(EP67) King Azael and King Vero...

2.2K 74 4
                                    





SOMEONE's POV'

Pagkapasok makalabas ng prinsesa ay siya ring pag tayo at paglakad ng dalawang hari papuntang pinto saka Ito binuksan at walang lingon lingon na umalis. Susundan panigurado ang prinsesa.

Napalingon ang babaing May Mahabang buhok at may maamong mukha sa Ina nitong payapang natutulog, mababakasan mo ang pagod nito sa mukha at isali mo pa ang namumula nitong pisnge Dahil sa sampal ng prinsesang si Azura.

Malaki ang pasalamat niya Dahil dumating ang prinsesa ng VIACRUSIS Dahil Kung Hindi siguradong Hindi Lang sampal ang matatamo nilang mag ina, Hindi Lang sila Baka pati ang iba pang mga katulong.

Kung Hindi Dahil sa prinsesa ay Baka puno na siya ng pasa.

Hindi niya alam ngunit Bakit tila iba naman ang sinasabi ng tungkol sa prinsesa ng VIACRUSIS.

Malayo ng Malay sa mga sabi sabi ng iba.

Kesyo napaka losyang niya raw manamit, napa kahina, at desperada.

Ngunit Bakit iba naman ata lalo na nang nakita niya sa personalan ang prinsesa.

Napakagandang niya lalo na ang napaka amo nitong mukha, at Hindi naman siya Mukhang losyang manamit Dahil napaka simple ngunit mababakasan mong eligante naman, at Hindi naman siya mahina Dahil Kung mahina man ang prinsesa hinding Hindi niya susubuking makipag palitan ng mga msasakit na salita, at Hindi rin desperada ang prinsesa Dahil ang dalawang hari na mismo ang nagpatuloy sakanya rito sa palasyo na Hindi naman ugali ng mga hari.

Ayaw na ayaw nilang may puma pasok sa kanilang kaharian yun ang ayaw ng dalawang hari.

Ngunit taliwas naman sa nakita niya at Hindi Lang siya kundi ang iba pang mga katulong na nasa loob ng palasyo.

Natigilan naman siya ng may marinig siyang tila tumikhim.

Kaya naman ini-angat nito ang kanyang ulo upang makita Kung sino iyun.

Ngunit ganun nalang ang Gulat niya ng makitang isa iyun sa mga hari,

Nakasalubong nito ang itim na itim niyang mga Mata na tila ba may ika iitim pa Ito kapag nagalit mo ng sobra.

Ang hari ng mga taga Timog.

Nahihiya naman siya yumuko Habang nakasandal sa headboard ng kama.

"Mahal na hari. Naririto pa po pala kayo." Mahinhin na bati ng dalagita sa haring Kung makatitig ay lagpas Hanggang kaluluwa.

Lihim namang Napalunok ang dalaga Dahil sa uri ng titig ng hari sakanya.

"Why? Don't you want me here?" Malalim at malamig na boses ang nanggaling sa hari ng timog.

Nahihiyang namang nagtaas ng ulo ang dalaga.

"Hi-Hindi naman po iyun ang nais Kong iparating mahal na hari. Pasensya na ho sa sinabi ko." Natatakot na wika ng babae.

Lihim namang nasira hand ang hari sa nakitang reaksiyon ng dalagang kausap niya.

"Hey.. Don't be scared I won't bite you......yet" Saad ng hari ngunit naging bulong naman sa huli niyang sinabi.

Kaya naman Hindi iyun naka abot sa tenga ng dalaga.

Kagat labing namang tumango ang dalaga.

"Are you okay now?" Dahan dahang wika ng hari.

"Opo mahal na hari." Nahihiyang wika naman ng dalaga.

"Btw, What is your name?" Maingat na turan ng hari.

"Ako po si Ruwiza mahal na hari ngunit tawagin niyo na lamang po akong ruwiz." Magalang na wika ni ruwiz.

Reincarnated As The Two King's  Fiancé (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon