Chapter 15

40 7 3
                                    

Unit ni Boss

Hi buhay, bakit hindi ko man lang kayang kumatok. Kakatok lang naman ha. Nandito pa kasi ako sa labas ng unit ni Boss. Baka pagkapasok ko ganito ang mangyari. . . .

Nakita ko si Boss sa loob ng unit niya, syempre nasa loob siya, unit niya diba. Sobrang galit siya sa akin dahil mas ipinagtanggol ko pa si Betoy my loves sa kanya na magiging brother in law ko, tapos bigla na lang niya akong binugahan ng apoy. . .

Waaahhhh sobrang pangit ko talaga kung ganon ang magiging kamamatayan ko.

Pwede ring ganito ang mangyari. . .

"Boss wag po." pagmamakaawa ko. niluluto niya kasi ako sa malaking kaldero.

"Wag kang mag makaawa hindi bagay sayo. Hahaahahaha." tapos nilagyan niya ako ng mga sahog. . .

Wahhh ayaw ko rin non noh, ano nalang kaya ang itsura ko pag nagkataon na naluto ako diba.?!

Hinawakan ko na ang door knob, huhuhu it's the matter of life and death. Sana buhay pa ko kung ma open ko na to.

Hohohoho sana naman hindi na galit si Boss.

"Hey Mae." tapos may sumundot sa tagiliran ko.

"Ay kabayo na nangitlog." napalingon ako kaagad dun sa tumawag sa akin. Hindi niya ba alam na natatakot na ako dito.

Oy si Patrick lang pala, yung ka tropa ni Boss, bakit ang gwagwapo ng mag ka tropang ito.

Wait, huh bakit may dala siyang mga foods. May picnic ba sa loob mamaya.

Wahhhh baka mag cecelebrate sila dahil papatayin na ako ni Boss.


Patrick POV

Ang rami namang pinabili ng mga tao sa Unit ni Rex. May gusto ng junkfoods, yung iba fruits naman daw para maiba, tapos yung iba gusto raw foods. Anak naman nag mga nanay nila oh, eh ako lang naman marunong magluto sa kanila ha.

By the way magpapakilala muna ako.

Im Patrick Danver. Ako ang tinatawag nila na mysterious guy. Dapat lang noh, maraming secret talaga ng buhay ko. Dahil friends na tayo sasabihin ko sa inyo.

Baka nag tataka kayo bakit ko sasabihin sa inyo na ka me meet lang natin, eh kasi. . . . hindi ko na nga lang sasabihin.

May story naman daw ako, dun niyo na lang basahin ha.

Malapit na pala ako sa unit ni Rex, napa smile na lang ako ng makita si Mae na balisa na nakaharap sa unit ni Rex.

Hindi ko lang talaga alam kung kanino na Mae nag bago si Rex. Yun bang nang iwan sa kanya o etong nasa labas ng unit ni Rex.

Hindi ko nga malaman bakit hindi na iba iba yung girls niya or rather wala na talaga siyang babae. Eh nuon nga kung magpalit ng babae tong isang to mas madalas pa kay sa magpalit siya ng breif.

Mas gusto niya na nasa unit niya lang kami, ang katwiran naman niya, para daw mabantayan niya ng mabuti ang katulong niya. Baka raw kasi mag nakaw, eh sa pagkaka alam ko, mas mayaman pa tung katulong niya sa kanya. Kaya ano nalang ang kukunin ni Mae sa unit niya. Bobo talaga.

Malapit na ako kay Mae kaya tinawag ko na lang siya.

Pero putik, hindi niya ako naririnig.

Pero ang cute naman ng isang to, mas cute pa siya ngayon na straight na ang buhok niya. Wala naman akong balak na ligawan si Mae, oo cute siya at maganda, pero inlove na ako sa iba.

Mr. Missionary and MaeWhere stories live. Discover now