Chapter 50
A week later...
"Are we really going, anak?" I turned to look at mom who's currently packing her things.
"Yes mom, we're going. Ayaw mo ba?" I slightly pouted my lips.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig at lumapit sa akin, "ayos naman sa akin na bumalik ng Pilipinas. Ang iniisip ko lang ay ikaw. Are you sure you're ready to face the people who were once became a part of your life?"
Ngumiti ako, "yes mom. Na-realize ko lang po kasi, hindi naman habang buhay nalang akong magtatago. Tama ho si Clemy, kapag ginawa ko po iyon ay ipapakita ko lang na duwag ako't hindi ko kayang harapin ang mga problema ko. And I think 6 years is already enough as my preparation..."
Tumango na lamang si mommy bago ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit niya. I looked at her back.
Gusto ko rin siyang tanungin.
Kung totoo bang ayos lang sa kaniya na bumalik?
Kung hindi na ba siya masasaktan kapag bumalik kami sa Pilipinas?
Alam ko, alam kong hanggang ngayon apektado parin siya sa tatay ko. And probably, that Jona Moon, Shalana's mother is now currently beside my dad's arms.
I mean, I'm not sure but that's the most possible thing to happen.
Isiniwalat nila na anak ni daddy si Shalana, then probably talagang nagkausap at nagkasundo talaga ang mga magulang mg babaeng iyon. They might be together now, a family.
Gumuhit ang sakit sa puso ko kaya naman ay ipinilig ko na lamang ang ulo ko at nagpaalam kay mommy na pupuntahan ko muna si Magnus sa ibaba.
And when I came downstairs, I was able to see how my son plays with his samchun. Napangiti ako bago kinuha ang atensyon nilang dalawa.
"Hi boys!" I chirped.
"Mommy!" Masiglang tumakbo si Magnus at yumakap sa akin. Nabigla ako nang lumapit ang bibig niya sa tainga ko. "Mommy, samchun told me he's coming with us, and not to tell you because it's a secret."
Napangiwi ako't natawa sa sinabi ng anak ko. "Really? That's great!" Iyon lang ang sinabi ko para naman ay hindi mahalata ni Samuel iyon ang sinabi ni Magnus.
Ano naman kayang plano ng lalaking 'to? Pagod na ba siyang kakaikot ng South Korea kaya sasama siya sa akin?
But there's no problem with that, though. That's even great! Mas marami, mas masaya. And I also wanted to show him my country.
"Let's go upstairs na anak, ha? Let's wash up na so you can rest and sleep early." Hinaplos ko ang buhok niya.
"Okay po!"
Inihatid ko siya sa itaas at nilisan. Nang tuluyan na siyang makatulog ay bumaba na rin ako at naabutan si Samuel sa salas at nanonood ng TV. Dumiretso muna ako sa kusina para magtimpla ng gatas, I also brought Sam his favorite coffee, dahil alam ko namang hindi siya umiinom ng gatas.
"Hey..." I managed to say that before giving him his cup.
"Oh, thank you."
I sat beside him and looked forward. Humigop muna ako ng gatas at lumunok bago naisipang magsalita ulit.
"So... you're coming with me?"
Awtomatiko siyang lumingon sa akin. He looked shocked but that was just a little time, maybe he realized he just talked about it to my son, na wala namang alam sa pagsisinungaling.
"Yeah, if that's okay with you of course."
"No it's not okay." Sabi ko. Agad siyang tumingin sa akin. Nagtatanong ang kaniyang mga mata, "joke! Siyempre okay na okay 'yun! Pero, nagpaalam ka ba kay Chaeyoung? Naku! Huwag lang talagang tatawag sa akin yung girlfriend mo para hanapin ka dahil talagang mapapatay kita, Sam!"
YOU ARE READING
Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]
Roman d'amourMONTAIRRE SERIES #1: THAT BITCH IS MINE Keifer Joshua Montairre has been depressed for a vey long time. His mom cheated on his dad and it gave him an incomplete family. He had been resenting this man his mom had a relationship with. And it turns out...