" SORRY NAGULAT BA KITA? " seryusong tanong niya, tumalikod ako sa kaniya at nagsalin ng tubig sa baso, " MEDYO! " sagot ko nalang habang abala sa paghahanda.
nahihiyang humarap ulit ako sa kaniya at napangiti ng tipid. " MAY GINAGAWA PABA SILA? " nahihiyang tanong ko kay jerick na halatang nakatitig lang ito sa mukha ko, napakurap kurap pa ito at kalaunan napabalik din sa realidad.
" ANG SWERTE NI LAZAROS DAHIL NAGKAROON SIYA NG ASAWANG MAALAGA AT HIGIT SA LAHAT UBOD NG GANDA! " mangha niyang papuri, agad na napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
Paano naging swerte? napangiti ako ng mapait ng maisip ang sinabi niya.
bagamat takot parin ako dahil sa paglapit ni jerick dito, baka kase magalit na naman ang asawa ko kapag nakita niya akong kinakausap ang kaibigan niya, masyadong masamang mag isip ang asawa ko.
nag-iisip siya ng kong ano-ano, ginagawa niyang malisya ang mga bagay na pinagseselosan niya, masyadong makitid lang talaga ang utak niya. Malakas ang guni-guni niya sa isang maliit na bagay na pinagseselosan niya.
" UHMM..WAIT LANG HUH TATAWAGIN KO LANG SILANG LAHAT, MAUPO KANA DYAN! " tanging sambit ko at itinuro ang upuan sa tabi niya.ngumiti lang ito at tumango.
'LAHAT SILANG MAGKAKAIBIGAN WALANG NAPASAMANG PANGIT!.'
Nagtungo naman ako sa sala at kahit itanggi ko man andito parin iyong hiya na nangyare kanina lamang, mariin akong napapikit at bumuntong hininga ang pinakawalan bago tumingin sa direksyon nila." HO-HON? " napatingin si lazaros at di lang iyon pati ang iba pa niyang kaibigan." KUMAIN NA KAYO! " anas ko at agad na napaiwas ng tingin sa kanila, bahagya akong napasulyap ng tingin sa kanila habang ang asawa ko naman ay seryuso parin ang mukha nito.
" SIGE GUTOM NARIN KASE KAMI! " natatawang sambit ni ace, " PANIGURADONG MASARAP IYON! " dagdag pa niya at napangiti din kalaunan
" OF COURSE LUTO NI MICA IYON EH! " responde naman ni tristan kay ace bago bumaling sakin ng nakangiti, mabuti pa sila palangiti di katulad ng asawa ko." BRO ANG GANDA PALA NG ASAWA MO! " nakangiting puri ni darren at nakangiting tiningnan ako na siyang ikinaiwas ko ng tingin sa kanila. Nakaramdam ako ng takot dahil patalim na ng patalim ang mata ni lazaros habang nakatingin sakin.
" KUMAIN NA KAYO SUSUNOD AKO " walang emosyong anas ni lazaros sa mga kaibigan niya bago ako balingan ng walang emosyon niyang mga mata.
" OKAY!...IKAW MICA HINDI KABA KAKAIN? " tanong ni tristan, umiling ako at tipid na napangiti sa kaniya, nakangiting umalis na sila at nagtungo na sa dining area maliban lang kay lazaros.
•CONTINUATION•
" HOW MANY TIMES TO TOLD YOU MICA STAY AWAY FROM THE GUY!.. SA MGA KAIBIGAN KO AYAW KONG NAKIKITA KA NA LUMALAPIT KA SA KANILA,! " kalmado ngunit halata na galit ang boses nito.
wala akong nagawa kundi ang yumuko at di makatingin sa kaniya ng deritso, " LUMAYO KA SA KANILA, HUWAG KANG GUMAWA NG RASON UPANG MASAKTAN KITA, AYAW MO NAMAN SEGURONG PARUSAHAN KITA DIBA " mapanuksing sambit niya at napangisi rin kalaunan na siyang ikinaiwas ko ng tingin sa kaniya.
tumango lang ako bilang tugon at pagpayag sa saloobin niya, " PUMASOK KANA SA KWARTO AT HUWAG KA NG BABABA!, AYAW KONG NAKIKITA KANG NANG-AAKIT AT LUMALANDE SA KANILA REMEMBER YOU ARE MINE FOREVER. " may diin niyang salita. kumirot ang puso ko sa sinabi niya.
iyong pagsabihan kang malande halos madurog ang puso ko, ako lumalande at nang-aakit? Ang sama sama niya, ni hindi man lang niya naisip kong gaano ako maapektuhan sa bawat salitang binibitawan niya.
ganon na ba talaga kababa ang tingin niya sakin? ano ang nagawa kong kasalanan minabuti ko naman ipakita sa kaniya ang pagiging isang mabuting tao, ang pagiging mabuting asawa sa kaniya!
peru bakit puro kamalian ko ang nakikita niya? bakit di niya makita ang ipinakikita kong kabutihan sa kaniya, gusto kong maramdaman na mahalaga ako sa kaniya peru hindi ko maramdaman iyon.puro sakit sa puso ang ipanaparamdam niya, kailan darating sa punto na pahahalagahan niya ako bilang asawa niya?, paulit ulit naman niyang sinasabi na mahal niya ako peru hindi ko maramdaman iyon!
hindi ko siya maintindihan!...parang ginagawa niya lang akong laruan, walang pagmamahal at pagpapahalaga ang ipinapadama niya, katawan ko lang ang habol niya, ang sakit dahil diko alam kong bakit nagkaroon ako ng kapalaran na masyadong pumapatay sakin.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko sa sinabi niyang iyon, ang sakit na parang hinahati ang puso ko, hindi naman ako makati at b*bang babae, hindi ako tulad ng iniisip niya, hindi ako mal*nde! sumusubra na siya peru tiis tiis muna ako mula ngayon.
Napapunas ako sa luha ko at patakbong tinahak ang daan papunta sa kwarto, napahawak ako sa dibdib ko ng biglang sumikip at nahirapan na ako sa paghinga, agad akong humiga sa kama at sumampa kasabay non ay ang pagsubsub ng mukha ko sa unan.
Sa paraan nayon doon ko nailabas ang sakit at tudong iyak na diko na mapigilan!
' GANON PALA ANG TINGIN NIYA SAKIN ANG ISANG MALANDING BABAE! '
YOU ARE READING
MY HUSBAND OBSESSION (COMPLETED)
RomanceNote: This is UNEDITED! Warning: R18. What is the reason and why is Lazaros so cruel to his wife? Malupit pa sa malupit! Despite her love for her husband how long will she gamble? What if Mica experiences her husband's abuse and her husband repeated...