Chapter 9 Happy with Mr. Crocodile

83 1 0
                                    


SOPHIE'S POV

"Ma, Ya, Alis na po kami!!" Sigaw ko mula sa gate ng bahay namin. Kumaway naman si mama tsaka si yaya sa amin habang nakangiti. "Ingat kayo!"

Kasabay ko ulit pumasok si Erin at Eros.
"Sophia okay na ba pakiramdam mo? Ano bang nangyari sayo kahapon?" Tanong ni Eros sa akin. Nakikita ko ang pag aalala sa kanyang mga mata.

"Sumakit lang ang ulo ko. Pagod siguro. Okay na naman ako. Salamat sa pagaalala." Napabuntong hininga na lamang siya.

Simula nung sumabay na siya sa amin ni Erin sa pagpasok laging siya ang nagdadala ng bag ko. Minsan mga tinatanong ko siya kung bakit hindi niya pinagdadala si Erin. Sabi niya kaya na naman daw ni Erin tsaka mukha daw mabigat yung dala ko e.

Oo na lang.

Teka. Itong si Erin kanina pang nakatingin sa cellphone niya at may pangiti ngiti pa! Sino bang katext niya at parang kinikilig siya? Siniko ko nga siya.

"Hoy Erin. Makangiti ka diyan ah. Sino ba yang katext mo ha?" Tanong ko sa kanya na parang nanunukso.

"Si Tristan. Taga Xiavery to kayear lang natin. Hihi. Nagkachat kami kagabi. Ang gwapo kaya!! Kyaaaaah! And guess what? *blah blah blah*"

Wala akong maintindihan sa sinabi niya. Hahahaha. Ang bilis niyang magsalita e. Well, masaya naman ako para sa kanya at nakahanap na siya ng bago niyang boylet.

Yung ex niya kasi e walang malay. Naku lamunin na sana yun ng lupa tutal mukha naman syang lamanlupa! Hmp! Jerk!

Dumiretso agad kami sa classroom nung makarating kaming school.

After few minutes, dumating na si Mrs. Perez.

"Good morning class!" Nakangiting bati sa amin ng adviser namin.

"Good morning Mrs. Perez!" Buong siglang bati ng buong klase.

"Class, I know that you are aware that we only have two days to prepare for the event on friday. At tutal ang pageant ang pinaka center ng program, at bilang classmates ng candidates ng section na ito, gusto kong magkaroon ng contribution ang bawat isa sa inyo para sa ikapapanalo ng candidates natin."

Tahimik lang kaming nakikinig kay Mrs. Perez. Alam kong malakas ang laban namin. Sa ganda ba naman ni Sam at sa yummy este gwapo netong katabi ko.

"Ano pong ibig sabihin nyo Maam?" Tanong ni Zia.

"Gusto kong makita ang unity ng section na ito. Mula sa mga gagamiting props kung meron man, sa pag checheer at sa lahat. Gusto kong hindi lang ang candidates natin ang manalo. Section natin ang dala nila kaya I want everyone to contribute. Mas magandang manalo ng may itininulong ang lahat kaysa manalo ang section natin na yung dalawa lang ang gumagalaw. Makita ko lang na this section has unity, I'll give everyone a perfect score in Mathematics sa monthly test. Do you accept my challenge class?"

Maganda yung ideya ni Mrs. Perez. This is so exciting!

"Yes maam!" Sabay sabay na sagot ng buong klase. Bakas sa mga mukha nila ang pagkaexcite.

"Nga pala, dahil na-sprain si Samantha, hindi sila makakasayaw. Instead, they'll do a song number sa talent portion. Jethro ikaw muna ang bahala dito ah. Eros and Sam, come with me."

Pagkaalis nila agad namang pinamunuan ni Jethro ang klase.

Gumawa pa nga sila ng jingle. Hahaha. Nakakatuwa naman. Yung iba nagsisimula nang gumawa ng mga pompoms at banners. Tumulong na din kami ni Erin. Kitang kita ang pagka busy ng lahat. Lahat sila gustong sumuporta. Lahat sila gusto ng perfect score sa exam. Hahaha.

The Battle for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon