Chapter 5

57 1 0
                                    

“P-Pasensya na…” nauutal na paumanhin ni Eliana at umalis sa balikat ng binata.

Nanatili lamang ang tingin ni Silver sa kaniya.

“It’s fine…” he trailed off, biting his lip. “As long as you have that peaceful rest in my arms, I’m good with that.”

Nahiya naman si Eliana kaya tumayo na ito at inayos ang kaniyang mga gamit.

“Aalis na ako…” sambit niya at hindi hinayaan ang binata na magsalita pa.

Palabas na sana siya nang may humigit aa kaniyang braso at ipinaharap siya nito. Nagtama ang kanilang mga mata. Nakapaskil sa mukha ni Silver ang isang nakakalokong ngisi.

“Can I have a kiss first?” He blurted. “Nangangalay ‘yong balikat ko mula sa pagkakasandal mo—”

“Gago ka ba?!” pagmumura ni Eliana. “Ikaw ang nagsandal ng ulo ko riyan sa balikat mo tapos ngayon, magrereklamo ka?!” singhal niya.

He licked his lower lip. His other hand is on his pocket while the other one is holding her arm.

At sa hindi inaasahang pangyayari, isang patak ng halik sa labi ang iginawad ni Silver. Ngunit agad rin siyang lumayo dahil ayaw niyang masapok siya ng dalaga.

He smirked when he already moved away. He looked at Eliana, her forehead creased.

“Sabi ko naman sa iyo…” mapaglarong sambit ng binata. “…isang mura pa, may paglalagyan ang labi mo.” Dugtong niya.

Kumuyom ang kamao ni Eliana. Gustong-gusto niyang murahin ang lalaki ngunit ayaw na niyang maulit pa ang halik na ‘yon.

Naiinis man, minabuti na lamang niyang talikuran ang binata at tuluyang lumabas ng silid.

Natatawang sumunod si Silver sa dalaga. Halos gusto niya itong sabayan sa paglalakad ngunit ginusto na lamang niyang pagmasdan ang dalaga sa likod nito.

In that way, mas nakikita niya ang kabuuan ng babaeng gusto niya.

Good thing dahil ang kotse ni Silver ay nasa labas lamang ng school. Nag-park lang siya sa harap kaya madali lang sa kaniya na sundan ang dalaga.

Mag-a-alas siyete na ngunit hinihintay pa rin niya na masundo ang dalaga pero wala pa rin hanggang ngayon ang driver nito.

Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga at namulsa. Lumapit siya sa dalagang taimtim na naghihintay.

“I’ll send you home, love…” he muttered.

Nag-angat ng kilay si Eliana.

“Umuwi ka na lang,” pabalang na sagot niya.

Umirap lang si Silver. “Ihahatid muna kita,”

“Kaya kong umuwi mag-isa!” giit niya.

Bumuntong hininga si Silver.

“Ihahatid pa rin kita,” he insisted. “Ihahatid kita, sa ayaw o sa gusto mo.” diin niya at naninigurong wala ng isasagot si Eliana sa kaniya.

Umirap ang dalaga, nagmatigas pa rin sa kaniyang kinatatayuan.

“Sakay,” utos ni Silver nang tumapat ang kaniyang sasakyan harap ng dalaga.

“Hindi ako sasakay sa kotse mo at kung ano na naman ang isipin ng mga fans mo!” angil niya.

Kumunot ang noo ni Silver dahil sa sinabi ng dalaga. Alam niya kung ano ang ipinupunto nito.

Tangina! Mura ni Silver sa kaniyang utak.

“Ako lang ang isipin mo, walang iba…” mariin na aniya.

Namula ang pisngi ni Eliana at lihim rin siyang napamura dahil sa inis at hindi niya alam kung ano iyon.

“Sino ka para isipin ko?” pambara niya, nagmatapang pa.

Silver smirked. “Kasi guwapo ako?” patutyang sagot niya.

Natawa si Eliana. “Saan banda? Hindi dahil marami ka ng fans, guwapo ka? Saan banda?” patutya at puno ng sarkasmo sa tinig nito.

Binasa ni Silver ang kaniyang ibabang labi. Lumabas siya sa kaniyang kotse at tumapat kay Eliana.

Inilapit niya ang kaniyang mukha sa dalaga, sinalubong naman ‘yon ni Eliana na dahilan para muli siyang mapamura sa kaniyang isip.

Tangina. Mura nito sa isipan.

Naramdaman ni Eliana na pumalibot ang kamay nito sa kaniyang baywang dahilan para mapasinghap siya nang bigla na lamang siyang kabigin ni Silver at hinalikan sa labi.

Nanlalaki ang mata, hindi tumugon sa halik. Gulat ang rumehistro sa mukha ng dalaga hanggang sa tuluyan ng lumayo si Silver na may nakakalokong ngisi sa labi.

“Sarap sana panggigilan ang labi mo,” may gigil sa boses niya. “Halika na, i-uuwi na kita sa inyo… kapag nag-inarte ka pa, i-uuwi kita sa bahay ko.” Dugtong niya.

Hinila ni Silver ang dalaga at isinakay sa kaniyang kotse. Bakas pa rin ang gulat sa mukha ni Eliana at wala man lang siyang salita na lumalabas sa kaniyang bibig.

Tanging mura lang sa kaniyang isip ang kaiyang nababanggit at maging ang halik ni Silver ang nagpatianod sa kaniyang isip.

Tahimik lang silang dalawa sa kotse, walang naghamon para mag-umpisang magsalita. Ang bawat galaw ni Silver sa manobela ay tila isang propesyunal na driver.

Napalunok si Eliana, gusto niyang magsalita ngunit wala talagang boses na lumalabas sa kaniyang bibig.

“Speak, love…” Silver muttered, carefully.

Nilingon siya ni Eliana na may pagtataka sa kaniyang mukha.

“Speak now, love…” again, he mumbled and this time, he’s looking at her. “I don’t want you mute.”

Eliana creased her forehead.

“W-What?” nauutal at wala pa rin sa wisyo.

Silver heaved a sigh. Ang isang kamay ay humawak sa kamay ni Eliana.

“Masyado ba kitang nagulat sa halik ko?” nakangising tanong ni Silver. “Na-realize mo ba kung gaano kagaling ang magiging boyfriend mo kapag hinalikan ka?” pilyong dugtong pa niya.

Pansin niya ang paglunok ni Eliana at sinamaan lamang siya ng tingin nito.

“Kupal mo!” inis na singhal niya.

Humalukipkip si Eliana nang ma-proseso ang lahat ng salitang lumalabas sa bibig ng binata.

He chuckled.

“I thought you weren’t going to talk. Good timing, we’re in front of your house,” he said.

Suminghap si Eliana, lumingon siya sa harap at tama nga ang binata. Tapat mismo ng kanilang mansyon.

“P-Paano mo nalaman ang bahay namin?” utal na tanong niya.

He smirked. “Syempre gusto kita,” aniya. “…gusto kong malaman kung saan nakatira ang babaeng gusto ko,” malumanay na dugtong niya.

Napairap na lamang si Eliana at inayos ang kaniyang gamit.

“Playboy!” she muttered and open the door.

Rinig pa niyang tumawa si Silver sabay sumipol pa ito.

“Sa iyo lang ang playboy na ito,” banat niya. “At ikaw lang, love…” dugtong niya.

Tuluyan nang lumabas si Eliana at ibinalibag pa ang pinto ng kotse ng binata. Napairap na lamang siya nang pinaandar ni Silver ang kaniyang sasakyan.

Pumasok na siya at napansin ni Eliana ang pag-signal light ng sasakyan ni Silver. Tatlong beses ‘yon, hindi siya sigurado kung ano ang ibig sabihin niyon.

Hindi niya matukoy kaya napakagat na lamang siya ng kaniyang labi at tuluyang pumasok sa kanilang bahay.

“Playboy…” she uttered, shook her head.

Playboy's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon