Nakakahiya naman kung sa unang araw pa lang late ka na.

Hindi ko alam na mas maaga pala ang  flag ceremony kapag unang araw ng school year.

Umaalingawngaw ang boses ng aming school principal sa speaker na nakakabit sa stage,hudyat na kailangan ng pumunta ng mga mag-aaral sa quadrangle .

Nagdali-dali akong magtanong sa kilala kong sophomore kung saan banda ang silid-aralan ni Ma'am Pardo na siyang class adviser ng aming seksyun.

Halos lahat ng nagtapos sa S.B.C.E.S. ay doon din naman nag enrol sa S.B.N.C.H.S.kaya kilala ko na ang ibang mga upper class na mga mag-aaral.

Naalala ko tumakbo pa ako noon para mailagay ko yung backpack ko sa classroom bago pumunta ng quadrangle.

Sa pagkakadinig ko mula sa trumpa na nakalagay doon sa stage ay parang  nagagalit na yung school principal namin sa kakatawag sa mga mag-aaral na pumunta na doon at humanay ayon sa year at section.

Ay naku po, matagal pala ang flag ceremony ng high school kumpara sa elementarya.
Sa tuwing Lunes lang kasi ang flag ceremony kaya maraming announcement.

Nagmistula kaming isda na binibilad para maging danggit. Haha.
Wala kasing bubong ang quadrangle namin.
Hindi naman pwede sumilong doon sa likod, sa may bleachers. Yung part lang na iyon ang may bubong.

Ay buti hindi pa uso ang Kojic noon, dahil kung nagkataon maraming magkakasunburn.  Joke lang.

At sa wakas natapos din ang announcement. 
Tagaktak na ang aming pawis.  Sayang lang yung pabango kong Avon.

My High School CrushWhere stories live. Discover now