CHAPTER 5

2 2 0
                                    

SYNDICATE

Wala ako sa sarili habang nakasakay ako sa kotse ni Vander. Iniisip ko parin ang nangyari kanina sa may balcony. The look on my husband's face is the thing I could never get used to. Ayaw kong makita ulit na ganoon ang ekspresyon nito sa mukha, mas lalo lang akong nasasaktan.

"Stop your internal monologue, Riss. May kasama ka dito, ako ang kausapin mo instead of talking to the air." Sabi ni Vander na ikinabaling ko sa kanya.

I give him a small smile at umiling.

"Hindi naman seryoso ang iniisip ko kaya, kaya ko na 'to."

"I saw and heard on what happened outside the balcony, Risse. It wasn't my intention to eavesdrop but as a friend, I am very worried. Hindi lang kasi ikaw ang nasasaktan, pati ang bata din na nasa sinapupunan mo." My eyes widened to what he said.

"It's rude you know." I said, he just shrugged and focused on driving instead of answering me. "Do you think he will forgive me?"

"I don't know. Hindi ko alam ang buong pangyayari pero kung ako ang nasa kalagayan ni Sky, I will never forgive you for hurting me."

"But it's for his sake. Ginagawa ko lang naman 'to dahil ayaw ko siyang mapahamak. I don't want them to suffer."

"Hindi niya alam ang rason mo, Risse. He is seeing the situation different from your point of view. For you, you are doing this to keep him safe but for him... you left him because of a reason that is so selfish on his part." Natahimik ako sa sinabi nito at napasulyap nalang sa labas ng bintana.

"Hindi ko na alam ang gagawin, Van." I problematically said. Nakakapagod pala kapag nasa punto ka na gusto mo nalang isuko ang lahat para manatili ang importanteng tao sa buhay mo. But I can't really do that. And that was the tiring and hard part.

"And are you for real! Cheating talaga ang ginawa mong rason para mawalay sayo si Sky? Charisse naman, you are a fucking loyal wife to your husband. Hindi mo manlang maentertain ang mga manliligaw mo noon ngayon pa kaya na mag-asawa na kayo ng lagi mong bukam bibig na lalaki." Hindi makapaniwala nitong sumbat sa akin.

I know it's a lame excuse but it's the only idea I could think of para maitulak palayo ang asawa. 

Simula noong bata ako ay pinangako ko na sa sarili na kailanman ay hindi ako magloloko. Ito ang laging nakatatak sa utak ko. Ayokong maranasan at iparanas sa magiging asawa ko ang ipinaranas ni Mama kay Papa. My mother cheated on my father, their marriage is okay at first but when my Mama gave birth to me things started to change. Lagi lang ako nitong iniiwan sa mga yaya at minsan kay Papa. Hindi ito umuuwi ng maaga at lagi nalang umuuwi ng lasing. Dad stayed patient and loving to my mom pero naputol ang lahat ng iyon nang malaman ni Papa na si Mama ay may hinahalikang ibang lalaki. And he didn't just heard it he also witnessed it.

My Mama wasn't sorry for what she did, for in fact masaya pa nga siya dahil makaka-alis na siya sa tanikalang sumasakal sa kaniya at iyon ay ang kasal nila. My Papa filed an anullment and later on died because of being broken hearted. I was just 5 years old back then and up until now I can't forget on what happened to Papa. At sa Mama ko naman ay wala na akong balita sa kaniya.

And I am scared kasi baka mangyari kay Sky ang nangyari kay Papa. But I shouldn't dwell on this kind of thoughts.

PAGKADATING ko sa bahay, kaagad akong nahiga sa sofa at in-on ang tv. Hindi pa umalis si Vamder at nasa kusina ito ngayon dahil inutusan ko itong mag timpla ng gatas ko. Tinatamad na akong tumayo at gusto ko nalang mahiga. Nagiging tamad na ako nitong mga araw, kagagawan kaya ito ng batang nasa sinapupunan ko?

"Here's your milk, your highness." Nang uuyam na sabi ni Vander. I glared at him at tinanggap ang baso na hawak nito.

Naupo ito sa pang-isahang upuan at sinabayan ako sa panonood ng Sofia the first sa tv. Tahimik lang kaming dalawa at walang imikan. Ilang oras lang ang nagdaan ay nagpaalam na ako dito at pumunta na sa kwarto para matulog. Binilinan ko nalang ito na ilock ang bahay kapag aalis na ito. Inaantok na talaga ako at kailangan ko nang ipahinga ang katawan dahil bukas ay aalis na kami papuntang HQ ni Vander.

Nagising ako nang maaga dahil sa pagsusuka. Tiningnan ko ang orasan and it says 5: 45 am. Hindi na ako nakatulog pa ulit matapos kung magising kaya nag light work out nalang muna ako bago magluto ng almusal. Mamaya ay susunduin ulit ako ni Vander para sabay na kami papuntang HQ. Tinatamad din kasi akong mag drive kaya't mas mabuting kasama ko siya para siya ang maging driver ko.

I cooked a simple breakfast, egg, toasted bread, hotdog and of course my milk. Mabilis kong inubos ang pagkain at kaagad na naligo para maghanda na sa pag-alis. I wore a simple all black outfit, a black t-shirt, black pants and a black shoes. Dala ko din ang black na bag na bigay sa akin ni Sky.

After awhile of waiting, dumating na si Vander at agad kaming pumunta sa head quarters.

Pagpasok namin sa building ay agad na bumungad sa akin ang busy-ng mga tao. May iilang nag bo-bow sa amin habang naglalakad kami ang iba naman ay hindi na makatango at magbigay ng respeto dahil sa daming ginagawa.

"Ba't parang busy ata lahat? Anong meron?" I asked Vander. Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang makapasok kami sa elevator.

"A new syndicate has surface in our country. At ang mga target nila ay mga minor de edad, they are kidnapping children and selling it for a high price for their own entertainment. And I heard that this case is also connected to Vongolla."

"Vongolla, how?" I said confused.

"They are paying small syndicates para gumawa nang kanilang mga maliliit na plano. And this is part of their plan para mabaling ang atensyon ng Marvoidre sa kanila. But hopefully mabilis ang mata ng boss natin at nakita niya kaagad ang plano nito. And that's why the head quarter is busy."

"The Marvoidre Team is handling the Las Vegas Incident right? So why are they targeting them?" I asked, Vander looked at me with a "really, are you stupid" look in his face. And then realization dawned on me. "The hell! You mean Vongolla din ang may kagagawan sa nangyari sa Las Vegas?"

Vander nod at ako naman ay hindi makapaniwalang napatitig sa kabubukas lang na pinto ng elevator. What are they up to now? Mas lalo silang nagiging active ngayon, hindi ganito ang galaw ng Vongolla sa mga nakaraang taon. They are mysterious and mostly hiding but now they are surfacing their syndicates one by one.

I bet this case will be bloody from now on.

iNnAh🌻

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BS1: HOW MUCH FOR YOUR LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon