Once Upon A Fairytale

15 3 0
                                    

Matagal ko na po itong sinulat ngayon ko lang balak ituloy pasensya na po kung may nga pangalan o apelyido na may kagaya dahil hindi po ito sinasadya UULITIN KO HINDI SINASADYA. yun lang salamat po.

*********
Nasa park ako ngayon pumapatay ng oras dahil nababagot na 'ko na lagi nalang bahay at eskwela kaya naisipan ko munang pumunta dito bago umuwi..

Sa aking paglalakad hindi ko napansin na may lalaking nakasalampak sa damuhan kaya hindi sinasadyang napatid ako sa kanyang mga paa at napadapa sa damuhan dali dali akong tumayo

"Sorry po/Aray! Ano ba?!" Sabay naming sabi, Napatingin siya sakin at dali-daling tumayo, pinagpagan niya ang kanyang sarili at nagsalita..

"Ah Miss sorry ha nakatulog kasi ako dito sorry napagtaasan pa kita ng boses Kristopher nga pala Kristopher Escara, ikaw anong pangalan mo?" Tanong ni Kristopher

"Ako si Khyrine, Khyrine Montefalco. Sige una na ko ha?" Saad ko sabay ngiti sa kanya

"Teka saglit lang, pwede bang makipag kaibigan? Tsaka taga-saan kaba para sabay na tayo pauwi narin naman ako e" Sabi ni Topher

"Oo naman, sa St. Jude Subdv. lang ako, ikaw ba?" Tanong ko

"Saktong sakto doon lang din ako o pa'no? Sabay na tayo, friend?" Kaya tinanguan ko nalang siya sa tanong niya

habang naglalakad hindi ko mapigilan na mag isip ng kung ano-anong tanong dahil sa tagal ng aming paninirahan sa St. Jude ay ngayon ko lang siya nakilala hindi naman ganoon kalawak ang aming lugar para hindi magkatagpo tagpo ang aming mga landas ngunit napangungunahan ako ng hiya kaya kahit madami akong nais itanong ay ipinagpaliban ko nalang ito hanggang makarating kami sa aming mga bahay.

Palagi na kaming sabay kapag may pupuntahan kagaya ng pagsimbahan, panonood sa sine at sa pagkain, FoodBuddy ko siya

Lumipas ang ilang buwan at nililigawan niya ako magkapareho kami ng paaralang pinapasukan kaya't hatid sundo niya parin ako at habang tumatagal ay hindi ko maiwasang unti-unting mahulog sa kanya kung kaya't pinaplano ko s'yang sagutin sa nalalapit naming kaarawan sa November 21 mga ilang araw nalang mula ngayon

Kaya pinaplano ko na sabay kaming magdiwang ng kaarawan sa park kung saan kami unang nagkatagpo at doon siya sagutin

Lumipas ang ilang araw at kailangan naming mag take ng exam, ngayon ko lang naalala na saktong exam namin ang birthday namin buti nalang at nakahanda na yung regalo ko para sa kanya isang silver na bracelet lagi lang itong nasa loob ng aking bag upang hindi ko ito ma-misplace. Mga 30 minutes kong sinasagutan ang bawat subject sinisigurado ko na wala akong nalalaktawan na tanong upang mabilis na matapos at makapagpasa agad sa aming proctor na si Mrs. Delgado

Matagal tagal din ang oras na aming ginugol sa pagsagot bago kami hayaan ng aming bantay na bumili ng makakain at makapag balik-aral bago ulit kumuha ng pagsusulit kaya naisipan ko na habang nasa faculty room ang teacher ay magbasa basa ng mga notes o lecture na binibigay sa amin mayroon din kaming mga photo copies na kailangan tandaan para sa mga pagkakaiba ng isang bagay dahil minsan akala natin pareho lang sila ng ibig sabihin ngunit mali pala kaya tinandaan ko ito upang hindi magkamali sa pagsagot sa pagsusulit

Dumating ang aming proctor dala ang mga bago naming test paper para sa mga natitirang subject saktong sakto na pagka bigay sa'kin ng papel ay nabasa ko ang mga tanong na kasama sa mga nireview ko ang pagkakatulad at pagkakaiba ng isang bagay depende sa gamit ay kasama din dito kaya't agad agad ko na itong sinagutan bago pa mawala sa isip ko ang mga nabasa ko sa aking kwaderno..

Mabilis akong natapos kaya maaga akong nakalabas ng campus kaya tinext ko agad si Kristopher para alamin kung tapos na siyang mag take ng exam

Kristopher
Hey! Tapos na 'ko mag take ng exam, antayin nalang kita dito sa swing kung hindi ka pa tapos para sabay na tayong umuwi. :)

Wala pang ilang minuto ay nakita ko na nagreply siya at ang sabi niya ay..

Papunta na 'ko sa swing, ayokong pinag-aantay ang prinsesa ko :)

Natanaw ko siya na pababa ng hagdanan at nakatingin sa akin, kaya agad akong kumaway sa kanya at ngumiti.. pagkalapit niya sa'kin ay agad ko siyang inaya papuntang park doon ko ibibigay ang regalo ko sa kanya pati ang aking sagot sa matagal niya ng panliligaw.

pagdating namin sa park ay agad kaming sumalampak sa damuhan iniabot ko sa kanya ang aking regalo at ng buksan niya ay inalok ko siya na ako na ang magkabit nito sa kanyang kaliwang kamay at pumayag naman siya.

"Salamat, prinsesa ko. May regalo din ako sayo oh" sabay abot niya sa akin ng isang maliit na kahon at pagbukas ko ay isang kwintas na ang pendant ay heart

"Khy gusto ko sanang itanong dahil ayoko ng patagalin, Will you be my girlfriend?" At tinanguan ko siya ng may ngiti sa aking mga labi

At sa hindi inaasahan ay may narinig akong ingay at..

Nagising ako sa isang panaginip dahil maaga ang pasok namin ngayon pero hindi parin maalis sa isip ko ang napanaginipan ko, isang balik-tanaw sa aming nakaraan

Ang nakaraan na puno ng kaligayahan mula sa una naming pagkikita hanggang sa araw ng aming kaarawan at ang pinaka ayaw ko ay ang araw ng huli naming paguusap ang araw na napagsalitaan ko siya ng masasakit na salita.

Kapag binabalikan ko ang ating nakaraan hindi ko maiwasan na hindi sisihin ang sarili ko, Siguro kung hindi kita inaway ay nasa piling pa kita, masaya pa sana tayong magkasama at hindi ka napunta sa kanya sana akin ka nalang ulit Kristopher sana ako nalang ulit..

Madalas tayong nagkakasagutan dahil sa maling desisyon sana pala hindi nalang ako nakipagtalo sa'yo edi sana nandito ka pa ngayon sa tabi ko, Ikaw lang ang dahilan ng mga ngiti ko kaya hindi ko alam kung kakayanin ko pa na ngumiti kung wala ka na sa buhay ko.

Paalam na siguro nga hindi para sa'tin ang salitang Forever kailangan na kitang limutin dahil isa ka nalang ala-ala ng nakaraan.

Hindi siguro tayo nakatakda para sa isa't isa kaya masasabi ko na hindi lahat ng relasyon ay tumatagal ng forever, because only God's love is forever.

Kailangan ko ng mag move-on for the better, hindi na pwede na makulong ako sa nakaraan habang siya ay maligaya na sa piling ng iba.

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon