KABANATA 8

2.2K 50 0
                                    

Umuupo ako sa malambot na sofa habang kasama ang mga ibang pang mga kaklse ko noon, kahit kailan hindi parin sila nagbago sila parin iyong dating kaklase ko na laging palabiro at palatawa.

napalingon ako sa gawi ng asawa ko at nakita ko itong nakikipag-usap sa asawa ni kiana at sa dalawang lalaki na may taglay din kagwapuhan.muli akong bumaling ng tingin ng kalabitin ni lizza ang braso ko.

" MICA HINDI PA BA KAYO NAKAKABOU NG ASAWA MO? " tanong ng isa sa mga kaklase ko noon.

" OO NGA MICA! BAKA BAKLA SEGURO ANG ASAWA MO! " natawa naman ang lahat ng sambitin iyon ni zhea.
hindi kona lang sila sinagot dahil ayaw kong malaman nila ang dahilan ko, natawa narin si lizza sa mga kasamahan namin, puro tawanan ang namutawi sa aming lahat.

napahinto ako sa pagkakatawa ng mahagip ng mata ko ang asawa ko.
may lumapit sa kanila na mga babae at parang nakikipagkatuwaan pa ito sa kanila, hindi ko alam peru nainis ako ng makita ang isang sexy na babae habang malanding hinahagod ang dibdib ng asawa ko.

Parang nasasaktan ako habang pinagmamasdan sila, bakit niya hinahayaan may lumande sa kaniya?.

napabuntong hininga nalang ako at napaiwas ng tingin ng sumulyap ito ng tingin sakin.

napabaling naman ang tingin ko ng makita si lizza na kasama nito...

ang...

ang mga kaibigan ko?

na miss ko sila!

tumayo ako sa pagkakaupo ko ng makita ang mga kaibigan ko na sina luis, vincent, hero at si kero.si kero at hero ay kambal.mabilis ko silang nilapitan at kita ko ang saya ng makita nila ako.

" MICA D*MN IT I MISS YOU! " masayang sambit ni luis at agad akong niyakap. Grabe ang saya ko dahil muli na naman kaming nagkita.malawak ang ngiti ko at niyakap ito pabalik.

" ANG PRINSESA NAMIN! " sabat ng tatlo at nakisali narin sa yakapan namin. Kahit kailan hindi parin sila nagbabago sakin, prinsesa parin ang turing nila sakin, naiiyak ako sa saya.

•CONTINUATION•

" KUMUSTA NA ANG PRINSESA NAMIN? " nakangiting tanong ni vincent, tumungga muna ako ng kunting wine bago siya sagutin. " OK LANG NAMAN AKO KAYO BA? " tanong ko pabalik.

" OK LANG KAMI MAHAL NAMIN PRINSESA " sabay sabay nilang sagot sakin na siyang ikinangiti ko. Ang laki ng ipinagbago nila mas lalo lang silang gumwapo, .

" TOTOO BA NA MAY ASAWA KANA DAW?" Tanong ni luis na siyang ikinaiwas ng tingin ko sa kaniya.nagitla ako ng may mahigpit na braso ang pumulupot sa bewang ko at mahigpit iyon ipinadikit sa katawan niya.

nanlamig naman ako dahil sa presencya niya, wala na dito si lizza at diko na siya makita dahil maraming tao ang nasa loob ng mansyon ni kiana.hindi ko alam kong ano ang gagawin ko peru bahala na!

Heto ang habilin niya sakin na huwag lumapit sa mga lalaki at makipag usap, masisi niya ba ako eh kaibigan ko ang mga ito eh, mga matatalik kong kaibigan na parang mga kuya kona.

" UHM..SIYA IYONG ASAWA KO SI LAZARO-- "

" KILALA KO SIYA MICA! " nakangiting sambit ni vincent. " YEAH KAMI RIN! " sabat ng dalawang kambal na si hero at kero.

" ME TOO! SIKAT SIYA! " nakangiting saad naman ni luis.napangiti ako sa kanila bago bumaling ng tingin sa asawa ko, nanlamig ako ng makita ang walang emosyon niyang mukha habang nakatingin sa mga kaibigan ko.

" NICE TO MEET YOU BRO " nakangiting anas ni vincent sabay lahad ng kamay niya sa asawa ko na tinitigan lang niya ang kamay ni vincent.

ako ang nahihiya dahil sa inasta niya sa mga matatalik kong kaibigan, bakit ayaw niyang makisama? napawi naman ang ngiti ng mga kaibigan ko ng seryuso lang ang mukha ng asawa ko habang nakatingin sa kanila.

" HON? " masuyo kong hinawakan ang kamay niya kaya napatingin siya sakin, bigla akong nilukob ng kaba ng makita ang galit niyang mukha habang nakatingin sakin dahil don napalunok ako, binalingan ko ng tingin sina luis at pilit na nginingitian sila.

nakakahiya siya! hindi ko siya maintindihan!!..bakit ayaw niyang makita ako na may kasamang lalaki? Wala naman akong ginagawang masama!

hinawakan ko ang kamay ng asawa ko at mabilis na umalis sa harapan ng mga kaibigan ko, rinig kopa ang pagtawag sakin ni luis peru hindi nalang ako humarap dahil baka mas lalong madagdagan ang galit ng asawa ko.

" MICA COME HERE! " napangiti ako ng tawagin ako ni kiana habang nasa bisig nito ang isang taon gulang niyang anak.binitawan ko ang pagkakahawak ko kay lazaros at nagmadaling nagtungo kina kiana.

" ANG CUTE NAMAN NIYA! " puri ko sa bata sabay hawak sa matambok nitong pisngi, nakakainggit dahil mabuti pa sila may anak na.hindi tulad ko, gusto kong magkaroon ng anak peru takot ako dahil sa ugali ng asawa ko.ayaw ko makita niya ang paghihirap ko.

sana balang araw magiging maayos din ang lahat para mabigyan kona ng anak ang asawa ko. Umaasa ako na magbabago pa siya!

MY HUSBAND OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now